13
TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!!
○○○DRAKE POV○○○
"Nasabi samin ni Kent ang nakita niya nung nakaraang araw." Si Jeff na naghihinala na sa tuno ng boses nito. "Alam mong walang sinu man sa atin ang makakapaglihim."
Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago ako naupo sa slot para sa akin.
"Who is he?" Si Gabriel na parehong nang uusisa ang tinig habang si Kent ay tahimik lang na naghihintay lang sa sagot ko kahit na hindi na ito magsalita.
"Kahit hindi ko na sabihin sa inyo ay alam kong alam niyo na kung sino siya.. tama ba ako Kent?" Sagot na patanong pa kay Kent na ngayon ay seryusong nakatingin na sa akin. Taas pa ang isang kilay nito na nakikipagsukatan pa ng tingin.
"Sa dami ng babae bakit isa pang tulad niya?" Bagkus tanong din nito sa akin. "Kung ako ang asawa mo ay malamang magwawala din ako dahil makakaramdam ako ng panliliit sa sarili. Dahil kung sino pa ang dapat hindi mabuntis ay ito pa ngayon ang nagdadala ng anak na hinahangad mo para sa inyong dalawa ng asawa mo." Mahabang saad nito.
Natigilan ako. May punto ito sa sinabi. Parang ganun na nga ang nakikinita kong dahilan kung bakit palaging naiirita ang asawa ko kapag pinag uusapan namin ang carier ng anak namin.
"Hindi mo man sabihin sa amin bud. Alam naming malaki ang problema mo ngayon sa asawa mo. Tama ako hindi ba?" Patanong ulit nito.
Bahagya akong nailing at hindi na nasagot ang sinabi ni Kent. Kahit hindi na ako magsalita ay dun din naman ang sagot sa katutuhanang nagkakalabuhan kami palagi ni Mathilde.
"Kung maitatago niyo iyon ay mas makakabuti pa. Huwag buhay ko ang pag usapan natin." Bahagya akong nakaramdam ng pagkairita dahil simula ng malaman ng publiko ang pagbubuntis kuno ng asawa ko ay ako na din ang tampulan ng usapan kapag nagtitipon kaming apat dito sa Casino Gem ni Gabriel.
"Paanong hindi ikaw ang pag uusapan, eh ikaw lang naman ang may asawa sa ating apat." Si Jeff na may kasamang pag iling.
"Ang aga mo kasi nagpakasal, bud. Kaya hindi ka na nakakasama sa aming tatlo."
"Sa mahal ko si Mathilde at ayaw kong mawala siya sa akin kaya ko siya pinakasalan agad." Totoong sagot ko na naiirita na dahil heto na naman kami. Kinukwesyon ang maaga naming pagpapakasal ni Mathide.
"Relax, bud. Hindi kami kaaway dito.. nagsasabi lang kami ng totoo."-jeff
"Oo nga naman." Si Gabriel na hawak na ang baraha. Ekspertong binalasa iyon.
"Payong kaibigan lang ang amin, bud. Huwag mong masamain ang pagpapayo namin sayo. Sinabihan ka na namin nung una pa lang. Na hindi magiging maganda para sa side iyan ng asawa mo."
Muli na naman akong nagpakawala ng marahas na paghinga. Hindi ko na iyon maipagkakaila. Ako pa ang dahilan kung bakit natutong manigarilyo ang asawa ko dahil sa stress na nararamdaman nito at ang sama ng loob dahil narin sa pagpapasya ko na hindi na muna nagpasabi sa kanya.
Kahit na siguro magsisi ako ngayon sa naging hakbang ko ay huli na para dun pero hindi ko din iyon pinagsisihan dahil magkakaroon na ako ng sariling anak. Anak na bubuo sa pamilyang ipinundar ko.
"Sa simula pa lang ay alam na namin na ganito ang kahihinatnan ng pagpapasya mong iyan. Kaya hindi mo masisisi ang asawa mo sa mga pagkakataong galit siya sayo o sa binayaran mo. Pero sana, kapag naisilang na ang bata ay hindi niya iyon pagbuntunan ng galit niya sayo." makahulugang sabi pa ni Kent.
Natigilan na naman ako dahil sa huli nitong sinabi. Oo, alam kong galit ang asawa ko sa akin pero alam kong hindi naman nito magagawang saktan ang bata sakali mang maisilang na ito.
Hindi din naman ako papakampanti at hindi iyon hahayaang mangyari. Hindi ko hahayaang may manakit sa anak ko. Kung gaano ko siya ngayon iniingatan at inaalagaan habang nasa sinapupunan pa lang siya ngayon ay mas doble ang gagawin ko kapag naisilang na ito. Hindi ko hahayaan ang kahit na sinong mananakit dito.
"Hindi iyan mangyayari. At alam ko kung gaano kagusto ni Mathilde ang mga bata. Kaya alam kong aalagaan at mahahalin niya ang anak ko na sarili niyang anak."
Hindi man sila agad nakasagot sa sinabi ko at hindi nakaligtas sa paningin ko ang sabay sabay na pagkikibit balikat nila. Hindi kumbinsado sa kumpyansa ko sa pagtitiwala kay Mathide. Pero may tiwala ako sa asawa ko. At maayos din ang gusot sa pagitan namin kapag naisilang na ang anak naming dalawa.
ººº
"Maganda ang kapit ng bata. Kaya huwag kang mag alala Atty. Parker. Malusog at walang problema sa pagbubuntis si Mr. Castillo." Sabi ng doctor ng matapos niyang i-check si Ezekiel. Pero hindi pa namin nalaman kung babae ba o lalaki ang dinadala niya dahil para daw nakatalikod ang pwesto nito pero hindi naman daw iyon masama. Sa susunod na buwan na lang daw namin ulit titignan kung sakaling nagbago ang pwesto nito.
Marami pa itong sinabi patungkol sa ipinagbubuntis ito at sa pagbubuntis nito na pwedeng mangari at mga dapat iwasan para sa ikakabuti nito at ng dinadala niya.
"Maraming salamat Doc." pasasalamat ko bago ako tumingin kay Ezekiel na tahimik lamang tulad ng dati habang ang asawa ko ay wala ding imik pero hindi maitatago ang inis kung paano siya siya makatingin ngayon kay Ezekiel. "Hindi na kami magtatagal Doc. Sa uulitin." pagpapaalam namin matapos nitong marisitahan ng bitamina si Ezekiel. Nais ko pa sana itong alalayan pero minabuti kong huwag ipakita sa harapan ng asawa ko iyon para hindi madagdagan ang pagkainis nito.
Hindi na bago iyon dahil sa paglipas talaga ng mga araw ay patuloy lamang at lumalalim ang nararamdaman nitong insecurites.
"Mag ingat kayo pauwi." bilin ko sa driver na siyang kasama ni Ezekiel na pumarito sa clinic dahil hindi ko na gustong isabay ito sa amin ng asawa ko para hindi madagdagan ang insecurites nito.
"Sige po sir."
Kahit na gusto ko ding tapunan ng tingin si Ezekiel ay hindi ko na ginawa. Kay Mathide ako umalalay hanggang sa makasakay na din ito ng sasakyang dala namin.
"Kailangan ko pa bang sumama sa tuwing magpapacheck up siya?" nasa tuno na naman nito ang pagkadisgusto.
"Kailangan mong sumama para malamin din ang kalagayan niya na pwede mong i adopt sa sarili mo sakaling tanungin ka ng mga kakilala, pamilya o kaibigan natin. " sagot ko naman dito dahil iyon naman talaga ang plano. Kung ano ang masasabi ng doctor kay Ezekiel ay dapat siya ang mag adopt nun para na rin sa siguridad ng plano namin.
"Pwede mo naman iyong sabihin at hindi ko kailangang sumama. Para mo na lang din ipinapamukha sa akin na wala akong silbing asawa."
Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi nito. Gusto kong sagutin at itama iyon at sabihing kahit kailan ay hindi ko iyon naisip. Tama nga ang sinabi nina Kent na patuloy lamang itong magkakaganito hanggat hindi natatapos ang araw na naitakda.
Nagpakawala ako ng isang marahas na paghinga.
"Sorry, kung iyan ang nararamdaman mo ngayon." Pagpapakumbaba ko na naman at hindi na nais pang sagutin siya para hindi na humaba pa ang usapan naming tungkol doon. "It's my fault. Sorry."
Hinila ko siya at niyakap. "I love you. I love you so much, hon."
Hindi man lang niya tinugonan ang pagyakap ko sa kanya at pagsagot sa sinabi ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. Gagawin ko na lang ang lahat para hindi maiparamdam sa kanya na hindi siya kulang para sa akin. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
○○○EZEKIEL POV○○○
Tahimik na nakaabang lamang ako na nagbabakasakaling mapadalaw si Sir Drake ngayon pero halos kalahating araw na akong nag aabang ay walang palatandaan na dadalaw nga siya. Wala na naman siya at tingin ko ay wala na itong balak pang dalawin ang batang dinadala ko.
Hindi tulad nuon na palagi siyang dumadalaw. Nakakapanibago at kung kailan nasasanay na ako ay saka naman siya tumigil.
Nasasanay?Nagugustuhan?
No! Hindi nga dapat ako makaramdam ng ganun sa kanya dahil isa lamang kontrata ang lahat at hindi pwedeng mahulog ang loob ko sa tatay ng dinadala ko. Pero.. Natuturuan ba ang puso na huwag mahulog sa taong nag aalaga sayo? nagpapakita ng malasakit kahit na alam kong hindi para sa akin ang pagpapakita niya ng maganda sa akin.
"Gumising ka Ezekiel." sumbat ko sa sarili ko. Pero paano? dahil sa pagdadalang tao at paglilihi ko ay siya ang nais kong makita. Nais kong gumawa ng lahat para sa akin. Kalabisan man pero iyon ang pinakanais kong mangyari.
"Lumalamig na ang simoy ng hangin, EZ." napalingon ako kay ate Wilma ng marinig ko itong magsalita. "Hindi siguro darating ngayon si Sir Darake kaya pumasok ka na sa loob at baka magkasakit ka."
"Hindi naman ko naman po siya hinihintay, ate Wilma." pagsisinungaling ko kahit na halata namang hinihintay ko talaga si Sir Drake na bumisita sa akin.
Sinula ng huling check up ko ay hindi na siya nagagawi dito sa bahay. Mag aanim na buwan na ang dinadala ko at malaki na nga ang tiyan ko.Hindi na iyon maitatago. Ang bilis ng mga araw at malapit na ang naitakdang araw ng panganganak ko. Pero bakit kung kailan malapit na akong manganak ay saka pa siya lumalayo.
"Sige, pero pumasok ka na sa loob. Malamig na talaga ang simoy ng hangin. Baka sipunin ka mapagalitan pa ako si sir Drake pag nagkasakit ka."
Alam ko naman na lahat ng pag aalala sa akin ni Sir Drake ay para lang sa ikakabuti ng anak niyang dinadala ko at hindi ko dapat iyon suwayin.
"Sandali na lang Ate Wilma." sagot ko na nagbabakasakali parin na kahit sa ilang samdaling paghihintay ko ay dadalaw si Sir Drake.
"Sige, pero huwag naman sanang aabot pa ng isang oras. Hindi ka na din kumakain ng maayos."
"Oo ate Wilma." tanging sagot ko. Paano ba ako makakakain ng maayos kung ang nagpapagana sa akin ay hindi ko nakikita.
Iniwan ako ni ate Wilma at muling naghintay. Naghinty pa ng kalahating oras hanggang sa umabot na naman ng higit isang oras.
Sa paghihintay ko ay nakaramdam nga ako ng gutom pero ayaw kong kumain. Wala akong gana.
"EZ." nilingon ko naman si ate Wlima pero sa paglingon ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo na kung hindi naging maagap si Ate Wilma ay baka tuluyan akong natumba sa sahig. "Okay ka lang EZ?" nag aalalang tanong nito sa akin.
Umiling ako dahil iyon naman ang totoo. Nahihilo ako at hindi ko mapigilang bumaliktad ang sikmura ko. Naduduwal ako kahit na wala naman akong kinain na hindi kaaya aya. Isa din ito sa ikinababahala ko. Ang tagal na simula ng naglihi ako at hanggang ngayon ay hindi parin iyon natatapos. May mga pagkaing parin akong gustong kainin lalo na sa mga maasim na pagkain.
Natural na din naman
"Pumasok na tayo sa loob. Sususbukan kong tawagan si Sir Drake at sabihin ang kalagayan mo."
Hindi na ako nakasagot dahil nakaramdam na talaga ako ng panghihina. Panghihina na hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Huling naalala ko ay ang pagsigaw ni Ate Wilma ng pangalan ko at paghingi nito ng tulong.
ººº
Ayaw ko pa sanang magmulat ng mata ng magkamalay ako pero pinilit ko parin dahil narinig ko ang boses ni Sir Drake. Boses na hindi ko maipagkakailang talagang pinangulilaan ko na hindi dapat maramdaman.
"Bakit hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising?" may galit pa sa boses na may halong pag aalala ang boses na naringgan ko mula kay Sir Drake.
"Huminahon kayo Atty. Parker. Masasabi kong maayos lang ang kundisyon ni Mr. Castillo. Dala lamang iyan ng paglilihi niya at idagdag pa na sa sinabi ng kasama niya ay hindi pa siya kumakain kaya nanghina ang katawan niya at nahilo." mahabang paliwanag naman ng doctor na kausap nito.
"S-sir Drake." mahinang bigkas ko sa pangalan niya na ikinalingon nila sa akin. Mabilis na kumilos palapit sa akin at agad na tinanong kong ano pa ang nararamdaman ko maliban sa pagkahilo. "Maayos na ang pakiramdam ko. Nagugutom lang ako." agad naman na sagot ko dito.
"Sigurado ka wala kang nararamdamang masakit sayo?"
Umiling ako.
"Kaya mo bang tumayo?" tanong pa nito sabay na umalalay sa akin. "Or hintayin mo na lang ang ipinahanda ko kay Wilma at dadalhin na lang dito."
"Gusto kong kumain sa kusina. Ayaw ko dito." agad naman na sagot ko kaya muli niya akong inalalayang patayo sa kama.
"Salamat sa pagparito doc." si Sir Drake ng tumapat kami sa doctor na tumitingin sa akin sa simula pa lang.
"Wala iyong anuman. Tawagan niyo lang ako kung may kailangan kayo patungkol sa kanya. Nakikita ko naman na maayos lang siya kaya hindi na ako magtatagal." pagpapaalam ng doctor.
"Sige doc." sumabay na ito sa paglabas namin ng silid ko at inihatid hanggang sa may gate. Binalikan ako sa may kusina kung saan niya ako iniwan at tulad ng dati ay siya ang umasikaso ng kinain ko at hindi ako nabigo dahil naging magana ako sa pagkain.
"Sa susunod huwag mong gugutumin ang saili mo. Huwag mo ako laging hintayin dahil busy ako sa mga negosyo kaya hindi ako nakakadalaw dito ng madalas. Isipin mo ang dinadala mo kaya huwag mong gugutumin ang sarili mo." seryusong sabi nito sa akin. Pakiramdam ko ay nagbago ito bigla at nawala ang madalas na ipinapakitang pag aalala sa akin.
Hindi ako sumagot bagkus tumango na lang ako. Ano ba ang aasahan ko sa kanya maliban sa pag aalala niya sa anak niyang dinadala ko. Nakaramdam man ako ng kalungkutan ay hindi ko na iyon ipinahalata. Kailangan ko lang talagang gumising sa katutuhanang huwag akong ambisyosong mapaglalaanan ako ng kahit na kaunti man lang na pag aalala mula sa kanya na hindi lamang para sa anak niya.
ºººDRAKE POV:ººº
Hindi na siya umimik pa simula ng matapos ko siyang mapagsabihan. Mabilis na nagpaalam at nagkulong na sa loob ng silid niya at hindi na ako hinintay na makaalis.
"Bantayan mo siya para sa akin, Wilma. Huwag kang mag dadalawang isip na tawagan ako kapag may dinadamdam siyang sakit o nananamlay siya." muli ko namang bilin kay Wilma.
"Opo sir."
Nais ko naman sanang magtagal para maiparamdam sa anak ko kung gaano ko siya kagustong alagaan kahit nasa sinapupunan pa lang siya pero inaalala ko ang asawa ko na masama parin ang loob sa akin.
Malaki na ang tiyan ni Ezekiel at halata na ang pagdadalang tao niya. At minsan nasabi niya sa akin na naramdaman na niya ang paggalaw nito sa loob ng tiyan niya at iyon ang nais kong masaksihan at madama mismo ang paggalaw ng anak ko sa sinapupunan niya pero...
Nagpakawala na naman ako ng buntong hininga. Kahit na gustong gusto ko munang manatili dito ay hindi ko na magawa pa. Ipinagpapalagay ko na lang sa mararamdaman ng asawa ko.
"Hindi na ako magtatagal pa. Pakain mo siya sa mga gusto niyang kainin. Kapag wala dito sa bahay ang gusto niya ay itawag mo sa akin para mabili ko at ipadala dito."
"Sige po sir. Ako na ang bahala sa kanya."
Tinungo ko ang silid ni Ezekiel para magpaala at ipaalala na alagaan ang sarili niya para sa kanilang dalawa ng dinadala niya.
"Zeke. Open the door." tatlong katok ang ginawa ko pero hindi niya ako sinagot kaya naman binuksan ko na lang ang pinto dahil hindi naman iyon nakalock.
Nakaupo lamang ito sa maliit na sofa sa may paanan ng kama niya.
"Aalis na ako. Dadalaw ako kapag hindi na ako busy sa trabaho."
"Okay." matipid na sagot niya na lumamig na naman ang naging tingin sa akin. Bumalik ang dating Ezekiel na una kong nakilala.
"Alagaan mo ang sarili mo."
"Alam ko. Para sa ikakabuti ng anak mong dinadala ko."
Kunot ang nuo kong hindi ko mapigilang tumitig dito. Bakit pakiramdam ko ay may pagdadamdam ito.
"May problema ka ba? Wala ba talagang masakit sayo?" hindi ko mapigilang tanong na may kasamang pag aalala.
Umiling siya pero nakatitig siya sa akin na tila may gustong sabihin. Nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan.
Kalungkutan? Marahil ay nangungulila na naman ito sa kanyang ama kaya malungkot siya.
"P-pwedeng h-huwag ka na munang umalis?" mahinang saad niya na may pakikiusap sa tinig.
Napakurap ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"P-para sa akin ay okay lang na umalis ka. Naiintindihan ko pero.." napansin ko ang paghaplos ng kamay niya sa umbok ng tiyan niya.
Naintindihan ko ang nais niyang ipahiwatig. Nais ng dinadala niya na manatili muna ako sa tabi nila.
"Nais ko man sanang magtagal pero..."
Hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin ng napansin kung nagitla siya at mas napatitig sa akin.
"G-gumalaw siya." mahina niyang usal.
"huh! Really?" ang kaninang pagtanggi kong manatili ay nabago dahil sa kagalakan na marinig na gumalaw ang anak ko sa sinapupunan niya.
Mabilis ang ginawa kong paglapit at walang babalang ipinatong ang palad ko sa sinapupunan niya. At ganun na lang ang kagalakan ko ng maramdaman ko ang bahagyang paggalaw nga nito.
Ngiti ang napaskil sa labi ko na tila maluluha pa ako sa kagalakan. Kagalakang ramdam ko ang kasiglaan ng anak ko na nasa tabi niya ako.
"My baby." mahinang usal ko at sa kagalakan ay niyuko ko ang tiyan niya at dinampian iyon ng halik. Gumalaw ulit ito. "Nagpapakitang gilas ka ba kay daddy?" hindi ko mapigilang tanong na parang alam ba ang isasagot dahil muli itong gumalaw.
"G-gustong gusto ka niya na manatili sa tabi niya." narinig kong sabi ni Ezekiel na ikinaangat ng mukha ko at napatitig sa kanya. Akala ko nga ay gumagawa lang ito ng paraan para manatili ako pero napatunayan ko na ang baby sa sinapupunan niya ang nagtutulak sa kanya at nagbibigay boses sa gustong sabihin ng baby ko sa akin.
"I know. Nagiging busy lang ako kaya hindi ako madalas makadalaw." pagsisinungaling ko parin dahil hindi ko naman masabi ang totoong dahilan ko. Saka hindi na niya pwedeng malaman ang personal na dahilan ko kaya hindi ako nakakadalaw.
"H-hindi na kasi matapos tapos ang paglilihi ko. Para sana hindi ka mag alala sa dinadala ko."
"Natural lang iyan. May ganyan talaga katagal maglihi. Kunting tiis na lang ay matatapos na ang paghihirap mo. Makakalaya ka na din sa kontrata natin." sabi ko sa kanya. Hindi agad siya nakaimik sa sinabi ko at nakitaan ko ng lungkot sa mga mata.
"Oo." matipid niyang sagot. Nanatiling nakatitig sa akin.
"Huwag na muna natin iyan pag usapan. Isipin mo na lang lagi ang ikakabuti niyong dalawa. Gusto ko na habang lumalaki siya sa sinapupunan mo ay maging maayos din ang kalagayan. Hindi ko kayang dalhin sa konsensya ko na habang nasa pangangalaga kita ay magkasakit ka."
"Okay lang ako."
"Good for you then." ngumiti ako. Sa ulo naman niya ngayon pumatong ang kamay ko at marahang ginulo ang buhok niya.
Muli kong dinama ang tiyan niya pagkatapos at natutuwa talaga ako dahil nagpaparamdam sa akin ng kasiglaan ang anak ko sa sinapupunan niya. Parang hindi na ako makapaghintay pa at gustong gusto ko na ngang makita siya at mahawakan mismo ng mga kamay ko. Maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ng isang ama.