14
TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!!
ºººDRAKE POV:ººº
Maingat ko siyang inihiga sa kama para hindi siya magising.
Nakatulugan niya kasi ang pakikipagkwentuhan sa akin habang patuloy naman ako sa pagdama ng paggalaw ng baby sa loob ng sinapupunan niya.
Nakakatuwa lang na maramdaman na isa na akong ganap na ama habang nadadama ang paggalaw nito na para bang nagpapakitang gilas talaga sa akin.
"Kaunting tiis na lang. Makikita mo na ang mundong ginagalawan namin." mahinang kausap ko sa umbok na tiyan ni Ezekiel na payapang natutulog. Hindi natinag sa pagbaba ko sa kanya sa kama at naging komportable pa sa pagkakahiga.
"Maraming salamat, Mr. Castillo. Alam ko na binayaran ko ang pagdadala mo ng magiging anak ko pero hindi matatawaran o mapapantayan ng kahit na anong salapi ang pagsasakripisyo mo at dadalhin ko na utang na loob ko sayo ang pagbibigay mo sa akin ng anak namin ng asawa ko." mahabang saad ko na para bang naririnig lang nito ang sinasabi ko.
"Thank you." muli kong pasasalamat habang inaayos ang kunot niya para hindi malamigan. Pinagmasdan ko pa ito ng ilang sigundo bago ako nagpasyang lumabas na ng silid nito.
Tama namang nakasalubong ko si Wilma at sinabihan na naman ito.
"Ikaw na ang bahala sa kanya. Alagaan mo siya para sa akin dahil baka sa check-up na lang ulit ako pupunta dito para samahan siya. Pero itawag mo agad sa akin kung may masamang nararamdaman siya."
"Sige po sir Drake." matipid nitong sagot sa akin.
Huling sulyap sa saradong pintuan ng silid ni Ezekiel bago ako nagpasyang umalis na. Hindi ko na dapat hintayin na magising ito dahil ayaw kong makita ang lungkot sa mga mata nito kapag aalis na ako.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko habang bagtas ang daan pauwi ng bahay namin ni Mathilde.
ººº
"Hon." tawag ko kay Mathilde dahil hindi ko ito nakita sa sala o sa lawn ng bahay. Madalas naman siyang sumasalubong sa akin kahit na nagtatampo parin siya sa akin pero ngayon lang ito hindi sumalubong sa pagdating ko.
"Daisy, where is you madame Mathilde?" tanong ko sa isa sa katulong ng bahay ng makasalubong ko sa pasilyo.
"Hindi pa po lumalabas ng silid niyo, young Master."
"Simula kaninang umaga?"
"Hindi po. Lumabas siya kaninang umaga pero ng bumalik ng tanghali ay nagkulong na po ng silid niyo."
"Sige. Salamat,Daisy."
Dumeretso ako ng silid namin. Nakalock pa nga ang pinto kaya kinailangan ko iyong susian para mabuksan.
Nakakapagtaka man kung bakit nito inilock ang pinto ay malalaman ko din ang dahilan kung makakausap ko siya.
"Hon." muli kong tawag sa kanya pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Wala sa ibabaw ng kama. Wala din sa biranda kaya ang tanging lugar kung nasaan siya ay sa banyo. "Hon." muli kong tawag sa kanya bago binuksan ang pintong banyo.
Nagulat at dinagsa pa ako ng pag aalala sa kanya ng makita kong nakahiga siya sa bathtub na nakapikit.
"Hey. Hin, wake up." agad ko siyang ginising sa pag aalala na kung napanu siya.
"Hmmm." nagmulat siya ng mga mata na tila nagulat din ng makita ako pero ilang sandali lang ay agad siyang yumakap sa akin. "D-drake."
"Are you okay. Come here." Umalalay ako sa kanya sa pag ahon sa bathtub. Ibinalabal sa kanya ang roba saka kami lumabas ng banyo.
Maingat na umalalay parin ako sa pag upo niya sa gilid ng kama saka ko pinunasan ng tuwalya ang basa niyang buhok.
"Anong nangyari? Bakit ka nagababad sa bathtub." nag aalalang tanong ko sa kanya. Kahit hindi sabihing nagbabad ito ay halata sa balat niya na nababad nga sa tubig. Sa kabutihang palad ay hindi siya nalunod dahil sa pagkakatulog niya. "And.." hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin ng maamoy ko ang hininga niya na amoy alak.
Hindi siya nagsalita. Tahimik lang na tumingin siya sa akin ng ilang sigundo at muling yumakap sa akin.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ako tumugon ng yakap sa kanya. Gusto ko pa siyang tanungin sa mga bagay kung bakit at ano ang nangyari. Dahil hindi maitago sa kanya na may kung anong pinuproblema.
"Kukunin ko lang ang blower para sa buhok mo. Magkakasakit ka sa ginagawa mo." marahang sabi ko sa kanya saka ako kumalas ng yakap sa kanya. "At alam mo na ayaw kong magkasakit ka." tumayo na ako kahit na halata sa naging hawak niya sa akin na ayaw niya akong umalis sa tabi niya pero kailangan dahil ayaw kong magkasakit nga siya.
Ako na lang ang magkasakit huwag lamang siya. Ganun siya kahalaga sa akin at ganun ko siya kamahal. Handa kong ipalit ang sarili ko sa mga bagay na ikakapahamak niya.
Tahimik ang mga sumunod na sandali habang pinapatuyo ko ang buhok niya gamit ang blower. Gusto ko pa siyang kausapin tungkol sa kung bakit siya nagkakaganito? Tungkol na naman ba iyon sa isyo sa magiging anak namin?
"Hon." mahinang daing ko. Hindi ko din alam kung narinig niya iyon dahil sumabay iyon sa tunog ng blower. "No matter what happen in this world, you are the only one in mylife." mga katagang alam ko naman na makakapagpalubag ng loob niya.
Hindi ako titigil sa pagpaparamdam kung gaano ko siya kamahal na walang kahit na sino ang makakabali ng pagmamahal kong iyon sa kanya. Wala sa aking sistema ang pagluluko kung iyon ang nasa isip niya ngayon.
Kung napapalapit man ako sa taong nagdadala ng anak namin ngayon ay hindi dahilan iyon para ipagpalit ko siya. Hindi magiging hadlang iyon sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi siya mapapalitan sa puso ko.
Natigil ako sa pagblo-blower ko ng buhok niya ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi lang basta hawak. Hinalikan niya ang kamay ko na may kasamang pagyakap.
Isang masuyong ngiti ang naguhit sa mga labi ko ng tingalain niya ako. Nasa mga mata ang pagsusumamo. Na para bang sinasabing huwag akong magbabago. Huwag mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.
"I will always love you, hon." niyuko ko siya at siniil ng halik sa mga labi na agad niyang tinugon.
Nalasaan ko man at amoy alak ang bibig niya ay hindi ako tumigil sa paghalik sa kanya. Kahit na sa halik man lang na pagsasaluhan namin ay maipadama ko na hindi kailanman ako magbabago sa kanya.
"Next time. Huwag ka ng magbababag ng ganun sa bathtub kapag nakainum ka. Lalo na kapag wala kang kasama." paalala ko sa kanya matapos naming pagsaluhan ang isang mainitin na halikan.
Tumango siya. "Sorry. Nag alala ka pa tuloy sa akin."
"Lagi akong nag aalala sayo. Sa kalusugan mo. Sa mga makakabuti sayo."
"I know. I know. and I'm really sorry."
Tumango ako. Caressed her hair and kiss her in her forhead.
Yumakap siya sa baywang ko kaya ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Wala ng ibang salita ang namutawi sa mga labi namin. Ang init ng katawan ng bawat isa sa amin ang naging selyo ng ilan sa mga agam agam sa aming mga isipan.
ººº
"Kumusta ang pagbubuntis ng asawa mo?" tanong sa akin ni mama ng dumalaw kami sa kanila. "Kumusta ka hija?"
Suot ngayon ng asawa ko na suot ang pekeng ipinagbubuntis.
"Okay lang naman ako, mama." magalang na sagot niya na may kasamang pagyuko pa.
"Mabuti naman kung ganun. Buti at nakapamasyal na kayo ngayon. Hindi ka na ba pinapahirapan ng ipinagbubuntis mo?"
"Okay na po, mama. Hindi na po ako dinadalaw ng paglilihi ko. Pasensya na po at ngayon lang talaga kami nakadalaw."
"Naiintindihan ko naman iyon hija. Halika, ano pa ang itinatayo mo diyan. Paupuhin mo na ang asawa mo, Drake."
Umalalay ako sa pag upo niya. Nagpractice pa nga ito ng ilang araw kung paano ang tamang pag upo na medyo nahihirapan tulad na lang ng tunay na nagbubuntis. Ayaw niya kasing makahalata si mama sa kanya.
Hindi naman sa ayaw ng mama sa asawa ko pero hindi lang talaga sila malapit sa isa't isa dahil na rin sa masungit talaga si Mama. Hindi lang naman sa asawa ko kundi pati sa akin ay lagi itong nagsusungit o di kaya naman nagagalit na di ko mawari kong ano ba ang nagawa kong hindi maganda na dapat nitong ikagalit.
Kaya nga once in a bluemoon lang talaga kami pumasyal dito sa bahay. Bukod sa malayo pa talaga. Walong oras ang biyahe mula sa bahay namin.
Nasa probinsya kasi sina mama at ayaw nila ng buhay siyudad dahil magulo daw. At si mama ang nasunod kahit na gusto ni papa na manatili sa siyudad para sa ibang trabaho ay hindi n ito nakatanggi kay mama dahil iyon ang gusto nito. Na naging dahilan kaya bibihirang mag cross ang landas namin. Kaya nga siguro mas lalong napapalayo ang loob nito sa amin.
Pero magbabago na siguro kapag naisilang na ang anak namin ni Mathilde. Dahil isa iyon sa pangarap ni mama. Ang magkaroon na ng apo mula sa akin. Hindi lang nito talaga malalaman na kasinungalingan ang lahat ng pagbubuntis ng asawa ko dahil malaking katanungan iyon para dito at baka itakwil pa kaming dalawa.
"Kailan ang kabuwan mo?"
"kulang tatlong buwan mula ngayon, mama."
"Ganun ba? Kung ganun malapit ko ng masilayan ang amagiging apo ko. Aba, ingatan at alagaan mo ng mabuti ang asawa mo, Drake para sa ipinagbubuntis niya."
"Yes, mama. Hindi niyo naman kailangang ipaalala yan sa akin. Nuon pa na hindi pa siya buntis ay iniingatan ko na siya, ngayon pa kaya."
"Mas mabuti na iyong may nagpapaalala sayo. Bakit kasi duon pa sa siyudad kayo nanatili kung maluwang naman dito sa probinsya."
"Huwag kang mag alala mama. Kung maisisilang na ang anak namin ay madadalas kaming papasyal dito sa inyo."
"Siguraduhin mo lang iyan, Drake. Aba, ikaw lang ang makakapagbigay sa amin ng apo dahil ikaw lang ang nag iisang anak namin ng papa mo."
"Oo mama, pangako."
Naging magaan naman ang sumunod naming pag uusap. Naging maganda ang bonding nilang dalawa at walang naging probema. Hindi naman nakahalata si mama kaya nakahinga kami ng maluwag ni Mathilde.
"See, magiging maayos din ang lahat."
"Kung wala pa ang pekeng ipinagbubuntis ko ay hindi ako pakikitaan ng maganda ng mama mo. Malayo talaga ang loob niya sa akin."
"Kilala mo naman si mama. Kahit naman sa akin ay ganyan din ang ipinapakita sa akin kaya hindi ka nag iisa. Iniisip ko pa nga minsan kung siya ba talaga ang nagsilang sa akin." Ang mga katagang palagi kong isinasagot sa kanya dahil iyon naman ang totoo.
Nasa loob na kami ng silid namin kaya naman tinanggal na niya ang peke niyang tiyan. Patapos nadin naman ang gabi kaya hindi na kakatok sina mama para istorbuhin kami kaya malaya na niya iyong tinanggal.
"Matatapos din ito, Hon. Kaya kaunting tiis na lang."
Tumango siya bilang sagot. Pumasok sa banyo habang sumunod naman ako sa kanya. Sabay na nagshower at nahaluan iyon ng mainit na sandali. Inangkin ko siya ng buong puso at buong pagmamahal.
Natapos ang gabi na pinagsawa ang sarili sa makamundong kaligayan na pwedeng maipadama ng bawat isa sa amin.
ººº
Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang buwan na lang ang hinihintay namin at maipapanganak na ang magiging anak namin ni Mathilde. Pero sa mga araw na nagdaan na iyon ay napapansin ko ang pagbabago ng asawa ko. Simula ng manggaling kami sa bahay ay nagsimula na duon ang hindi magandang kondisyon niya.
Lagi itong tahimik. Hindi na lumalabas ng bahay. Pero laging naglalasing. Madalas ko na ding makitang naninigarilyo ito at nangangayayat na dahil hindi kumakain ng tama.
"Please, Hon. Huwag mo namang gawin ito. Ano bang nangyayari sayo?" Nag aalalang na laging tanong ko sa kanya. Hindi na nga ako bumibisita kay Ezekiel kahit na gusto kong personal na malaman ang kalagayan nito pero patuloy parin na nagkakaganito ang asawa ko.
Kung ang dahilan ay ang hindi parin matanggap ang ginawa kong disesyon ay parang ang layo na nito sa dahilang iyon Hindi na tumutugma sa ipinapakita nito. Nai-stress ito sa hindi mawaring kadahilanan.
"Sorry." iyon at iyon lagi ang isinasagot sa akin. Ang paghingi ng tawad kahit na wala naman akong alam na ginawa niyang hindi maganda. Ang hindi lang pagtanggap sa plano o at ang masamang ikinilos niya nuon lang naman kung iyon ang inihingi niya ng tawad sa akin.
Kung iyon lang ay naiintindihan ko iyon dahil sa pagkatapak ng pride niya pero bakit parang may mali.
"Shhhh, I know. But please, hon. Huwag mo namang gawin ito sa sarili mo." pakikiusap ko lagi sa kanya. Nakikiusap na sana ay ayusin na niya ang sarili niya. Ibalik ang dating Mathilde na kilala ko. Kung ang magsungit, lagi akong aawayin dahil sa plano ko ay baka matatanggap ko pa at hahayaan ko siyang pagsalitaan ako ng hindi maganda pero ang makita siyang ganito. Ang makitang nakapamiserable ang buhay niya ay hindi ko kayang dalhin. Hindi ko kayang makita siyang ganito.
Niyakap ko siya. Ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Kung ang pagyakap ko sa kanya ang magpapakalma sa kanya. Humagulgol na naman siya ng iyak sa ilalim ng mga yakap ko.
"Shhh. Stop crying hon. Please." Pang aalo ko sa kanya.
Ilang minuto din ang lilipas bago ito tatahan hanggang sa makatulugan na nga ang kakaiyak sa hindi mawaring dahilan.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Marahang binuhat ko siya at ipinahiga ng maayos sa kama namin. At ang dating gawi ko pagkatapos nitong matulog ay babanyusan at bibihisan siya.
"Anong nangyayari sayo, Mathilde." katanungang hindi parin nabibigyan ng kasagutan.
Kahit na ilang beses ko iyon tanungin sa kanya kapag hindi na siya lasing ay wala akong sagot na makuha mula sa kanya. Tatahimik na lang at ayaw niyang magsalita. Halos hindi ko na nga siya maiwan. Dito sa bahay ko na din ginagawa ang mga trabaho ko. Kung may meeting ay through video call na lang.
Hindi ko kasi kayang iwan dahil sa kalagayan niya. Kung lalabas naman ako kahit sandali lang ay hindi din ako mapapakali. Kaya mas minabuti kong ako mismo ang magbantay at mag alaga sa kanya.
Kung kailan matatapos na ang lahat. Matatapos na ang kontrata at maisisilang na ang anak namin ay saka siya magkakaganito. Para akong nahuhulog sa bangin sa hirap ng kinalalagyan ko ngayon.
Naghahati sa gusto kong masilayan ang paglaki ng anak ko sa sinapupunan ng nagdadala sa kanya sa gusto kong alagaan mismo ang asawa ko.
"Hindi kita iiwan. Kung iyan ang dahilan kaya ka nagkakaganyan." mahinang saad ko habang masuyong humahaplos ang palad ko sa pisngi niya. "Sinabi ko sayo, na kahit na anong mangyari, hindi ako mawawala sayo, kaya nakikiusap ako na sana. Bumalik na ang Mathilde na kilala ko. Bumalik na ang asawa na minahamahal ko."