#12:

2793 Words
12 TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!! EZEKIEL POV: Halos umabot ng isa o dalawang minuto ang katahimikang namagitan sa pagitan ni Sir Drake at ng lalaking nagbayad ng kinain ko. "Small world, bud." Ang lalaking tumulong sa akin ang unang magsalita. "Do you know him?" kuway tanong pa nito ng bumaling pa sa akin. "Yeah!" Matipid niyang sagot. "So, ikaw yong hinihintay niyang kukuha sa kanya at magbabayad ng kinain niya?" "Kinain? You mean kumain ka lang dito?" baling niya sa akin. Agad naman akong tumango bilang sagot dahil iyon naman ang toto. "Nagutom kasi ako kaya ako lumabas. Hindi ko naman nais mapalayo." Mahinang sagot ko. 'Maraming pagkain sa bahay at bakit kailangang dito ka pa kumain?" hindi ko naman nahimigan ang galit sa boses niya hindi tulad kanina pero may panunumbat parin iyon. "Nakatira siya sa inyo?" paningit naman ng lalaki. "Yeah, anak siya ng isa sa katulong sa bahay." Sagot niya dito. "Bago lang siya dito kaya nag aalala ang ina niya na baka mawala kaya hinanap ko siya." "Oh. Pero paano siya napunta dito gayong malayo ang bahay niyo mula rito?" may kung anong paghihinala naman sa tuno ng boses nito. Pero wala na doon ang pansin kundi sa kung ano ang relasyon ng lalaking tumulong sa akin sa kanya? Hindi naman maipagkakailang magkakilala ang mga ito sa paraan ng pag uusap nila. Hindi agad siya nakasagot at hindi nakaligtas sa akin ang pagpapakawala niya ng isang buntong hininga. "Hindi ko na kailangang sagutin iyan, bud. Babayaran ko na lang ang kinain niya na binayaran mo. Magkanu ba?" kuway pang iiba niya sa usapan. "Hindi na kailangan bud. Kilala mo naman siya kaya hayaan mo na lang. Kung hindi ka dumating ay magpriprisinta naman sana akong ihatid siya kanina." "Yeah! salamat kung ganun. Kung ganun hindi na kami magtatagal. Baka masyado ng nag aalala ang nanay niya sa kanya. See you at the casino Gem." Hindi pa man nakakasagot ang lalaki sa kanya ay hinila na niya ako palabas ng kainan. Walang imik na nagpahila na lang din naman ako dahil wala naman akong ibang masasabi pa dahil siguradong masusumbatan na naman ako pagkauwi namin. ººº "Kung gutom ka hindi mo kailangang lumabas ng bahay." at tulad nga ng inaasahan ko ay heto na at sinusumbatan na niya ako ng makauwi kami. Tanging ang pagyuko na lang ang nagawa ko. "N-narinig ko kasi ang pag uusap niyo ng asawa mo?" panimula ko. Wala akong balak magsinungaling dahil iyon naman ang katutuhanan. "T-tapos g-galit siya sa akin. k-kya natakot akong magtungo sa kusina kaya lumihis ako at lumabas ng bahay." pagpapatuloy ko sa pagpapaliwanag. "Hindi ko naman nais lumayo pero nadala ako sa paglalakad ko habang naghahanap ng pwedeng mapitas na prutas tapos napalayo ako hanggang marating ko nga ang kainang iyon. Gutom na gutom na ako kaya kumain ako. Hindi ko na naisip na wala pala akong dala kahit na ano." Marahas na paghinga na naman ang pinakawalan niya habang nakatingin sa akin, "Nevermind, forget about it. Basta hindi mo na uuliting lumabas at lumayo ng bahay na ito." Mabilis ang naging pagtango ko. "And about my wife, huwag mong na lang siyang intindihin at kung may pagkakataon ay iwasan mo na lang din siya kahit na hindi talaga maiiwasan iyon." Muli na naman akong tumango. "Tungkol pala kay Kent.." "S-sinong Kent?" "Ang lalaking tumulong sayo kanina. Ano ang mga nasabi mo sa kanya?" "Wala naman akong nasabi, nagpasalamat lamang ako dahil binayaran niya ang kinain ko. Sino ba siya? Kakilala mo?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. "He is my friend. Pero hindi na iyan ang mahalaga sa ngayon. Ang akin lang ay ang hindi na maulit na ang paglayo mo sa bahay na ito. Tandaan mo, dinadala mo ang anak ko." Tumango na naman ako. "Hindi na mauulit." "Sige, huwag na natin iyan pag usapan. May gusto ka pa bang kainin sa ngayon? Tumawag sa akin ang inutusan kong tumingin ng kambal na manga at sinabing may nabili sila." "Talaga?" totoong na excite ako dahil duon at tuluyang nawala ang kaninang pag aalala ko na baka di na namang maampat na sermon at pagpapaalala sa akin. Nakita ko ang pagngiti niya kaya naman mas naging naexcite ako at gusto ko ng matikan ang kambal na manga kahit hindi niya iyon sariling pitas sa puno ng manga sa likod bahay. "Oo, maya-maya lang ay darating na ang inutusan ko." sabi niya na may kasamang pagtango din. "At habng hinihintay natin na dumating ang inutusan ko ay magpahinga ka na muna. Siguradong napagod ka din kaninang naglakad ka hanggang sa kainang iyon." "Sige, pero parang gusto kong bumalik sa kinainan ko kanina." "Bakit? nagustuhan mo ba ang kinain mo duon? At gusto mong balikan?" Umiling ako. "Gusto ko lang sabihin na hindi ako nanluluko. Kasi kanina sinabihan akong magnanakaw dahil hindi ko daw mabayaran ang kinain ko. Sinabing palusot ko lang ang sinabi kong hinihintay kita at hindi sila naniwala sa akin." "Ano? Sinabihan ka na magnanakaw?" Tumango ako dahil iyon naman ang totoo. "Kung hindi ako tinulungan ng kaibigan mo kanina baka kung ano pa ang ginawa nila sa akin." Pagsusumbong ko kahit hindi na din naman sana kailangan. "Sige, ako na ang bahala sa kanila. Kalimutan mo na lang ang mga taong iyon. Hindi iyan makakatulong iyan sayo kung mai-stress ka." Napalabi ako. Yumuko dahil hindi ko gustong manahimik lamang at gustong ipamukha din sa kanila na mapanghusga silang tao. Kahit na hindi ako agad nakabayad kanina ay hindi dapat nila ako pinagsabihan ng ganun. Hindi ko naman balak takbuhan ang kinain ko. "I told you, ako na ang bahala sa kanila kaya huwag mo na silang isipin. Hindi ko sila papalampasin sa panghuhusga sayo." Napatitig pa ako dito para siguraduhin kung totoo ang sinasabi nito. Seryuso at matatag ang tinging ipinukol niya sa akin kaya nawala na ang agam agam ko na mabibigyan ng tamang leksyon ang pagpapababa ng may ari ng kinainan ko kanina. "Okay! Pero hindi na ako magpapahinga. Hindi naman ako pagod. Gusto ko na lang hintayin ang manga na pinabili mo." "Okay then. Just stay in the living room while waiting." Tumango ako. Mabilis ang naging lakad kong tinungo ang sala at duon na nga ako maghihintay. Hindi na siya sumunod sa akin dahil may tumawag sa kanya. Napansin ko na kahit gaano siya kaabala sa mga trabaho sa negosyo niya ay nagagawang paglaanan ng oras ang pag aalaga sa akin para sa dinadala ko. Napatunayan ko na ngang mabait siya kahit na medyo istrikto. Alam ko na ang pagiging istrikto niya ay para lang sa kasulatan namin. At ngayon alam ko na ang mga iyon sa mga araw na nagdaan na nakakasama ko siya habang inaalagaan ang anak niyang dinadala ko. Tahimik na lang akong naghintay. Nanuod ako ng TV habang naghihintay. Duon ko na inabala ang oras ko habang hinihintay na dumating ang kambal na mangang gusto ko. ○○○DRAKE POV:○○○ Tahimik lang akong nakamasid sa kanya na nakatulugan ang paghihintay sa manga na gusto niya. Nakatulog siya mismo sa malaking sofa. Binantayan ko na lang siya dahil nag aalala akong baka mahulog ito kapag gumalaw ito sa pagkakahiga at ikapahamak pa ng anak ko na dinadala niya. Hindi ko siya nais buhatin at ilipat sa silid niya dahil ayaw ko namang magising siya kapag ginalaw ko siya para buhatin. Kaya hinayaan ko na lang siyang matulog mismo dito sa sala. Kanina pa nga dumating ang pinabili kong manga pero wala pa akong balak gisingin siya. Maganda nga at nakakatulog siya ng maayos para maging malusog ang anak ko sa sinapupunan niya. Sa liit kasi ng katawan niya ay nakikinita ko ng mahihirapan siya habang lumalaki ang bata sa sinapupunan niya kaya kailangang panatilihin ang maganda ang kalusugan niya at maging malakas. Kaya kahit minsan nahihirapan talaga ako sa mga pinapagawa niya ay pinipilit kong gawin para hindi siya ma stress sa pagtatampo. Alam kong gawa iyon ng pagdadalang tao niya at paglilihi kaya nakakapag utos siya ng mga bagay na mahirap talagang gawin. Ginagawa ko ang lahat para lang palugudan siya basta maayos na dadalhin niya ang anak ko sa sinapupunan niya. "Kapag ganito bang nakakatulog siya? Ilang oras ang tulog niya bago magising?" tanong ko kay Wilma ng magdala ito ng tubig na maiinum. "Nasa isa't kalahating oras sir Drake. Magigising dahil nagugutom at mabilis ding inaantok." Napatango ako at muling napatingin sa kanya na mahimbing na natutulog. Sa kalagayan niya ngayon ay hindi na nakikita sa katauhan niya ang maligalig na nagtitinda sa tabi ng kalsada at sa kompanya. Madaming nagbago sa kanya simula ng dinadala na nga niya ang anak ko sa sinapupunan niya. Kung ang asawa ko lang sana ang nagdadala ngayon ng anak naming dalawa ay baka mas doble pa ang saya ko dahil ang asawa ko na mismo ang magdadala nito sa sinapupunan niya. Sadya lamang mapagkait ang tadhana para sa kanya at sa aming mag asawa. Pero kaunting panahon na lang ang hihintayin naming dalawa. Tuluyan ng mabubuo ang pamilya namin sa isisilang na bata ni Ezekiel para sa aming mag asawa. Kung kaya ko lang hilain ang mga araw at buwan para mapabilis ang araw na naitakdang panganganak ni Ezekiel ay ginawa ko na. Pero makakapaghintay ako. Nandito na at nasa harapan ko na mismo. Abot kamay ko na ang bubuo ng pamilya naming mag asawa. "Kung ganun malapit na siyang magising. Maghanda ka na ng meryenda niya at hugasan na din ang kambal na manga para sa kanya." utos ko dito na agad na tumalima. At tama nga ang sinabi nito, isa't kalahating oras na ang lumipas simula ng makatulog siya ay nagising na nga siya at sapo pa ang tiyan. "Nakatulog pala ako, bakit hindi mo ako ginising?" tanong niya na ngayon ay pinapahid pa ang mga mata para tuluyang magising ang diwa. "Ang sarap ng gising mo. Nasaan ang awa ko kung gigisingin kita sa kasarapan ng tulog mo." "Pero hindi ko na nahintay ang manga na binili mo." "Hindi mo man nahintay, atleast nakatulog ka. Saka hindi naman nawala ang pinabili kong manga para sayo. Ipinahanda ko na nga kay Wilma iyon." "Talaga?" Tumango ako. Ang luwang ngiti niya dahil napalugudan ang gusto niya. Agad siyang tumayo at tinungo ang kusina. Tama namang palabas na nga si Wilma kaya nakasalubong na niya ito. Hindi pa man nakakapagsalita ang isa ay agad niyang kinuha ang tray na hawak ni Wilma at bumalik dala ang gustong kainin. "Gusto mo bang balatan ko ang manga para sayo?" Agad siyang tumango na may ngiti sa labi. Kinuha ang manga at ibinigay sa akin. Habang binabalatan ko ang manga para sa kanya ay hindi nakaligtas sa akin ang mga kamay niyang nakapatong mismo sa tuhod niya na mabagal na tumatapik duon. Hindi maipagkakaila talagang excited siya habang naghihintay kaya naman napangiti ako dahil hindi nasayang ang effort ng mga inutusan kong hanapin lamang ang kambal na manga na gusto niya. "Kain na." maayos kong inilapag sa pinggan ang nabalatan ng manga at ibinigay sa kanya. Mabilis niya iyong kinuha. Gamit din ang isang maliit na kutsilyo ay hiniwa niya iyon ng maliliit. Maganang kinain habang isinasawsaw sa lutong bagoong alamang na may sili. Nangasim ang lalamunan ko habang pinapanuod siyang kumakain. Na kahit hindi hinog ang mangang kinakain ay hindi niya nalalasaan kung gaano iyon kaasim. "Gusto mo?" kuway tanong niya ng halos maubos na niya iyon ng maalalang alukan ako. Umiling ako. "Sayo na lang. Mukhang kulangpa nga sayo iyan." "Uhm, masarap siya. Ang tamis niya." Sabay abot pa sa akin ng isang hiwa ng manga kaya wala akong nagawa kundi kunin iyon sa kanya at kainin. Ganun na lang ang pangangasim ko ng matikman iyon. Ang asim talaga pero para sa kanya ay baliwala lamang iyon. "Ang sarap diba." pangungumbinsi pa kaya tumango na lang ako na halos hindi ko malunok ang nasa bibig ko. "Take your time okay. May business call pa ako kaya iiwan na muna kita dito." pang iiba ko na lang ng usapan na sinabayan na ng pagtayo. Totoong may business call pa ako tamang pagiwas na din sa kanya baka alukan na naman akong kumain ng maasim na manga. "Uhm. Okay." agad naman siyang tumango at muling ibinaling ang tingin sa kinakain habang ako naman ay nagtungo sa biranda ng bahay at duon na tatanggapin ang tawag para sa trabaho. ººº Tahimik akong pumasok ng silid namin ni Matilde ng makauwi ako ng bahay galing sa bahay kung saan namamalagi si Ezekiel. Hindi ko ito agad nasundan kaninang nagmamaktol na umuwi kanina dahil na rin sa paghahanap ko kay Ezekiel. Masama parin ang loob nito sa akin dahil narin sa pagbibigay pabor ko kay Ezekiel sa lahat ng nais nito na hindi niya maintindihan. Pero natigilan ako ng mamataan kong nasa biranda ito ng silid na may hawak na sigarilyo at hinihithit niya iyon. Kunot ang nuo ko na mabilis itong nilapitan. "Kailan ka pa natutong manigarilyo, Mathilde?" agad kong tanong dito na ikinabigla nito na mabilis na pinatay ang sindi ang sigarilyong hawak at itinapon iyon sa basurahan. "Kailan ka pa dumating?" balik tanong na halatang umilap ang tingin na hindi makatingin sa akin ng deretso. "Huwag mong ibalik ang tanong sa akin dahil ako ang unang nagtanong. Kailan ka pa natutong manigarilyo." hindi ko napigilan ang sariling magtaas ng boses dito na sa unang pagkakataon ay ngayon lamang ako nakaramdam ng kung anong hindi maganda sa nasaksihan ko. Sa tagal naming mag asawa ay ngayon ko lang din naman ito nakitang manigarilyo dahil ang akala ko ay wala itong bisyong ganun. "Tinatanong kita, Mathilde." muli kong saad ng hindi siya agad nakasagot. "Kailan pa?" "Ng nagdisesyon ka na hindi ko nalalaman." may galit na ngayong sagot niya. Ganun na katagal? "Nagsabi naman ako sayo at hindi pa iyon huli. At saka kahit magpaganun man hindi maganda ang matuto ka sa paninigarilyo." galit na panunumbat ko din sa kanya. Kung ang pagtatampo at palagi nitong galit na ipinapakita sa ngayon ay mapapalampas ko at mababaliwala pero ang paninigarilo. Ang pagkakaroon niya ng bisyo ay iyon ang hindi ko papalampasin. "Nagpapawala lang ako ng stress." dagdag pa niya sa katwiran pero hindi iyon makatwiran sa akin. "Stress. Sino ba sa atin ang hindi nai-stress, Mathilde? Ako na halos araw araw na nai-stress pero hindi ko sinubukang humithit ng sigarilyo?" panunumbat ko sa kanya. "Itigil mo iyan hanggat maaga pa." "Hindi ikaw ang magdidiseyon kung kailan ako titigil." "At bakit hindi? Asawa kita kaya may karapatan akong magdisesyon para sa ikakabuti mo." "Oo, iyon na nga. Asawa kita, Drake. Pero nagdisesyon ka din para sa sarili mo. Nagdisesyon ka kahit na alam mong hindi ako sasang-ayon sa disesyon mong iyan." galit na sumbat din nito sa akin. At ngayon, ibinabalik niya sa akin ngayon ang sisi. At ipinapahiwatig na ako ang dahilan niya kaya siya natutong manigarilyo. Nagpakawala ako ng butong hininga. Habang tumatagal ay nadadalas na ang sumbatan naming dalawa. Kung walang magpapakumbaba sa aming dalawa ay siguradong lalala ang namamagitan sa aming hindi pagkakaunawan. Kaya kahit na gutso ko pa sanang sumagot sa kanya at ipagpilitan ang karapatan ko bilang asawa niya ay nagpasya na lang ako ang magpakumbaba. Kumilos ako para yumakap sa kanya na hindi naman niya iniwasan. Nanatiling nakatayo na lang siya habang nasa mga bisig ko siya. "Sorry for everything. Just this one. Hindi naman ako magdidisesyon ng hindi na magsasabi sayo. Sa bagay lamang na ito kaya sana, pakinggan mo ako. Huwag mong ilulong ang sarili mo sa bisyong iyan." Kahit na gustong gusto ko paring sumbatan siya dahil sa paninigarilyo niya ay pilit na pinakalma ang sarili ko at pagpapakumbaba na lang ang tanging gusto kong ipakita sa kanya. Baka sakaling lumamig ang alitan namin kapag ipinaramdam ko iyon sa kanya. Ramdam ko din ang pagpapakawala niya ng malalim na paghinga. At ang kamay na kaninang nakalaylay lang ay kumilos at tumugon na sa mga yakap ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. "I love you, Mathilde. Mahal na mahal kita." "Mahal na mahal din kita kaya ako nagkakaganito. Ayaw kong mawala ka sa akin. Ayaw ko na may iba kang inaalala maliban sa akin. Ayaw ko na may iba kang pinapahalagaan maliban sa akin." "Shhhh, ikaw lang ang una sa lahat para sa akin kay ahuwag kang mag alala." sagot ko sa mga hinagpis niya na paulit ulit naming pinagtatalunan. Sana nga lang mapabilis na ang mga araw para kumalma na siya na walang magbabago sa akin kahit na may isang tao akong inaalagaan para sa ikakabuti ng magiging anak naming dalawa. Kailan ba niya iyon matatanggap. Kailan ba niya iyon isasaisip na walang ibang motibo ang ginagawa ko kay Ezekiel. Para iyon sa bata at wala ng iba iyong kahulugan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD