Halos tatlong araw din ang paghahanda para sa surprise proposal na gagawin ni Haring Saithon kay Peri at iyon ay sa tulong ni Alice at ng lahat ng kasabwat. Sa isang lugar lang naman na pinakanagustuhan niya sa mundo ng mga tao nais niyang ganapin ang surprised proposal na nais niyang gawin, iyon ay sa scalator ng mall. Wala siyang alam sa lahat basta ang lahat ng gumawa ng paraan para maging masaya at maganda ang proposal ay si Alice. Ang plano, aayain nila si Peri na mamasyal sa mall. Bale buong pamilya sila doon na pupunta. May mga kasabwat na sila sa loob ng mall na nakausap ni Alice at nagbayad din sila sa mall para sa abalang gagawin nila. " Kinakabahan ako Alice, baka hindi sya matuwa sa surpresa natin." kinakabahang sabi ni Haring Saithon kay Alice, hindi niya akalaing ganito p

