17
TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!
ºººDRAKE POVººº
"No!." Sigaw na nakapagpagising sa akin. Binabangungot na naman ang asawa ko. At kapag nagigising ay umiiyak ito dahil sa kung ano mang bangungot ang napanaginipan niya.
Hindi na ako mapakali sa nakikitang ayos ng asawa ko. Kahit na anong tanong ko kung ano ang nangyayari sa kanya at kung bakit siya ngayon nagkakaganito ay wala paring akong sagot na makuha mula dito. Tanging ang paghingi nito ng tawad sa akin ang naririnig ko sa kanya.
"Hon, please. Sabihin mo sa akin kung ano ang dahilan bakit ka nagkakaganito. Hindi kita matutulungan kong ililihim mo sa akin ang nangyayari sayo." mga pakiusap ko sa kanya ng paulit ulit.
Mahinang pagiyak ang naging tugon niya kaya muli ko siyang niyakap.
Anong gagawin ko? Kahit na gusto ko itong dalhin sa hospital ay tudo ang pagtanggi niya kaya kahit na gustong gusto ko siyang matulungan ay wala akong magawa.
"Sorry." mahina niyang usal. "Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Hindi na kaya ng konsenya ko." natigilan ako na sa unang pagkakataon ay nakarinig ako ng mahabang kataga mula sa kanya.
"Shhh. Calm yourself down, honey. Hindi makakatulong sayo ang pag iyak mo." pang aalo ko sa kanya para mabawasan man lang ang bigat na dinadala nito kung ano man iyon.
"Hindi ko sinasadya." muli niyang sabi sa akin. "Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin, kaya patawarin mo ako." patigil tigil man itong magsalita ay nauunawaan ko ang gusto niyang ipahiwatig.
"Tell me. Tell me everything."
"T-they r-raped me." mahina pero malinaw pa sa pandinig ko ang binitawan niyang salita.
Natigilan akong nakatitig sa kanya dahil hindi ko alam kung anong damdamin ang biglang sumiklab sa puso ko.
"Who?" nagtatagis bagang na tanong ko. Kuyom ang kamao na nais kong hanapin agad kung sino man ang mga taong gumawa ng masama sa asawa ko.
"T-they raped me." Pang uulit niya na parang maghihisterical pa sa huling salita nito kaya muli ko siyang niyakap na kahit nanginginig na ako sa galit na gusto ko agad aksyonan ang nangyari sa kanya.
Hindi ko akalain na ang bigat na pala ng pinagdadaanan ng asawa ko na ngayon ko lang nalaman. Pero paano? May bodyguard ito sa tuwing lumalabas siya at sinigurado kong babantayan siya ng mga ito ng maayos.
"Who the hell they are?" muli kong tanong pero wala na akong sagot na narinig sa kanya kundi ang mabini nitong pag iyak at humagolgol sa ilalim ng mga yakap ko.
Yakap ko siya habang kuyom ang kamao ko. Habang nag uumalpas ang hindi ko maipaliwanag na galit sa mga taong gumawa sa kanya ng ganito.
Magbabayad ang sino mang gumahasa sa asawa ko. Hindi ko sila palalampasin. Ibabaon ko sila sa hukay ng buhay.
ººº
Kumukulo ang dugo ko dahil sa galit na nararamdaman ko sa mga narinig ko mula sa asawa ko.
Matapos ko itong mapakalma kanina at napatulog ay agad kung kinausap ang dalawang bodyguard na nagbabantay sa kanya sa tuwing aalis siya.
At napagtanto ko na nakausap niya ang kaibigan kong si Kent at ang huli ay sa kung anong agency daw iyon na huli nilang pinuntahan.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Pera lang ang papaganahin ko sa pagkakatong ito dahil alam ko na mabilis kong mahahanap ang mga taong iyon. Agad kung pinainbistigahan ang agency na sinabi ng dalawang bodyguard. Saka ko na kakausapin si Kent kung ano man ang bagay na napag usapan nila dahil sigurado naman akong walang gagawing masama ang kaibigan ko sa asawa ko lalo na at magkamag anak parin sila kahit na malayo na iyon sa kanila ngayon.
Pero sa inutusan kong magimbestiga sa agency na iyon isa pala iyong grupo ng mga demonyong nagkalat at nanluluko sa mga taong may mga gustong ipagawang masama sa ibang tao. Pero hindi nila naabutan ang grupong iyon sa kung saan nila huli itong napuntahan ay hindi ko iyon titigilan hanggang sa hindi ko sila mahanap at pagbabayarin sa ginawa sa asawa ko.
Galit man ako sa lumapastangan sa pagkatao ng asawa ko ay hindi parin mawala sa isip ko ang katanungang ano ang ginagawa ng asawa ko sa gusaling iyon na kausap ang grupong lumapastangan sa kanya.
Dahil sa nakuhang impormasyon ng inutusan ko ay isa sa grupong tinutugis ng batas ang mga iyon dahil nga sa masama nilang gawain. Tumatanggap daw ang mga ito ng trabahong labag sa batas tulad na lang ng pagkitil ng buhay. At ang grupo ding iyon ay matagal ng pinaghahanap ng batas.
"Ugh! Fuck." Hindi ko mapigilan ang mapamura dahil sa nangyari sa asawa ko sa kamay ng mga demonyong iyon. Sa kalagayan niya ngayon na hindi matanggap ang nangyari sa kanya na hinahabol sa kanya hanggang sa panaginip. "Hindi ako titigil hanggat hindi kita nabibigyan ng hostisya." Galit na saad ko habang kuyom ang mga kamao ko.
Isang tawag ang natanggap ko mula sa mga inutusan ko kaya hindi na ako nag aksaya ng oras para kausapin ito.
"Sir, magandang balita. Nahanap at nahuli na po namin ang grupong pinapahanap niyo."
Pasuntok na naidapo ko ang kamao ko sa lamesa ng tumayo ako.
"Magbabayad sila." Galit na muli kong saad.
Wala ngang mahirap hanapin kung may pera ka at hindi ako nagkamali sa kaalaman iyon. Kung hindi pa nagsalita ang asawa ko ay baka hanggang ngayon ay kumakapa pa ako sa kawalan ng kasagutan kung bakit naging ganun ang kalagayan nito ngayon.
"Send me the address." Sabi ko dito bago pinutol ang aming usapan.
Sinilip muna ang asawa ko bago ako tumuloy sa lugar kung saan dinala ang mga taong lumapastangan sa kanya.
○○○
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko na dumapo sa mukha ng pinakapinuno ng grupong nahuli ng mga tauhan ko.
Hindi sila nagsasalita kahit na anong tanong ang itanong ko sa kanila.
"f**k. Wala kamong atraso sayo.. gago." At may gana pa itong murahin ako. Kung hindi ako nakaiwas ay baka tumama sa akin ang idinura nito.
"Look at this." Ayaw ko man sanang ipakita sa kanila ang larawan ng asawa ko ay kinailangan ko parin kahit na ayaw kong makarinig ng mga salita laban sa asawa ko.
Tumitig ang lalaki sa larawan ng asawa ko. Hanggang sa isang demonyomg ngisi ang naguhit sa mga labi nita.
"Bakit? Anong relasyon mo sa babaeng iyan?" At ito pa talaga ang may ganang magtanong kahit na alam na hindi na sila makakawala pa sa pagkakahuli nila.
"She is my wife. And you raped her." Sa pagkakasabi ko ay isa na namang suntok sa sikmura nito ang pinakawalan ko. Gustong gusto ko na silang pagsusuntukin hanggang sa malagutan na sila ng hininga kung hindi ko lamang pinipigilan ang sarili ko dahil gusto ko paring malaman kung bakit at ano ang dahilan kaya siya napadpad at nakilala ang mga demonyong lalaking ito.
"Asawa? Ikaw siguro ang sinasabi niyang nagtakasil sa kanya at magkakaanak sa iba?" Panimula nito na ikinakunot ng nuo ko.
At ano ang kinalaman ni Ezekiel at ang dinadala nitong magiging anak namin.
Hindi ko makuhang magsalita at hinintay ang mga sasabihin nito.
Hindi din ito magsasalita ng ganun kung walang nakapagsabi dito. Ako, ang asawa ko, ang mga kaibigan ko, mga tao sa bahay kung nasaan ngayon si Ezekoel ang nakakaalam ng bagay na iyon.
"Pero hindi ko sasabihin sayo ang dahilan kung bakit ko alam iyon. Ang sa akin ay masarap ang asawa mo." Bagkus iyon ang narinig kong sumunod na sinabi nito na muling nakapagpasiklab ng galit ko kaya muli ko itong sinuntok sa mukha. Sa sikmura.
"f**k you. Papatayin kita sa ginawa mo sa asawa ko." Gigil na sabi ko habang patuloy parin ako sa pagsuntok dito.
"Sir. Huminahon kayo. Mapapatay niyo siya." Pigil naman ng isa sa mga tauhan ko.
Kahit na ayaw ko sanang tumigil ay hindi na ako binitawan ng pumigil sa akin.
"Hahahahaha."malademonyong pagtawa pa ng lalaki na siyang mas nakakapagpasiklab ng galit ko.
Wala akong makitang takot sa mga mata ng mga taong ito kahit na nagbabadya na ng kamatayan ang hinaharap nila.
"Napakaganda ng asawa mo. Napakakinis ng kutis. Sayang nga at hindi ko na naulit ang pag angkin ko sa.... ugh.." at sa mga sinabi niya ay walang nakapagpigil sa akin ng hugutin ko ang baril ng pumigil sa akin at binaril ito.
Hindi ko man ito napuruhan ay alam kong iindain nito ang sakit sa tama ng baril sa balikat nito.
"Isang salita mo pa sa paglapastangan sa asawa ko. Hindi ka na sisikatan ng araw na buhay." Banta ko dito kahit na gusto ko ng tuluyan ito.
Wala akong pakialam kahit mapatay ko ito basta mabigyan ko ng hustisya ang asawa ko.
Iningatan, inalagaan at minahal ko ang asawa ko at hindi ko hahayaang pagsalitaan ng iba ito.
"W-wala kang mahihita sa amin. Ugh. Fuck." Dinuro ko ang balikat nitong tinamaan ng baril kaya ito muling napamura.
Kahit na anong pagpapasakit ang ginawa ko sa kanila ay hindi sila nagsalita tungkol sa kung bakit napadpad ang asawa ko sa kanila.
"Kung hindi ka magsasalita. Ang mga kasama mo kaya?"
Tinapunan ko ng masamang tingin ang iba nitong mga kasama. "Alam kong wala kang pamilya na inaalala.Pero ang mga kasama mo kaya? Ang mga anak nila?" sabi ko sa makahulugang tinig.
Wala naman akong balak pang idamay ang mga pamilya ng mga ito pero iyon na lang ang tanging paraan ko para malaman ang katutuhanan sa likod ng panggagahasa ng mga ito sa asawa ko.
"Hindi niyo naman siguro gugustuhing may masamang mangyari sa mga anak niyo." pagbabanta ko at nilapitan pa ang isang lalaki na tahimik lang simula kanina.
Hindi ko naman tototohanin ang banta ko. Gusto ko lang silang takutin dahil wala akong mahihita sa boss nila.
"Handa akong magpakasama para lamang sa asawa ko. At hindi ko sasantuhin ang kahit na sino? Kaya ikaw.. Ayaw mo sigurong may masamang mangyari sa mga anak mo."
"Huwag mong idadamay ang mga anak ko dito?" galit na sabi nito pero hindi nakaligtas sa akin ang takot sa mga mata nito.
Ngumisi ako. "Ginalaw niyo ang asawa ko kaya hindi mo ako mapipigilang maghiganti gamit ang mga mahal niyo sa buhay. Kung gusto mong mailigtas ang mga anak mo sa panganib na nakaabang sa kanila. Magsalita ka at sagutin ang mga tanong ko." mahinahon kong pagbabanta kahit na sa loob ko ay umaalsa na ang galit na kanina ko pa pinipigilan. Nais ko ng mabigyan ng hustisya ang ginawa nila sa asawa ko pero kailangan ko ding malaman ang dahilan kung bakit siya nakipagkita sa mga ito? Ano ang dahilan ng asawa ko?
"Wala kaming kinalaman sa panggagahasa sa asawa mo. Tanging ang boss lang namin ang gumalaw sa kanya."
"Tumahimik ka." sigaw ng pinuno nila dahil sa pagsasalita nito.
"Ikaw ang manahimik." gigil na muli kong dinuro ang tama nito ng baril
"Ugh."
"Ituloy mo." muli kong tinapunan ng tingin ang kausap ko kanina. "Naghihintay ako." muli kong kinalma ang sarili ko at naghintay na muli itong magsalita.
Ilang sigundo o umabot pa ng isang minuto ang pananahimik nito. Pero bago pa man ito muling makapagsalita ay magkakasunod na putok ng baril ang namayani sa paligid.
Mabilis ang mga pangyayari. Tumba lahat ng mga kasama ng lalaking gumahasa sa asawa ko at kahit na ang lalaking iyon.
"Sir, ayos lang ba kayo?" natulala ako sa kabiglaan. Hawak ng isang tauhan ko ang baril na bumaril sa pinuno ng grupo na ngayon ay wala ng buhay.
"What did you do?" galit na sigaw ko na inagaw dito ang baril at tinutukan. Hindi ko na naisip na ginawa lang nito iyon para lamang hindi ako mabaril ng lalaki. Pero bakit? Hindi ko pa nalalaman ang dahilan kung bakit nagpunta ang asawa ko at nakipagkita sa mga demonyong ito.
"Parating na ang mga pulis sir. Kailangan na nating umalis." Sabi ng isa na umalalay sa akin.
Hindi ako nakasagot agad. Nagpatangay sa mga ito dahil sa magkakahalung pagkagulat at hindi nailabas na galit sa dibdib ko.
Lulan na ng kotse at agad na nilisan ang lugar.
"Huwag po kayong mag alala, Sir. Malinis po ang crime scene at walang makakapagturo ng mga nangyari kanina."
Napakurap pa ako ng marinig kong magsalita ang isa sa tauhan ko. Hindi na ako sumagot. Tahimik na lang akong tumango at iniisip parin ang mga nangyari na sa isang iglap lang ay apat na tao ang nawalan ng buhay.
Gusto ko silang ibaon ng buhay pero hindi sa ganung kabilis na pagkamatay. Ipaparamdam sa kanila ang paghihinagpis ng asawa kong nilapastangan nila.
"Damn it." Kuyom ang isang kamao ko habang sapo ng isa ang sintido ko. Hindi ko na tuloy alam ang susunod kong gagawin sa bilis ng mga pangyayari.
ººº
Tahimik na nilapitan ko ang asawa ko habang natutulog. Magkaaksunod na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ko siya.
"I love you hon. Hindi magbabago ang pagmamahal kong iyan kahit na ano pa man ang iyong pinagdadaanan." bulong ko habang masuyong humahaplos ang palad ko sa maamo niyang mukha.
"Hmmm, N-no. N-no.. Bitawan mo ako. B-bitawan mo ako." binabangungot na naman siya kaya agad ko siyang niyakap.
"Shhh, it's me. It's me hin. Calm down." pagpapakalma ko sa kanya na agad siyang nagmulat ng mga mata. "It's okay now. Hindi mo na kailangang mag alala. Wala na ang mga taong iyon." pagbibigay ko ng magandang balita para sa kanya. "Nabigyan ko ng hustisya ang ginawa nila sayo."
"D-drake." mahina niyang bigkas sa pangalan ko. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya." muli na naman niyang hingi ng patawad.
"No. Hindi ka dapat humingi ng tawad sa akin dahil sa nangyari sayo. Hindi mo iyon kasalanan."
"P-please. Don't leave me. P-please."
"Yes hon. Hinding hindi kita iiwan. Walang magbabago sa atin. Kaya huminahon ka lang. Kalimutan mo ang mga masamang nangyari sayo. Nandito lang ako."
Humagulgol na naman ito ng iyak kaya muli ko siyang niyakap.
Alam ko na mahirap sa kanya ang pinagdaanan niya. Ako man ay nahihirapang tanggapin ang mga iyon. Sinisisi ko din ang sarili ko dahil hindi ko siya nabantayan. Nagkulang ako ng pagbabantay sa kanya na ikinapahamak niya.
"Shhhh. Tahan na. Hindi kita iiwan." paulit ulit na sabi ko para lamang kumalma siya. Hindi ako magsasawang ipadama sa kanya ngayon na hindi siya nag iisa. Kahit na anong mangyari ay handa akong damayan siya.
৹৹৹
"Hey! Whats up dude."
"Nasaan si Kent?" tanong ko kina Jeff at Gabriel ng magpunta ako ng Casino Gem. Kahit na ayaw ko na muna sanang iwan ang asawa ko ay kailangan dahil gusto kong malaman kung ano ang pinag usapan nila ng araw bago ito magahasa. Dahil sa wala akong nakuhang ibang impormasyon sa mga demonyong iyon ay nagbabakasakali akong makakuha man lang ng ibang impormasyon kay Kent,
Kibit balikat lamang ang isinagot nila sa akin at halatang walang alam kung nasaan ngayon si Kent.
"Hindi din sumasagot sa mga tawag namin. Matagal na din mula ng nagpunta siya dito. Halos pareho nga kayong nawala at hindi na nagawi dito sa casino." sagot ni Gabriel na naghahanda na ng maiinum.
"No need. Hindi na ako magtatagal kung wala siya dito."
"Huh! pero halos kadarating mo lang. Hindi ka ba magtatagal?"
"Marami pa akong kailangang gawin. At kailangan kong makausap si Kent kaya hahanapin ko siya." Hindi na ako nagtagal sa casino kahit na tudo ang pagpigil nila sa akin.
Sumunod na pinuntahan ko ang opisina nito at duon ko nalaman kung nasaan ito at hindi ko nagustuhan ang nalaman ko.
Kailan pa ito nagsimulang dumalaw kay Ezekiel? Bakit hindi sa akin itinawag ni Wilma ang nangyayari sa kanila. At ang tanong pa.. Ano ang balak nito sa pagdalawa kay Ezekiel?