CHAPTER 55 Ellyce. Nagising ako nang may naramdaman akong humalik sa noo ko na sinabayan ng isang malamig pero cute na hagikhik. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko bago naaninag si Tyrone at Leighton. Pawang nakangiti ang dalawa habang nakatingin sa akin. Unti-unti akong bumangon at agad naman akong inalalayan ni Tyrone. Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka. Ang aga naman niyang pumunta rito? "Nagluto ako ng breakfast." Pagmamayabang niya. Narinig ko namang napa-ismid ang anak naming lalaki. "Si Tito Frost ang nagluto, mommy, wag kang maniwala kay Dad. He's lying," masungit na saad niya sa ama. Binaling ko ulit ang tingin ko kay Tyrone pero umiwas siya at tumingin sa ibang direksyon tsaka sadyang tumikhim. "At least, tumulong ako," saad niya at ngumuso. "Yeah, yeah. Tumulong sa p