Makalipas ang isang linggo, naging payapa ang bawat sandali sa pamilya ni Periwinkle. Kahit papano ay natahimik ang mundo nila lalo pa at wala naman silang nararamdamang panganib.Umaasa na lamang sila na sana wala na talagang panganib na dumating, ngunit hindi pa rin nagpapasyang bumalik ng kaharian ang Mahal na Hari dahil ang nais nito ay mahuli ang mag-amang Malina at Damian. Iminungkahi ni Prinsipe Saimon na bumalik na sila sa kanilang mundo ngunit sinabi ni Haring Saithon na mas mainam kung don lamang muna sila at sa kanilang pagbabalik nasolve na nila ang problema nila sa mag-ama. Para ganap na ang kaligtasan niya at maging ang kaharian nila. " Couz, anong plano mo? Babalik ka pa rin ba sa mundo nyo?" tanong ni Peri kay Alice hindi na talaga nawala ang tawagan nilang couz kahit

