#15:

2332 Words
15 TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!! ºººEZEKIEL POVººº Tahimik lamang akong kumakain na halos wala akong gana. Bakit? Dahil na rin sa hindi na dumadalaw si Sir Drake sa akin. Kahit na kasama ko siya kapag check up ko ay hindi na siya sumasama sa akin pauwi o kahit na ihatid man lang sana. Kaunting panahon na lang ay tuluyan ng mawawakasan ang kontrata namin pero bakit ganito? Bakit bumibigat ang pakiramdam ko habang palapit na ang araw na naitakda. Sabi nga ni sir Drake sa akin na wala akong karapatang makaramdam ng kakaiba lalo na sa dinadala ko para daw hindi ako mahirap kapag naihiwalay na ito sa akin pero paanong hindi ako mapapamahal sa batang dinadala ko ngayon. Sarili ko ding anak ang dinadala ko kahit na sabihing binayaran lang niya akong dalhin ito sa loob ng siyam na buwan para sa kanila ng asawa niya. Kahit na sabihin nilang naibenta ko na ang karapatan ko sa bata ay hindi nila maiaalis sa akin na hindi ito mahalin lalo na at ako ang nagdadala. Sariling dugo ko mismo ang dumadaloy din sa bata. At ngayon.. Parang ang bigat sa pakiramdam ko kapag naiisip kong hindi ko man lang maalagaan ang batang dinadala ko pagsilang ko dito. Pero sana, mahawakan ko man lang kahit saglit lang. Mayakap at mahalikan. Makikiusap ako kay sir Drake sa bagay na iyon. Kakausain ko siya ng maayos na sana kahit sa kaunting panahon lang ay makasama ko ang bata pagsilang ko. Pero paano ko ngayon iyon ipapakiusap sa kanya kung hindi man lang ako nagkakaroon ng pagkakataong makausap ito. Pero.. Okay na din siguro ang hindi niya pagdalaw sa akin para hindi ako tuluyang umasa na sana.. Na sana.. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga sa mga nasa isip ko. Sa pagkahabag ko sa sarili ko dahil umiibig ako sa ama ng batang dinadala ko. Hindi ko iyon pagsisinungalingan dahil iyon ang nararamdaman ko. Kahit na sabihing para lamang sa bata ang ipinapakitang kagandahan ng loob sa akin ay hindi ko maiwasan ang mahulog mismo ang loob ko sa kanya dahil sa tanang buhay ko. Maliban kay tatay, kay kuya Travis ay siya lang ang nagparamdam sa akin na may halaga ako. "EZ." napalingon ako kay ate Wilma na halata din na nakikiramdam sa akin. Lagi itong nakabantay sa akin. Minsan naitatanong ko din kung kailan dadalaw si sir Drake at bakit hindi na siya dumadalaw pa. Lagi namang sagot ni Ate Wilma sa akin ay abala lang talaga ito sa mga negosyo nito. Hanggang duon lang ang tanong ko. Hindi na ako nag usisa pa kahit na gusto kong tanungin kung maayos lang ba ang kalagayan nito. "Tapos na ako ate Wilma." sabi ko sabay ng pagtayo ko sa kinauupuan at walang lingong likod na iniwan ang pagkaing halos hindi ko pa nababawasan. Hindi ko alam kung saan ako hahantong sa nararamdaman ko. Kung hindi ko lang naisip na sa simula pa lang ay hindi nga dapat ako makaramdam ng kakaibang damdamin sa mga taong nakapaligid sa akin dahil mawawala din sila sa landas ko kapag tapos na ang kontrata ko kay Sir Drake. Pero sabi ko nga hindi basta basta natuturuan ang puso. Kusa itong tumitibok sa mga taong nagpapakita ng halaga sayo. Akala ko lang madali lang ang lahat pero ang hirap pala ng kalagayan ko. Dahil pati sarili kong damdamin ay mababayaran ng kontratang pinirmahan ko. "Baby." masuyong haplos sa umbok ng tiyan ko ng makaupo ako sa silyang tumba-tumba na nasa biranda ng silid ko. Nakatingin sa kawalan habang iniisip ang kalagayan ko. Sa paghaplos ko sa tiyan ko ay naramdaman ko ang paggalaw ng baby ko. Napangiti man ako dhil pakiramdam ko ay nakikisimpatya sa akin ang dinadala ko pero may namuong luha sa mga mata ko. Luha dahil sa pagkahabag ko sa sarili ko. "Sana.. Kaya kong bawiin ang araw na tinanggap ko ang kontratang iyon. Sana sa una pa lang ay umalis na ako ng hindi ako nakakramdam ng ganito. Iyong itatakas kita sa ama mo. Pero paano? Kung sa simula pa lang ay ibininta ko na ang karapatan ko sayo." kausap ko dito na tuluyang nakapagpalaglag ng luha ko. "Sana nga, mahawakan pa kita. Mayakap. Mahalikan. Kahit man lang sa kaunting sandai, maipadama ko na minahal kita. Na mahalaga ka sa akin." Muli itong gumalaw sa sinapupunan ko na talaga namang ramdam ang lakas nun dahil nakaramdam ako ng bahagyang sakit. Akala ko nga ay lalabas na siya sa pagsipa niya sa loob. "hmmm, Gusto mo na bang lumabas ngayon? habang wala pa ang ama ko para makasama pa kita?" kausap kong mulid dito. "Pero hindi ko isassakripisyo ang kaligtasan mo kahit na gustong gusto din kitang masilayan. Saka ka na lang lumabas kung talagang naabot na ang buwan ng kapanganakan mo. Para maging ligtas at maging mas malusog ka pa sa sinapupunan ko." Katahimikan ang namayani pagkalipas lamang ng ilang sandali. Kahit na gustong gusto ko at paulit ulit na sabihin dito kung gaano ko siya pinapahalagaan. "At lagi mong tatandaan. Kahit na hindi mo ako masilayan sa paglaki mo. Na may isang inang tunay na nagmamahal sayo." at patuloy na pagragasa ng masaganang luha sa aking mga mata. Naninikip ang dibdib ko sa katutuhanang malapit na akong mawalay sa dinadala ko. "Mahal na mahal kita, anak ko." ººº "huh!" nagulat pa ako isang araw na sa paglalakad ko sa bakuran ay nakita ko ang taong minsang tumulong sa akin nung araw na napalayo ako sa bahay. Nakangiti itong nakatingin sa akin ngayon. Ilang sandali pa ay bumama ang tingin nito sa umbok ng tiyan ko na kahit siguro gusto kong itago iyon ay hindi ko na magawa dahil malaki na ang tiyan ko dahil malapit na akong manganak. "Long time no see." may ngiti parin sa mga labing sabi niya. Humakbang palapit sa akin. Napayuko ako. Napaatras ng ilang hakbang. Hindi ko alam kung haharapin ko ba ito o tatalikuran at babalik na lang sa bahay. "No worries. Alam ni Drake na pumarito ako dahil inutusan niya akong kumustahin ka dahil nga sa hindi siya nakakadalaw sa inyo ng magiging anak niya." sabi nito dahilan para mapatingin ako dito. Kung ganun ay alam nito ang totoong kalagayan ko. Na ang dinadala ko ay anak ni sir Drake. "Nakisuyo siya sa akin na tignan ka. Marami siyang trabaho at hindi na niya magawang dalawin kayo." Dagdag pa nito. "K-kumusta siya?" "He is good. Sadya lamang na busy siya dahil may mga problema sa mga negosyo niya." Bahagya akong napatango. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil kaibigan na niya mismo ang nagsabi na maayos ang kalagayan nito. Minsan kasi naiisip ko na baka hindi siya nakakadalaw ay may sakit din ito kaya nag aalala ako. Wala naman akong karapatang mag alala pero hindi ko mapigilan dahil isa na siya sa mga taong mahalaga sa akin kahit na hindi naman dapat. "Nakikita ko naman na nasa mabuti kayong kalagayan ng dinadala mo? Masasabi ko sa kanya ng personal na hindi dapat siya mag alala sa inyo ng anak niya." "Pakisabi, salamat." "Sure. Hmmm, by the way? Saan ang tungo mo?" Kuway tanong niya. "Naglalakad lakad lamang ako para daw hindi ako masyadong mahirapan sa panganganak ko." "Kailangan pa ba iyon kahit na ooperahan ka?" "Oo. Para mawala din ang taba sa katawan." "Oh. Well, totoo naman ang sinabi mo. May ilan kasi akong kakilala na nung nagbuntis ay puro hilata lang dahil nabibigatan na sila sa dinadala nila. Hindi ka ba nahihiraan o nabibigatan?" Umiling ako. Sumabay na din ito sa paglalakad ng ipinagpatuloy ko ang naudlot na paglalakad ko kanina. Nakipagkwentuhan ito sa akin hanggang sa natapos ang paglalakad ko sa umaga at sinamahan pa talaga ako na makauwi ng bahay. "Sir Kent." nagulat pa si Ate Wilma ng makita ito na kasama ko. "Ano pong ginagawa niy dito?' tanong pa nito. "Ez, pumasok ka sa loob dali." kuway utos ni Ate Wilma sa akin na parang hindi maganda na nakipag usap ako dito. "Huwag kang mag alala Wilma. Alam ng sir Drake mo na pumarito ako. Wala kang dapat pang itago dahil alam ko ang lahat tungkol kay Ezekiel." "Pero.." "Kahit tawagan mo ang sir Drake mo ngayon at sabihing nandito ako ay sasabihin din niya ang sinabi ko kay Ezekiel." Kampanteng sagot nito kay Ate Wilma na halatang nagdadalawang isip na pumarito nga ito dito sa bahay. "Hayaan mo. Kung gusto mo ay tatawagan ko ngayon ang sir Drake mo para sabihing nandito na ako tulad ng pakiusap nito sa akin." sabi pa nito sabay labas ng cellphone. "H-hindi na po kailangan sir Kent. Naniniwala po ako sa inyo. Nagulat lamang ako na makita kayo kaya pagpasensyahan niyo na lang po ang kapangahasan ko," Ngumiti ito sabay taas ng kamay. "No worries, Wilma. Gusto ko lang tulungan ang kaibigan ko kaya ako nandito." Tumango si Ate Wilma habang ako ay tamang nakikinig lang sa kanilang dalawa. Hindi naman na nag usisa si Ate Wilma at hinayaan pang pumasok sa loob si Sir Kent. Kasabay pa namin itong nagmeryenda hanggang sa tanghalian. "Hindi na ako magtatagal Ezekiel. Pupunta din ako dito bukas para kumustahin kayo." "Hindi mo na kailangang gawin iyon sir Kent." sagot ko dahil ayaw ko naman itong maabala. "Kagustuhan ko din ang makatulong." Nagpaalam na nga ito sa akin. At sa gulat ko ay hinawakan pa nito ang tiyan ko at dinama ang dinadala ko. Nakangiti itong nakatingin sa akin pero hindi na nagsalita pa hanggang sa tuluyan na nga itong umalis. Tanging tingin ko na lang ang naisunod ko dito hanggang sa hindi na ito matanaw ng paningin ko. ººº Napapadalas na ang pagdalaw ni sir Kent sa amin na sana ay si Sir Drake ang paparito para kumustahin kami. Ito lagi ang nagsasabing kinukumusta kami ni sir Drake at inaalam dito kung nasa mabuto ba kaming kalagayan. Hindi ko na din naman napapansin si Ate Wilma na tumatawag kay sir Drake kaya naisip kong sa kaibigan na lang nito pinaparating ang lahat. Pero kakaiba ang mga kilos na ipinapakita sa akin ni Sir Kent. Ayaw ko man sana tumalon sa isang konklusyon ay hindi ko mapigilan lalo na at ang dapat na si sir Drake ang magparamdam sa akin ng pagpapahalaga ay kay sir Kent ko nakikita. "Kumusta ang kyut na buntis?" Nakangiti nitong tanong sa akin. He also like to pat my head and slowly storke my hair. "Okay lang naman." Pero naiilang parin ako kaya naman agad akong umiiwas. Hindi ko naman nakitaan ng kakaibang ugali ito maliban sa kabaitang ipinapakita sa akin. Masayahin din itong tao kaya naman kapag kausap ko ito ay nawawala ang ibang nakakapagpalungkot sa akin. "For you." nakangiti parin siyang inilabas ang isang tungkay ng bulaklak na galing sa likod niya. "Huh! Para saan naman yan?" "Kailangan bang may dahilan para bigyan kita ng bulaklak?" Balik tanong niya. "Hmmm, This is not for the baby. This is for my little Cutie EZ." "Hindi ko naman kailangan yan. Pero salamat parin." sabi ko sabay tanggap nga ng bulaklak na binibigay niya. "Kung pagkain sana to, mas gusto ko pa." "Haha." at tinawanan pa talaga ang sinabi ko pero totoo naman talaga yon. "Sure enough. Alam ko na iyan ang sasabihin mo. Wait here." bago pa man ako makapagsalita ay bumalik siya kung saan pinarada ang sasakyan niya at ng bumalik ay may dala na ito. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon kaya hinintay ko na lang na muli itong makalapit sa akin. "This is for you. Para sa ikakalusog niyo ng baby." sabay taas ng mga dala. "Mga pagkain?" "Yup. May mga prutas. Cake at mga pagkaing sure akong magugustuhan m. So lets go. Pumasok na muna tayo sa loob para maihanda natin ang gusto mo kainin." Tumango ako. May mga ngiti na din ako sa labi ng iabot sa akin ang isang may kalakihang paper bag pero magaan naman iyon at tinignan ang laman. Vanilla straberry cake. Ang paborito ko talagang flavor ng cake. "Thank you." excited akong buksan iyon kaya minadali ko ang paglalakad ko. "Hey! Ingat. Dahan dahan lang baka madapa ka." sabay hawak ng kamay ko at umalalay sa akin. "Eh!. Nag iingat naman ako." "Yeah! I know, pero iba na din yong doble ingat. Huwag mung bilisan ang paglalakad baka madulas ka. Makakain mo din naman iyan." Napalabi ako dahil sa ipinakita at ipinaramdam na concern sa akin. "Oo na po." "Good boy. Lets go." at hindi na nga niya binitawan ang kamay kong hawak niya at umalalay hanggang sa makapasok kami sa loob bahay. "Ako na po sir Kent." "Ako na Wilma. Gawin mo na lang ang iba mong mga trabaho. Ako na ang bahala kay EZ." Sabi niya na hindi ibinigay kay Ate Wilma ang cake na hawak. "Sige po sir Kent. Kayo po ang bahala." Iniwan nga kami ni Ate Wilma. "Here." Iniabot niya sa akin ang platito na may slice na ng cake. "Eat well." "Uhm. Thank you." Pasasalamat kong muli ng matikman ang cake na binila niya. Masarap siya at talaga namang pumatok sa panlasa ko dahil paborito ko nga naman ang flavor na binili. Ginanahan akong kumain kahit na napapansin kong nakatitig siya sa akin habang akoy kumakain. "Messy eater." "Huh!" pero huli na ng mapagtanto ko ang sinabi niya dahil pinahid na ng hinlalaki niya ang gilid ng labi ko. Hindi lamang yon. Dahil ang pinahid niyang icing ay deretso niya iyong isinupo. "Hmmm, sweet. Hindi na ako magtataka kung bakit gustong gusto mo yan." Nakangiti niya pang saad matapos iyong kainin. "Eh." "Haha.. c'mon.. eat your cake now Ez.. or else.. I'm the one to eat you." "Huh." Natigilan pa ako dahil sa narinig ko or nabibingi lamang ako.. "Sinabi kong kainin mo na iyan.. kundi ako ang kakain niyan." "Ah." Napatango pa ako pero iyon ba talaga ang narinig ko kanina? Whatever! Bakit ko pa iyon pagkakaisipin kung hindi naman importante. Ang mahalaga ay ang maenjoy ko ang pagkain ko ng cake na paborito ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD