Chapter 27

1227 Words
CHAPTER 27 Krystal. Uminom ako ng tubig at tiningnan ang mga palad ko. Namamaga na ito at may mga galos pa. Nag-e-ensayo ako mag-isa kasi feeling ko hindi pa ako masyadong malakas kumpara sa mga kasama ko. It feels like I was left behind, and it makes me feel disappointed to myself. I close my eyes as I feel the cold water going down to my throat. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko, naguguluhan ako na ewan. Lately, I've been recollecting some threats to an unknown person. Kahit gusto ko na itong sabihin sa mga kaibigan ko ay hindi ko ginawa at ipinagsawalang bahala nalang lahat ng 'yon. Maybe, it's just some kind of pranks. Pero ang tanong... Bakit may magpapadala sa akin ng ganoon? I don't know. Hindi ko alam. Sa pagka-alala ko wala naman akong naging kaaway----- wait. Hinawakan ko ang ulo ko at pilit na ina-alala kung meron bang taong may malaking galit sa akin. Plenty of memories rushing through my mind but I remember.... Nothing. Shit. Sino ba talaga ang nagpapadala sa akin ng mga threats? At bakit wala akong ma-alala na naging kaaway ko?! Darn! What should I do now?! Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng isang mahinang halakhak. Sinundan ko kung saan 'yon nanggaling hanggang sa mapadpad ako sa mini garden ng dorm namin. Weird. 'Yan ang pakiramdam ko ngayon habang tinitingnan ko si Tyrone na parang baliw na ngumingiti habang nagbabasa ng history book. I wonder kung anong nakakatawa sa history? May sira na yata sa tuktok 'tong lalaking to. "Anyare sa kanya?" Tanong sa akin ni Alyana habang confused na confused na nakatingin kay Tyrone. Hindi ko man lang namalayan ang presensya niya. "Ewan ko. Baliw na ata 'yang taong 'yan." Sagot ko. "Anong nangyari sa palad mo?" Alyana asked. Agad kong itinago sa likod ko ang mga palad ko nang makitang nakatingin si Alyana do'n. "W-wala 'to. Nadapa kasi ako kanina do'n sa matinik na daan kaya marami akong galos. 'Yon lang." Pagsisinungaling ko. "Ah, ganoon ba? Mag-ingat ka kasi, and by the way, kamusta na pala kayo ni Treves? Lately, napapansin kong parang hindi kayo okay. Is there something happened between you and him?" Bahagya akong natigilan sa tanong niya. How are we? I wanted to tell her the truth but I know na magtatanong sila kung anong nangyari sa amin lalo na ngayon na pino-problema ko pa kung sino yung taong nagpapadala sa akin ng threats. "A-ah, eh..." Darn! I can't find a words to say. Pano na 'to? Sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo? Pero hindi pa ako ready na malaman niyang matagal na kaming wala ni Treves. "Ka---" sasabihin ko na sana ang totoo nang dumating si Kuya. Hays! Saved by Kuya. "Anyare sa isang 'yan?" Kuya asked. "Aba, malay namin. Tanungin mo kaya?" masungit na sagot ni Alyana sa kan'ya. Nakita ko namang napasimangot si Kuya sa sagot sa kanya ni Alyana. Eh pano kasi, inirapan kaagad ni Alyana si Kuya matapos niyang sabihin 'yon. "Ang sungit mo naman. Meron ka siguro, noh?" Pang-aasar ni Kuya kay Alyana. Hay naku! Siguradong walang katapusang asaran na naman ang magaganap. "Hoy, Yelo! Tigil tigilan mo nga ako!" "Abah! Sino bang nauna, ha? Tinanong kita ng maayos kaya sumagot karin ng maayos!" "Bakit? Hindi ba maayos 'yung sagot ko, ha? Eh hindi naman namin talaga alam ang nangyayari diyan sa lalaking 'yan kaya kung gusto mong malaman eh di tanungin mo siya!" Confirmed. Meron nga ang babaeng toh. "Tama na nga 'yan. Lapitan nalang natin si Tyrone, baka tuluyan ng mabaliw 'yon." Sabi ko at hinila silang dalawa papalapit kay Tyrone. Hindi niya kaagad kami napansin dahil sa kamay niyang nakatakip sa mukha niya habang mahinang tumatawa. Napatalon kaming umatras tatlo ng bigla nalang siyang tumawa ng malakas. Ohmyghad! Jusko! Sa lahat naman ng santo dyan, sambahin niyo 'tong taong to! Ilabas niyo ang masamang ispirito na sumapi sa katawan niya! Waah! Kasi... kasi... kasi... natatakot na ako! "Oh, guys! Andyan pala kayo. " Bati ni Tyrone nang makita niya kami. Tapos na? Wala na ba 'yung masamang ispirito na sumanib sa katawan niya? Lumapit naman si kuya kay Tyrone at hinawakan ang noo niya. I think, chinicheck niya kung may lagnat ba si Tyrone. Once in a lifetime lang kasi ngumingiti 'yang taong 'yan kaya nakakapanibago lang talaga, and at the same time, nakakapagtaka. "Okay ka lang, bro?" Tanong ni Kuya sa kanya. Napangiwi naman si Tyrone habang nakangiti parin. "Ano ka ba naman, Frost? Okay ako, syempre, ako pa! Bakit?" "Wala lang. We're just curious since you're smiling widely today. Is there something happened that lightens up your mood?" Kuya asked. "Huh? Ngumiti ba ako?" nagtatakang tanong ni Tyrone. Lahat kami kumunot ang noo dahil sa sinabi niya. If I have a strength right now, I will definitely freeze him to death, but I can't bacause, heller! Apoy kaya ang kapangyarihan ng taong yan, and besides, wala akong laban sa kanya. "You're smiling? Yeah, you're smiling. Sabihin mo na kasi kung ano ang nakakapagpasaya sayo para hindi kami mamatay dahil sa curiosity," Pangungumbinsi ni Alyana sa kanya. "Wala namang magandang nangyari ah?" Napa-atras ulit ako nang humalakhak ulit siya. Jusmiyo! "Alam mo, Tyrone? Para kang tanga! Tawa ka ng tawa ng walang dahilan! Naku! Mukhang nilamangan mo na si Trever!" Alyana said. "Bro, sabihin mo na kasi para hindi ka na namin tanungin ulit," kumbinsi ni kuya sa kanya. Nakita ko namang ngumiti ng malawak si Tyrone. 'Yung tipong, ear to ear smile? Okay? >>> Nandito ako ngayon sa library. Naka-upo ako sa lapag habang nakasandal ang likod ko sa pader. Simula no'ng maghiwalay kami ni Treves ay nakahiligan ko nang tumambay dito. Ang tahimik kasi at walang masyadong tao kasi kakaunti lang ang mahilig mag-library dito sa school. Napapikit ako nang kumalam ang sikmura ko. Aiysh! Hindi pa pala ako kumain simula kaninang umaga. Napatingin ako sa orasan ko at do'n ko lang napagtantong 12:14 na pala ng tanghali. Tatayo na sana ako ng mahagip ng mga mata ko si Treves na nagbabasa ng libro sa di kalayuang pwesto kung nasaan ako. Nakatagilid siyang nakita ko at kahit may mga librong nakaharang sa view ko ay sigurado akong siya 'yon. His presence is easy for me to notice. Tuluyan na akong tumayo at lumabas ng library. Kahit naman kausapin ko siya ay wala paring mangyayari. Past is past and the relationship we had before will never be the same. And even if he's my mate, we can't be together if we don't love each other. Pakiramdam ko nga na ako lang 'yong nagmahal. "Excuse me, miss, pero anong ginagawa mo dito sa labas ng boys restroom?" Para akong natauhan nang may magsalita sa bandang likuran ko. Napakunot ang noo ko nang mapansing nasa labas ako ng boys restroom. A-anong ginagawa ko dito? "What the?" Tanging bulalas ko nang mapansing pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng dumadaan dito. Aiysh! Why so clumsy Krystal?! Nakakahiya! Hinarap ko naman 'yung lalaking kuma-usap sa akin kanina at ngumiti ng pilit. "I'm sorry, I was just out of my mind to the point that I didn't notice that I'm already in front of the boy's restroom," nakita ko naman siyang ngumiti at naglahad ng kamay kaya napataas ng kaunti ang isang kilay ko. "I'm Blake. Blake Sandoval, healer mage." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD