Nahagip ng paningin ni Prinsipe Saimon ang lalaking nakatanaw sa kanila ni Peri, kinutuban siya pero imposible namang ang kanyang nasa isipan. Sa isip niya ay nakita niya si Saifron ang kanyang kapatid pero imposible namang andito din ito sa mundo ng mga tao. Inaya na niya sa loob si Peri para makakain na. Isa pa, inaabangan niya talaga ang pinabili niya ditong softdrinks. Napakasarap kasi talaga niyon, tapos excited pa siyang kumain dahil si Peri mismo ang nagluto ng paborito niya. Iyong itlog na gaya ng pagkakaluto nito noon sa palasyo. Hindi palainom ng softdrinks ang kanyang mga kasama sa bahay, maging si Peri ay pinagbabawalan din ng Ina nito na uminom dahil masama daw iyon sa buntis kaya solo niya ang isang malaking softdrinks. Masaya silang kumain, sa araw-araw na na