Napakasarap halikan ng labi ni Silvanna, napakalambot at talagang nalalasahan niya ang tamis ng labi nito. Ganito din ang sarap na nalasap niya ng una niyang natikman ang labi nito kagabi. Nakakalasing ang lasa niyon,lalo pa at normal na mamula-mula iyon. Halata sa paraan ng pagtugon nito sa halik niya na hindi pa talaga ito sanay at wala pa itong karanasan pero mas lalo lamang iyong nakadagdag sa kasabikan niyang lalo pang lasapin ang sarap at lambot ng labi nito. Marahan ang halik niya sa una ngunit kalaunan ay nagiging mas mapusok iyon hanggang sa ang simpleng halik ay nadagdagan na ng kapangahasan ng kanyang kamay at ngayo'y naglulumikot na iyon sa likod ni Silvanna hanggang sa maging ang may kaumbukan nitong pang-upo ay kanya na ring pinapangahasang pisilpisilin. " Uugghh." imp