#16:

2490 Words
16 TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!! ºººKENT POV:ººº Cousin? Hindi na siguro matatawag na pinsan ko si Mathilde gayong nabibilang na sa 4rt generation galing ang pagiging magpinsan namin at wala na sa mga pangalan namin ang nag uugnay na magkamag anak nga kami. Pero binibigyan ko pa din naman iyon ng kahulugan kaya concern ako sa kalagayan nila ngayon ng kaibigan ko. Alam ko naman na hindi mahuhulog basta ang loob ni Drake sa binayaran niyang magdadala ng magiging anak nila pero hindi sa side ng binayaran niya. Sa ipinapakita bang pagpapahalaga at pag aaruga dito ay siguradong mahuhulog ang loob ng lalaking iyon lalo na at nalaman ko kulang ito sa pagkalinga dahil tanging ang ama nitong may sakit at ang pinsan nitong si Mr. Bejarin na lang ang nagpaparamdam dito ng pagpapahalaga. Inaalam ko nga ang lahat tungkol dito na hindi alam ng kaibigan ko kaya marami na akong alam tungkol sa pagkatao nito. Pero kung ibang lalaki lang siguro ang kaibigan ko at hindi ko kilala ang ugali ay sigurado akong matutukso ang makakakilala sa binayaran niya dahil totoo nga namang cute ito. Para itong tunay na babae sa maiksing buhok kapag nabihisan ito ng maayos. At isa nga sa naging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng interest na alamin ang tungkol sa binayaran ng kaibigan ko dahil minsan nang nakipag usap sa akin si Mathilde na hindi alam ng asawa nito. Sariwa pa sa alaala ko ang pinag usapan namin at mga bagay hinihingan niya ng pabor. "Anong kailangan mo at bakit gusto mo akong makausap, Mathilde?" tanong ko kay Mathilde ng makaharap ko ito at sinadya pa talaga ako mismo sa opisina ko. "Tinawagan mo na lang sana ako para ako na mismo ang nakipagkita sayo. Alam mo naman na ang kalagayan mo ngayon na sa inyo ng asawa mo halos nakafucos ang mata ng mga balita." "Alam ko naman iyon. Nag ingat naman ako." Sabihin na nating hindi naman talaga nakikilala si Mathilde sa ginagalawang industriya ng asawa niya pero iba si Drake dahil halos dito na lahat nakatuon ang pansin ng mga reporter, manunulat at iba pang pwedeng magpakalat ng balita tungkol dito. Si Drake na isa sa pinakasikat sa lahat ng larangan na kinabibilangan pa naming tatlo na kaibigan nito. Kaya pati kaming tatlong kaibigan niya ay nag iingat din sa mga kilos namin para lang hindi mailathala sa kung saan mang mga peryudiko. "Yeah! Nandun na tayo sa nag iingat ka pero sana alam mo na kahit sa akin ay may nagbabantay din dagdagan pa ng kalagayan niyo ngayon ng asawa mo. Ugh! never mind. Anong dahilan bakit ka naparito?" straight to the point na lang para hindi na ito magtagal pa sa opisina ko. Baka magkaroon na naman ng mga haka- haka ang mga taong nakapaligid sa amin na nasa labas lamang ng opisina ko Alam ko naman na walang mangangahas na traydorin ako ng mga emlpoyee na nasa bubong lang ng kompanya ko pero iba din ang nag iingat. "Gusto ko lang makausap ka at humingi ng pabor sayo. Wala kasi akong ibang malapitang iba maliban sayo. Na alam ko naman na itinuturing mo parin akong pinsan kahit na malayo na sa dugo natin iyon." Mabilisang sagot niya na wala ding paligoy-ligoy ng magsalita. Napabuntong hininga. "Alam ko na hindi mo gusto ang ideya ng asawa mo pero huwag mo naman gawing dahilan iyon para gumawa ka ng masama. Mathilde, sa ikinikilos mo ngayon ay alam ko na kaya mong magbayad ng taong sisira sa buhay ng taong binayaran ng asawa mo para sa magiging anak niyo." "Sinabi ko sa kanya na hindi ko gusto ang plano niyang iyon pero tinuloy parin niya. At ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay ang mawala sila sa landas namin ng asawa ko." "Sila? Ibig mong sabihin kahit na ang pinaghirapan ng asawa mong magiging anak niyo ay gusto mong mawala? Nag iisip ka pa ba sa lagay na iyan Mathilde? Kung ang carier ng anak ng asawa mo ay pwede pang mawala sa landas niyo pero ang bata? Sigurado ka ba na gugustuhin ng asawa mo ang bagay na iyon? Pag isipan mo ng mabuti ang mga sinasabi at gusto mong gawin Mathilde." "Kaibigan kong matalik ang isa sa pinag uusapan natin Mathilde. Hindi mo ba naisip na sasabihin ko ngayon ang mga sinasabi mo sa akin. Pwede ko ngayong sabihin sa kanya ang sinabi mong kahit na ang anak niya ay gusto mong mawala sa landas niyong mag asawa. Ano kaya ang sasabihin niya sayo?" Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkakakuyom ng kamao niya. Saka pagpapakawala ng marahas na paghinga. "Alam kong hindi mo sasabihin sa asawa ko ang pag parito at pinag usapan natin. Kaya nga ikaw ang nilapitan ko. Saka kung malalaman man niya iyon ay mas ako ang paniniwalaan niya kaysa sa salita ng ibang tao dahil mahal ako ng asawa ko." "Mahal ka ng asawa mo dahil mabait kang tao, Mathilde. At alam niya na hindi mo kayang manakit ng kahit na sino. Mahal ka nga ng asawa mo ngayon pero sa mga gusto mong gawin sa magiging anak niyo ay hindi ko alam kung maililigtas ka ng pagmamahal na iyan ng asawa mo. Kung ako man siguro ang nasa kalagayan ng kaibigan ko at malalaman ang gusto mong gawin sa anak na matagal ko ng pinapangarap ay mawawala ng saysay ang pagmamahal kong iyon sa iyo." sagot ko dito para bigyan ito ng paalala na huwag gumawa ng mga bagay na ikakasama lalo ng pag sasama nilang mag asawa. "Mahal na mahal ka ng asawa mo, Mathilde pero huwag mong hayaang ang pagmamahal niyang iyon sa iyo ay mawala ng tuluyan kung gumawa ka ng bagay na ikakasama sa magiging anak niyo. Think about it." "Pero.." "Mag isip ka muna ng maraming beses bago ka magdisesyong gawin ang mga gusto mong mangyari. Pero binalaan na kita at pinagsabihan. Sana sa mga sinabi ko ay malinawan ang lahat sa iyo na kahit gaano ka kamahal ng asawa mo kung sinaktan at ginawan mo ng masama ang magiging anak niyo..." napailing pa ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Walang silbi ang pagmamahal na iyon ng asawa mo. Tandaan mo iyan, Mathide." Muli itong nagpakawala ng marahas na paghinga. Hindi na din ito nagpaalam ng maayos at basta na lang akong tinalikuran. Napapailing akong napasunod na lang ang tingin ko dito hanggang tuluyan na itong nakaalis. Pero ang akala ko ay malinaw na ang lahat para dito ay hindi pa pala. Hindi ko man alam ang totoong dahilan ay may kung anong problema ngayon si Mathilde na isa sa mga dahilan kaya hindi na nagagawi sa lugar ni Ezekiel si Drake kahit na gusto siguro nitong bisitahin at alamin ng personal ang kalagayan ng mga ito. At iyon ang ginawa kong dahilan kaya ako ngayon napapadalaw kay Ezekiel na hindi alam ng kaibigan ko. Wala naman akong balak na masama. Gusto ko lang alamin pa ang ibang mga bagay tungkol sa pagkatao ng taong binayaran nito. At napatunayan ko na wala naman dapat ipag alala si Mathide dahil mabait na tao si Ezekiel. Kung iba o babae lamang siguro ang binayaran ng kaibigan ko ay gagawa ang mga ito ng paraan para magkaroon pa ng ibang buwang sa buhay nito pero kay Ezekiel.. Maybe mayron man itong nararamdaman sa kaibigan ko ay wala itong balak bigyang puwang. At sa isang buwan na akong dumadalaw kay Ezekiel ay.. "Ehemmm." isang ngiti ang napaskil sa mga labi ko. Gusto ko man pigilan ay hindi ko magawa dahil nakikinita ko kung gaano kainosente ang mukha niya sa tuwing napapatingin ito sa akin. Wala naman akong balak mapalapit dito pero minsan hinahanap ko na ang presensya nito. Nakakapanibago man sa akin ay nakakatuwang isipin na hindi naman pala mahirap ang mahulog ang loob ko dito. Kung hindi ko lang talaga kilala ang kaibigan ko na kung gaano nito kamahal ang asawa ay baka nga ay mahulog ang loob mismo kay Ezekiel. Pero good to know na iba kung magmahal ang kaibigan ko. And Mathilde was here first and only. "Sir, Nandito na po ang mga inorder niyong bulaklak." Napakurap ako ng marinig ko ang sinabi ng sekretarya ko. Dala nga ang bulaklak na order ko na para kay Ezekiel. Ezekiel deserves some care, and he deserves to be loved. Hindi ko ipagkakailang sa pagmamasid ko dito ay makakagaanan ng loob ko at magkaroon siya ng puwang sa puso ko. Wala pang kahit na sinong lalaki or gay na naka attract sa akin. Kay Ezekiel lang. Pero hindi naman ako nagpapadalos dalos sa nararamdaman ko. Baka paghanga lamang ito sa kanya dahil kaya nitong magdala ng bata sa sinapupunan niya. At hindi ako papasok sa isang damdaming hindi ako sigurado kaya palagi akong nagpaparamdam sa kanya. Palagi akong bumibisita para mapatunayan kung paghanga lang ba sa ibang bagay ang nararamdaman ko o paghanga na na gusto ko na siyang pumasok sa isang relasyon kasama ito. Kung magpaganun man at dumating na sa puntong totoo ang nararamdaman ko sa kanya ay walang kaso sa akin na may dinadala itong anak ng iba. Hindi ko ito hinuhusgahan dahil pumayag itong magbenta ng anak dahil maganda ang naging ason nito. Para lamang maipagamot ang amang may sakit. Dahil ayaw niyang mawalan ng isa pang membro ng pamilya na tanging ang ama na lang ang naiwan sa kanya. Mas hinahangaan ko nga siya dahil sa mga sakripisyo niya sa kanyang ama na kahit sariling buhay ay kayang isugal huwag lamang itong mawala. At napakaswerte ng mga taong mahahalaga sa kanya. "Kung hindi nagbago ang paghangang nararamdaman ko sayo, huwag mong asahang lalayuan pa kita hanggat hindi ka nagiging bahagi ng buhay ko." mahinang saad ko habang nakatingin sa magagandang bulaklak na parang nakikita ko duon ang maamo at cute na mukha ni Ezekiel. Isang ngiti ang hindi mawala-wala sa mga labi ko habang siya ang tumatakbo sa isipan ko. ºººMATHILDE POVººº Hindi ko matignan ng deretso sa mga mata ang asawa ko kahit na gustong gusto kong makita ang mga mata niyang punong puno ng pagmamahal kong tumitingin sa akin pero paano? Paano ko sasalubungin ang mga tinging iyon kong ang laki ng kasalanan ko dito. Alam kong mahal na mahal ako ng asawa ko at handang tanggapin ang pagkakamali ko pero paano? Nagpabulag ako sa insecurities ko sa sarili ko. Sa katutuhanang na ibang tao pa ang makakapagbigay ng anak sa asawa ko. Sana nga. Hindi ko na lang pinansin ang insecurities na nararamdaman ko bagkus pinakitaan ko na lang ng maganda ang taong binayaran ng asawa ko na siyang magdadala ng magiging anak namin. Pero paano? Kung sino pa ang dapat hindi mabuntis ay ito pa ang may kayang bigyan ng anak ang asawa ko. Natapakan ng husto ang pagkatao ko na siyang nagtulak sa akin na makagawa ng masama sa taong iyon. "Hmmm." nanginginig ang mga labi ko sa pinipigilan kong pag iyak. Ramdam ko ang sakit sa pagkagat ko ng mariin sa ibabang labi ko para lamang hindi ako maiyak sa mga nangyayari sa akin. Sa sama ng loob ko na siyang naging dahilan kung bakit ako nalulugmok ngayon sa isang sulok ng silid namin ng asawa ko. Paano ko siya haharapin ng taas nuo ngayon. Paano? Kung pinakinggan ko na lang sana si Kent nuon na huwag ko ng ituloy ang masamang balak ko ay hindi ko sasapitin ang pighating nararamdaman ko. Ang pagkakalugmok ko sa kawalan na parang gusto ko na ngang mawala sa mundong aking ginagalawan. "Hon, please." boses at mga masusuyong katagang naririnig ko mula sa asawa ko. Nuong una ay kaya ko pa itong harapin pero hinahabol ako ng konsensya ko kapag ipinaparamdam nito kong gaano niya ako kamahal. Kung gaano niya ako pinapahalagaan na hindi ko binigyan ng halaga kundi sinuklian ko pa ng hindi maganda at ngayon ay bumalik sa akin ang lahat ng masamang balak ko sa taong binayaran niya. Hindi ako tinatantanan ng alaalang iyon na siyang naging dahilan ng pagkakalugmok ko ngayon sa kadiliman. Walang lingon likod akong lumabas ng opisina ni Kent matapos nitong tanggihan ang pabor na hinihingi ko. Siya lang kasi ang alam kong malalapitan pero nabigo ako. Isa akong sikat na modelo nung hindi pa kami ikinakasal ni Drake pero agad akong nawala sa larangang iyon ng magpasya kaming magpakasal. Napaaga man ang pagpapakasal namin ay hindi ko iyon pinagsisihan dahil ibinigay ng asawa ko ang lahat ng pwedeng ibigay sa akin. Pagkalinga, pagpapahalaga, pagmamahal. At si Drake ay patuloy na sumisikat sa ibat ibang larangan kaya kilala ito sa lipunan at ako na bilang asawa niya na patuloy na sinusundan ang takbo ng kwento naming dalawa. Pero paano ko mapapnatag ang loob ko dahil nilalamon ako ng insecurities ko dahil sa ibang tao pa niya makukuha ang anak na matagal na niyang pangarap. Anak na manggagaling sa sariling dugo na hindi ko kayang maibigay sa kanya. At iyon ngayon ang nagtutulak sa akin na gumawa ng bagay na makakapagpawala sa landas namin ang taong may dala ng anak niya. Even the child. Hindi ko iyon matatanggap kahit na sinasabi kong kaya ko pero hindi ko pagsisinungalingan ang sarili ko sa bagay na iyon. Sabihin na nila akong selfish pero iyon ang katutuhanan. I tried to ask Kent for a favor but he turned me down kaya maghahanap ako ng taong makakagawa ng bagay na iyon para sa akin. Naghanap ako ng mga taong pwedeng makakatulong sa akin hanggang sa napagpag ako sa isang grupo na nakilala ko online na gumagawa ng mga bagay na imposebleng gawin ng iba na kaya nilang gawing poseble. At doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Because those group are demons. Na kahit na gusto kong umatras ay hindi ko na nagawa dahil walang kahit na sino ang tumulong sa akin. The boss of that group raped me. At iyon ngayon ang hindi ko masabi sa asawa ko. Dahil sa insecurities ko sa taong iyon ay siyang nagtulak sa kinalalagyan ko ngayon. Gusto ko mang magsisi ay huli na para dun. Hindi ko na maalis sa katawan ko ang panghahalay sa akin ng lalaking iyon. Hindi lamang panghahalay kundi binablackmail pa nila ako ngayon dahil kinunan ng letrato ng mga kasama nito ang panghahalay sa akin. At natatakot ako sa magiging reaksyon ng asawa ko. Natatakot akong mawalan ng tuluyan ang pagmamahal nito sa akin at malaman ang dahilan kung bakit din ako nahalaya ng lalaging iyon. "Hon, please. Stop crying." mga pakiusap niya sa akin per hindi ko mapigilan. Umiiyak, nagmumokmok at hindi ko na din siya kinakausap. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Gusto kong pawiin ang pag aalala niya pero paano... kung ako mismo ang nagiging dahilan kaya siya nag aalala. Paano ko sasabihin sa kanya ang mga nangyari sa akin kung ang grupong humalay sa akin ay tinatakot ako na kung magsusumbong ako sa asawa ko ay pati ito ay madamay sa kahihiyang nararanasan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD