CHAPTER 56 Ellyce. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Mag-aalas dose palang. Bumangon ako at pinunasan ang mga nagdaraos na pawis sa aking noo. Parang galing ako sa isang marathon dahil sa pawis at ang paghahabol ko ng aking hininga. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa banyo. This feeling is very unusual. Parang may mangyayaring hindi maganda? Hindi ko alam. All I know is painful. Napahawak ako sa aking dibdib at panay ang hinga ng malalim habang ang isa kong kamay ay nakatukod sa sink. Naninikip ang dibdib ko. 'Yan ang klarong nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makahinga ng maayos. Ano ba 'tong nararamdaman ko? "Babe? Anong problema?" Hindi ko na napansin ang paglapit ni Tyrone dahil nakafocus ako sa aking dibdib. "Mahal?" May halong pag-aalala niyang tawag sa akin. "Masakit ba ang d