11
TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!
ºººEZEKIEL POVººº
Bumibigat ang pakiramdam ko sa bawat araw na lumilipas. Magdadalawang buwan pa lang pero ang hirap ko ng pakisamahan ang sarili kong mood. Hindi ko naman nais na magpakababy sa harapan ni Mr. Parker pero parang may nagtutulak sa akin na gawin iyon.
"Are you sure, you okay?" may nag aalalang tanong niya na umalalay sa akin.
Tumango ako. Nahilo na naman kasi ako bigla na muntik ng nakapagpatumba sa akin. Kasagsagan na ng paglilihi ko at hindi ko alam kung kailan matatapos ang pagpapahirap ng paglilihing ito.
"Sorry." palagi pa akong humihingi ng pasensya dahil na nga sa palagi na lang itong nag aalala sa akin.
Wait! Hindi pala sa akin kundi sa batang dinadala ko. Masyado naman akong nagiisip na sa akin mismo ito nag aalala. Dahil sigurado naman na kung wala ang anak niya sa sinapupunan ko ay malamang ni ang tapunan ng tingin ay hindi nito iyon magawa. Ang mag alala pa kaya sa akin.
"Huwag ka na lang maglalakad ng walang kasama baka bigla ka na lang mahilo tulad ngayon at bumagsak ka pa. Baka kung mapano ang bata kung bumagsak ang katawan mo sa lupa."
Muli akong tumango dahil napatunayan ko na hindi nga talaga siya sa akin nag aalala kundi sa batang dinadala ko. Ayaw niyang masaktan ang anak niya. Hindi ko siya sinagot. Nanahimik na lang ako dahil nakaramdam ako ng kakaibang bigat sa dibdib ko na hindi ko naman mabigyan ng kasagutan kung ano ang damdaming iyon na lumukob sa puso ko.
"Let's go. Tama na muna siguro ang paglalakad mo kung hindi maganda ang pakiramdam mo." aya niyang pabalik na sa bahay.
Naglalakad kasi ako kanina ng dumating siya. Kung hindi nga lang sana ako buntis ay baka nga nagjogging pa ako para lamang agad na pagpawisan. Napapansin ko kasi na nananaba na ako simula ng nagdalangtao ako.
"Sige." at nakaalalay pa nga ito sa akin hanggang sa makabalik kami ng bahay.
"May dala akong mga prutas para sayo. Kumain ka ng marami para pareho kayong malusog ng bata."
"O-oo." matipid na sagot ko sa mahinang tinig. Hindi ko na nais pang makipag usap sa kanya dahil ayaw kong umasa na para sa akin ang lahat ng ginagawa niya.
May bahagi kasi ng pagkatao ko na gusto kong makaranas ng may taong totoong nagpapahalaga sa akin maliban kina tatay at kuya Travis.
"Hmmm." malalim na paghinga ang pinakawalan ko ng maalala ko ang tatay. Lagi ko naman naiisip si tatay pero ngayon ay mas bumigat ang pakiramdam ko ng maalala ko ito.
"May masakit ba sayo?" napakurap ako at napatingin kay Mr. Parker ng marinig ko ang tanong niyang iyon.
"Namimiss ko lang ang tatay ko." totoong sagot ko. "Gusto ko siyang makita, makausap at kumustahin kung nasa mabuti siyang kalagayan."
"Huwag kang mag alala sa tatay mo. Sinabi ko naman sayo na ako na ang bahala sa kanya hanggat hindi pa tapos ang ating kontrata. "
"Alam ko. Pero hindi ko naman mapigilang hindi isipin ang tatay ko."
"Yeah! Nandoon na ako. Ginagawa ko lang ang itago ka ngayon dahil na rin sa kalagayan mo. Sana hindi mo iyan makalimutan hanggang sa manganak ka."
Muli na lang akong tumango bilang sagot sa kanya. Hindi ko naman susuwayin ang nakalathala sa kontrata namin. Marunong naman akong sumunod.
"Basta isipin mo na ang pagsasakripisyo mo ngayon ay para sa inyo ng tatay mo. Kapalit ng dinadala mo ang naghihintay na magandang buhay sa inyong dalawa."
Hindi na ako umimik pa. Kung sasagot pa ako ay baka humaba pa ang usapan at saka wala na din naman akong masasabi pa tungkol doon.
"G-gutom ako." pang iiba ko ng usapan ng marating namin ang likod bahay.
"Sige, ipapahanda ko lang kay Wilma ang mga prutas para sayo."
"Mmm, m-may nakita akong bunga ng manga doon." sabay turo sa hindi kalayuan ng bahay."
"Gusto mo bang manungkit tayo?"
Umiling ako. Kalabisan man pero parang may nagtutulak sa akin na paakyatin siya duon. "G-gusto ko ng kambal na manga." at iyon nga ang hiling ko na hindi ko alam kong makakakita ba siya ng kambal na manga ngayon sa mga bunga ng manggang itinuro ko.
"Huh. Seryuso ka?" hindi makapaniwalang tanong pa talaga niya sa akin. "Kung aakyat dyan ay siguro ay kaya ko pa. Pero ang maghanap ng kambal na manga..."
Yumuko ako. Ipinakita kong hindi ko nagustuhan ang pagtanggi niya. Sinabayan ko na din ng pagtalikod sa kanya. "Kung ganun, huwag na lang. Ayaw ko ng kumain."
"Hey! Wait, Hindi ko naman sinabing ayaw ko. Aakyat ako at ikukuha kita ng manga, pero hindi ako makakasiguradong may kambal na bunga akong makukuha."
"S-subukan mo parin?"
"Oo, Maghahanap ako ng kambal na manga."
"Talaga?"
Tumango siya at hindi nakalaigtas sa akin ang pagngiti niya na naging dahilan kung bakit ako natigilan at napatitig sa kanya.
Agad ko din namang binawi ang tingin ko ng mapansin kong napatitig na din ito sa akin.
"Hihintayin mo ba ako dito o sasama ka pa sa akin doon?" tanong nito pagkalipas ng ilang sigundo. Tinawag ang guard na na kasama namin ni Ate Wilma at sinabihan na ito ang sasalo ng mapipitas na bunga.
"Sasama ako." mabilisan kong sagot saka ako nagpatiunang naglakad pa.
Hindi ko na kailangan pa ang lingunin ito dahil randam ko naman ang pagsunod niya hanggang sa magkagapay na naming tinungo ang puno ng manga.
Tahimik na nakatingala siya sa taas ng mangga habang ako at tahimik din na nakatingin naman sa kanya na naghihintay sa unang hakbang kung paano niya aakyatin ang mataas na puno.
Ilang minuto din ang lumipas sa tagal ng pag iisip kung aakyat na ba o hindi ng magtanggal siya ng suit niya. Naiwan ang puting polo.
"Hawakan mo ito para sa akin." sabay abot sa akin ng tinanggal na suit. Inunat pa ang mga kamay at likod bago sinimulang hawakan ang puno.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagpapakawa niya ng malalim na paghinga bago sinimulang akyatin ang puno.
Wala akong imik na pinanuod lang ang pag akyat niya na hindi maitatago na nahihirapan siya pero diterminado naman maakyat iyon dahil na rin sa gustong paluguran ang nais ko.
"Kambal na manga lang ba ang gusto mo? Hindi mo na ba gusto ang iba?" tanong niya na nakaayos na ng tayo sa malaking sanga.
"Gusto ko ng kambal na manga pero kuha ka na din ng iba para kina Ate Wilma at kay kuya Yin." Malakas na sagot ko sa kanya. Hindi na ako makapaghintay na makakuha siya ng manga para kainin ko.
"Sandali lang. okay. Maghahanap ako." Sagot din niya at sinimulan ng igala ang paningin para maghanap ng kambal na bunga.
Naaliw ako sa pagmamasid ko sa kanya habang namimitas ng manga habang hinahagis iyon pababa kay kuya Yin. Napapadami na siya ng napipitas pero wala paring kambal na bungang nakita.
Nakatingin na siya ngayon sa akin ng wala parin siyang makita.
"Wala akong makitang kambal?"
Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko naman alam ang isasagit.
Gusto ko ng kambal na manga pero ayaw ko naman siyang manatili sa taas dahil wala nga siyang makita
"Bababa na ako. Magpapabili na lang tayo ng kambal na manga. Kahit na ipaikot ko pa ang lahat ng tindahan para lang makabili para sayo."
Tumango na lang ako. Hindi ko naman nais na pahirapan siya pero may kung anong nagtutulak naman sa akin na gawin iyon.
Tumalikod na ako at hindi na hinintay na makababa siya. Hindi ko na din pinansin ang manga na hawak ni kuya Yin ng ibigay iyon sa akin. Deretso na ako sa loob ng bahay ng hindi napagbigyan ang gusto ko.
ººº
Ayaw ko sanang lumabas ng silid ko simula kaninang nagkulong ako dahil walang nakuhang kambal na manga si Sir Drake pero kumalam ang sikmura ko at ramdam ko na naman ang gutom ko kahit na halos kakain ko lang.
Palagi nga akong nagugutom at may mga pagkakataon talaga na naghahanap ako ng kakaibang makakain tulad na lang kanina.
Ewan ko ba pero iyon ang gusto ko kahit na suwayin ko ang sarili ko na huwag magpaka_OA sa harapan ni sir Drake ay hindi ko naman mapigilan ang sarili ko.
Pababa na ako ng hagdanan ng marinig ko ang boses ng asawa ni Sir Drake.
"What are you? A slave?" May galit sa tuno ng boses na tanong nito. "May mauutusan ka naman para umakyat ng puno ng lintik na mangang iyan pero bakit ikaw pa ang umakyat?"
Iyon na nga. Galit na ang asawa nito dahil nalaman ang pag akyat nito sa puno ng manga.
"Huminahon ka Matilde. Ginagawa ko lang ang palugudan siya dahil dinadala niya ang baby natin."
"Pero hindi makatarungan na inaalila ka. Hindi mo ba napapansin na sumusobra na siya?" panunumbat parin nito na kung nasa harapan lang ako siguro nito ay baka sinampal na ako o di kaya naman ay sinabunutan na ako.
Lalaki man ako at kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kung sakali ay iba din ang agwat ng tangkat at katawan namin.
Aminado ako na maliit ako at maliit ang katawan habang ito ay halos mag kasing tangkad lang sila ni sir Drake at maganda ang hubog ng katawan. Baka hindi pa aabot ang kamay ko dito sakali mang makipagsabunutan ako.
Pero di ko lubos maisip na makipag away dahil sa simula pa lang ay alam ko ng wala na akong laban dito.
"Dala iyon ng pagdadalang tao niya kaya pwede ba, Mathilde, huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ang ipinapagawa nito sa akin. Kung ikaw ang magdadalang tao sa anak natin at kahit na siguro sabihin mong ikuha kita ng bituin at pipilitin kong kuhanin para sayo." Sagot naman ni sir Drake sa asawa nito na hindi ko agad naringgan ng sagot mula dito.
"Huwag mong ipamukha sa akin na hindi kita kayang bigyan ng anak dahil lang sa carrier na yan."pero mas naging galit ang tuno ng boses nito kaya napaatras ako ng hakbang at hindi na nagdalawang isip pang magtuloy pa sa kusina. Hindi ko gugustuhin makaharap ang asawa nito dahil ayaw ko ng away.
Gusto ko na tahimik lang ang buhay ko sa loob ng siyam na buwan. Magdadalawang buwan pa lang ang dinadala ko kaya mahaba haba ang mga araw, linggo at buwan na titiisin ko. At sa mga buwan na iyon ay hindi ko nanaisin pang makasalamuha pa sana ang asawa nito. Pero hindi ko naman iyon maiiwasan dahil kasama namin ito sa mga araw na magpapacheck up ako.
"Gutom na ako." sa loob loob ko ng makabalik ako ng silid ko. Sapo ko ang tiyan na kumakalam at nais ng magkalaman.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako nagpasyang lumabas nagbabaka sakaling wala na ang asawa ni sir Drake pero ng makalabas ako ng silid ko ay narinig ko parin ang pag sasagutan nila kaya naman lumihis ako ng daan ko iyong hindi nila ako makikita.
Lumabas ako sa likod ahay. Kahit na gutom na ako ay pinili ko na lang ang maglakad lakad na lang muna habang naghihintay na makaalis ang asawa ni Sir Drake. Iiwas na lang muna ako hanggang kaya ko pang umiwas.
"Huh!" sa paglalakad lakad ko na naman ay hindi ko napansin na nakalayo na naman pala ako sa bahay.
Gustuhin ko na sanang bumalik pero may nagtutulak sa akin na huwag na lang muna. Hindi naman ako aalis at wala naman akong balak suwayin ang nasa kontrata namin. Magmamasid lamang muna ako sa paligid dahil sa halos tatlong buwan ko na dito sa lugar na ito ay hindi ko pa alam kung ano ang mga nakapaligid sa akin. Minsan, napansin ko na malayo kami sa kapitbahay.
Dahil sa minsan na lang ako nakalabas ay nawili na ako sa paglalakad at tuluyan na akong napalayo. Hindi ko naman ramdam ang pagod kaya nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng mga bahay at may kainan na nga doon. Agad akong lumapit sa maliit na kainan at tumingin ng kung anong pwede at magustuhan kong kainin. Hindi na ako nagdalawang isip na mag order dahil nagustuhan ko ang amoy ng sinigang na baboy.
"Salamat po." pasasalamat ko pa ng maihanda ang order ko na agad kong nilantakan. Napapawow na lang ako dahil pumatok sa maselang panlasa ko ang lasa ng sabaw na inorder ko.
At sa gana kong kumain ay nakatatlo akong order ng sabaw at dalawang kanin.
"330 po lahat." sabi ng babaeng umasikaso sa order ko at doon ko lang napagtanto na lumabas pala ako ng bahay ng walang kadala-dalang pera o kahit na ang cellphone ko ay hindi ko na naisip na dalhin kanina.
Wala naman kasi akong balak na lumayo kanina kaya hindi ko na naisip na magdala ng mga iyon kaya naman ngayon... Kinakabahan na hindi ko alam kung paano ko sasabihin na wala akong perang pambayad ng kinain ko.
"Pwede bang mamaya mo na lang bayaran ang kinain ko?" nagbakasakali kong sinabi iyon. Kung makakapaghintay ay siguradong hahanapin ako ni Sir Drake kapag nalamang wala ako sa bahay at siya na ang magbabayad ng kinain ko.
Nakakahiya man ay iyon na lang ang tanging paraan para hindi nila sabihing tatakasan ko kinain ko.
"Sige po." nakahinga ako ng maluwag ng pumayag naman ang babae. Hindi na lang muna ako tumayo sa kinainan ko. Tanging ginawa ko habang naghihintay ay ang magmasid ulit sa paligid.
Halos nabilang ko na ang mga taong naglabas masok sa kainan ay wala parin ang hinihintay kong maghahanap sa akin.
"Kuya, hindi ka pa ba magbabayad?" napalunok pa ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko ng muli akong singilin ng babae sa kinain ko.
"P-pasensya na." hinging paumanhin ko na sinabayan ng pagtayo at yumuko. "W-wala kasi akong dalang pera dahil nakalimutan ko. Pwede bang maghintay na lang muna sandali dahil hinihintay ko ang susundo sa akin?" lakas loob na pagtatapat ko na wala nga akong pambayad sa kinain ko. Pero hindi naging maganda ang pagtatapat ko dahil lumapit ang matandang babae na kasama naman ng babaeng naniningil na sa akin.
"kakain kain ka wala ka naman palang pambayad. Huwag kami ang lukuhin mo. Bayaran mo ang kinain mo."
Muli akong napayuko dahil sa kahihiyan na nga na naramdaman ko dahil nakatawag na ng pansin ang malakas nitong salita sa akin. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahilan para maestatwa na lang ako mismo sa kinatatayuan ko.
"P-pasensya na po.. Bbayaran ko po ang kinain ko. Naghihintay lamang ako sa susundo sa akin."
"Hindi na uubra iyan sa amin. Saka bago lang ang mukha mo dito? Magnanakaw ka siguro at nagpapanggap lamang ngayon."
"Naku hindi po. Hindi po ako...."
"Aling Fely, anong meron?" tanong naman ng isang lalaking lumapit sa amin.
"Ang bata kasing ito. Kakain pero wala namang pambayad. Kung alam lang namin na wala siyang pambayad hindi na lang sana namin siya binigyan."
"Ganun ba. Aling Fely. Sige, ako na lang ang magbabayad ng kinain niya para hindi na kayo maiskandalo dito. Masisira ang reputasyon ng kainan niyo kapag ipinagpatuloy niyo ang pagsigaw." sabi pa ng lalaki na ngayon ay nakatingin na sa akin. "Magkanu ba ang babayaran niya?"
"33o po lahat kuya Kent." sagot ng babae.
Agad namang natigil sa pagbubunganga ng matandang babae ng mabayaran ng lalaki ang kinain ko.
"Are you okay?" tanong pa ng lalaki sa akin ng kami na lang dalawa ang naiwan sa lamesang kinainan ko.
"Maraming salamat." pasasalamat ko parin kahit na nakakahiya na ang nangyari sa akin. "Hindi ko naman balak mangluko. Sadya lamang na wala akong dala kahit na ano ng lumabas ako ng bahay." pagpapaliwanag ko parin kahit na hindi ako nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag kanina sa matandang babae.
Nakitaan ko ng ngiti ang lalaki na nakatitig sa akin. Nailang tuloy ako dahil duon.
"Walang problema iyon. Maliit na bagay."
"Maraming salamat parin. Dahil kung hindi mo ako tinulungan ay baka lumubog na ako dito sa kahihiyan kapag nagpatuloy sa panunumbat sa akin ang matandang babae."
"Nagkataon lang din na napadaan ako at nagutom kanina kaya ako tumigil dito at kumain. Mabuti nga at nakita ko kaya huwag ka ng mag alala."
Tumango ako. "Paano kita mababayaran? gusto mo bang maghintay dito at kukuha ako ng perang pambayad ko sayo?" kuway tanong ko naman dito.
"Uhm. Hindi na kailangan. Maliit na halaga lamang iyon."
"Pero.."
"Well, kung mag iinsist ka ay pwede kitang ihatid sa inyo tapos duon ko na lang kukunin ang bayad ng kinain mo."
"Huh!" natigilan na naman ako. Hindi maaring may ibang taong makaalam kung saan ako nakatira dahil siguradong magagalit si sir Drake kapag nalaman at nakitang may naghatid sa akin.
"Why? sa pananahimik mo parang..."
"Zeke." tawag sa pangalan ko na parehong nakapagpalingon sa amin ng estrangherong lalaking tumulong sa akin.
Si sir Drake iyon na agad kong nilapitan at nagtago sa likod niya ng sumunod sa akin ang lalaki. Pero hindi nakaligtas sa akin na nakipagsukatan ng tingin ang lalaki sa kanya. Na parang nakapagpatigil ng pagikot ng oras dala ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.