10
TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!
ºººDRAKE POV:ººº
"Sinabi ko sainyo na gawan niyo ng paraan iyan? Ano? Magbubulag bulagan lamang kayo sa mga nangyayari sa hawak niyong departamento?" Galit na sumbat ko sa mga board member ng kompanya ko.
Halatang iniiwasan nila ang mapatingin sa akin dahil halos sila ay malaki na ang nalulugi sa mga departamentong hawak nila.
"Kung hindi niyo magagawan ng paraan ang mga iyan, simulan niyo ng magbalot balot. Maghanda na din kayo ng mga abogadong tutulong sa inyo dahil icha-charge ko sa inyong lahat ng mga sintemong nawala sa negosyo." banta ko pa sa mga ito.
Ilang beses ko na bang sinabihan ang mga ito. Masyado lamang akong naging maluwag nitong mga nakaraang buwan dahil na rin sa pagsasaayos ko ng ilang mga bagay patungkol kay Ezekiel at sa pagdadala nito sa magiging anak namin ng asawa ko.
At ngayon.. umaayon na sa akin lahat ay napagtuunan ko na sila ng pansin. At ito ang ibubungad nilang report sa akin. At talagang may lakas pa talagang humarap sa akin kahit na halatang maraming anumalya sa mga departamentong hawak nila.
"This will be the last. Bibigyan ko kayo lahat ng isang buwan para sulosyunan ang lahat ng mga iyan. Mahaba haba na ang palugit kong iyan, kaya aasahan ko ang magandang balita galing sainyong lahat."
Tumayo na ako. Ni hindi ko na nagawang magpaalam sa mga ito ng maayos. At bakit ko pa aayusin ang pagdidismiss sa kanila kung wala naman silang maayos na naireport sa akin.
"Ano ang susunod kong schedule?" tanong ko sa sekretary ko na siyang palaging nakasunod sa akin.
"May lunch meeting po kayo ni Mr. Abuebo, vice-chairman." agad nitong sagot.
Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cp ko na hawak mismo ng sekretarya ko. Agad nitong ibinigay sa akin.
Agad kung sinagot ang tawag dahil galing iyon kay Wilma.
"Anong nangyari? Bakit ka napatawag?" agad kong tanong dito.
"Matamlay po si Sir Ezekiel, sir Drake."
"Huh!" agad akong nakaramdam ng pag aalala dahil duon. Hinarap ko ang sekretarya ko at sinabihang kanselahin na ang lahat ng natitirang appointment ko ngayong araw.
"Sige po vice-chairman."
"Kung sakaling tumawag sayo ang Chairman at hanapin ako ay sabihin mong pinuntahan ko ang asawa ko dahil masama ang pakiramdam nito. Hindi na iyon magtatanong pa kung iyan ang isasagot mo sa kanya." pagbibilin ko pa dito.
Hindi ko na ito nahintay na nakasagot at nagmamadali na akong umalis para agad na malaman kung ano ang kalagayan ni Ezekiel kung bakit ito matamlay.
ººº
"Nasaan siya?" agad kong tanong kay Wilma ng makauwi ako ng bahay na tinutuluyan ni Ezekiel.
"Nasa loob po ng silid niya, sir Drake."
"Bakit? Anong nangyari at bakit mo nasabing matamlay siya?"
"Hindi po kasi napagbigyan agad ang gusto niya."
"Huh! Bakit hindi mo ginawa ang gusto niya gayong alam mo ang kalagayan niya."
"Kasi sir Drake, ipinapahukay niya ang ube sa likod bahay."
"Bakit hindi mo hinukay." may galit sa tuno na sabi ko dito.
"Sinabi ko naman sir. Kaya lang hindi niya gustong ako ang maghukay nun."
"At sino? Siya ba?"
Umiling ito. "Hindi po sir. Kundi kayo ang gusto niyang humukay nun."
"What?" at talaga namang nagulat ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Ako ang gusto niyang huhukay sa ube?
Hindi agad ako nakasagot. Mapapasubo pa yata ako ngayon. Pero wala naman akong magawa ngayon kundi ang masunod ang gusto niya dahil nga sa kalagayan niya. Ipinaglilihi niya ngayon ang anak ko kaya kailangan kong masunod ang lahat hanggat sa kaya ko.
"Sige. Kakausapin ko siya." iyon na lang ang nasabi ko kay Wilma saka ako pumanhik sa taas at kinatok ang silid niya
Kumatok ako pero wala akong sagot na narinig mula sa kanya. "It's me, Zeke." Paulit ulit akong kumatok hanggang sa maringgan ko ang mahina niyang tinig mula sa loob sa sinabing bukas naman ang pinto.
"Nahihilo ako." narinig kong sabi niya ng makalapit ako.
"Masama ba ang pakiramdam mo? Bukod sa nahihilo? may iba ka pa bang nararamdaman?" may pag aalalang tanong ko dito. Umalalay pa ako sa pagupo niya.
Pag iling ang naging tugon niya bago nadako ang tingin kay Wilma na nakasunod lamang sa akin.
"Dala iyan ng pagdadalangtao niya sir. Kaya siya nahihilo."si Wilma na naging tugon ng pagaalala ko sa kanya.
"Sige. Sabi sa akin ni Wilma na gusto mo ng ube sa likod bahay." Tanong ko sa kanya ng madako ang isip ko kung bakit ako umuwi ng wala sa oras.
Mabilis ang naging pagtugon niya na bahagyang lumiwanag ang mukha pagkarinig ng ubeng nabanggit.
"And you want me to dig it up for you." muli siyang tumango bilang sagot. Nakangiti na may ningning sa kislap ng mga mata. "Okay then. Tumayo ka na diyan at huhukayin ko ang ube para sayo. Para hindi ka magtampo. Lets go." sinabayan ko ng pagtayo at nilahadan ng kamay para makatayo na.
"Magdala ka ng panghukay, Wilma." Ng makatayo na ito ay agad akong bumaling kay Wilma at inutusan ito.
Dumeretso kami ng likod bahay kung saan nakatanim ang ube. Ube na gustong ipahukay sa akin.
"Heto ba?" tanong ko ng marating namin ang likod bahay. Sinipat ko ng maayos iyon. Malaki nga iyon at lumalabas na nga ang iba sa lupa.
Tumango siya bilang sagot. Mas naging maliwanag ang mukha niya sa hindi maitagong kagalakan habang nakatingin sa ubeng gustong upahukay.
"Sige, wait lang at huhukayin ko iyan para sayo." humugot muna ako ng isang malalim na paghinga dahil alam kong mapapasubo ako ngayon. Ni hindi ko na naisip pa ang magpalit dahil gusto ko na agad itong mapalugudan ng mawala ang pagkamatamlay niya na siya pang makakaapekto sa dinadala niya.
Hindi na siya umimik pa at kahit na hindi ko na siya tapunan ng tingin ay alam kong excited na siyang mahukay ng tuluyan ang ube. Kahit na nahihirapan ako at pinagpapawisan na ay hindi ko iyon tinigilan hanggang sa tuluyan ko na iyon mahukay. Napakalaki nga. Hindi man ako marunong manantiya ng timbang ay baka nas tatlo o apat. Basta malaki iyon.
"Ganyan nga.. Wow." Nasa tuno ng boses niya ang tuwa ng maiangat ko ang ube at ipinakita sa kanya.
"Huu," Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isang marahas na paghinga dahil sa pagod ko. Iba din pala talaga ang hirap ng poagbubungkal ng lupa.
"Salamat." sa tuwa niya ay nagulat pa ako ng bigla siyang yumakap sa akin. Hindi man ako nakakilos agad ay hindi ko naman siya naitulak dahil baka ikasama ng loob niya na maipakitang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Hindi naman sa hindi nagustuhan kundi nabigla talaga ako at hindi iyon inaasahan.
"Anong gagawin mo sa ubeng iyan?" Tanong ko na hindi na maitago ang pamumula ng mukha. Dahil ba sa pagyakap niya sa akin? Nakayuko at hindi na ako matignan ng deretso.
Lihim akong napailing na nakatingin lang sa kanya at naghihintay kung ano ang isasagot niya.
"Gusto ko lutuin. Tapos ibebenta ko." Ilang sandali ay sagot niya Nagbalik ang ngiti niya sa labi at kislap ng mga mata.
"Hindi mo ba gustong si Wilma ang magluto niyan sayo?" Tanong ko na hindi mapigilan ang pangunutan ng nuo.
"Gusto kong ako mismo ang magluto. Hindi naman iyon mahirap, magpapatulong na lang ako kay Ate Wilma."
"Sige, pero yong sinabi mong ibebenta. Alam mong hindi ka pwedeng lumabas." Pagpapaalala ko at nilangkapan ng seryusong tingin sa kanya pero binalewala lamang niya iyon. Bagkus ngiting-ngiti talaga siya at hindi na maitago ang pagkasabik sa kung anong gustong gawin sa ubeng hinukay ko.
"Alam ko. Kaya ikaw ang magbebenta nito sa akin." Sa sinabi niyang iyon ay hindi agad ako nakasagot. Napatitig talaga ako sa kanya. "Ate Wilma, ipasok na natin."
"Sige, sir."
Tanging tingin na lang ang naisunod ko sa kanila. Naiiling akong hindi makapaniwala.
Ako!
Ako ang gusto niyang magtinda ng ubeng iluluto niya na ako mismo ang naghukay?
"Huh! I can't believe it?" naibulalas ko ng makahuma ako. Agad na sumunod sa kanila at alamin pa kung paano niya lulutuin ang ubeng ipinahukay sa akin.
ººº
"Heto." may ngiti parin sa labing ibinigay sa akin ang malaking box kung saan niya nilagay ang halayang ube na niluto niya.
Ayaw ko sanang matuwa pero nakakatuwa lang siyang makitang masaya. Simula kasi ng kontrata namin ay hindi ko siya nakitaan ng ganito kasaya pero ngayon.. Hindi na masama.
Gamit ang ilan sa maliit na ipon niyang pera ay ibinili niya ng ilan pang rekado para sa iniluto at ang tub na lagayan para dito.
"Uhm, Sabihin na natin na nasa 300 na ung ube, tapos ang nagastos ko pa ay nasa 250 pa.. 52O na puhunan ko dito. Ibenta mo ito para sa akin. 35 isang tub jan. Bale 1,050 lahat yan kapag naibenta mo lahat." hindi nawala ang ngiti niya sa labi habang ipinapaliwanag ang mga nagastos at kikitain niya sa niluto.
"Kung maibebenta ko. Ano naman ang para sa akin bilang pasahod mo?" hindi ko mapigilang tanung sa kanya.
"Ai. Kaunti lang yong kikitain ko dyan. Tapos hihingi ka pa. Kung pwede lang sana ako na lang ang magbenta hindi na mababawasan ang kikitain ko." sabi niya na napalabi. Nakatitig sa kung saan kalagay ang mga niluto.
"Yeah! okay. I got it. Kung ganun babalik na muna ako ng kompanya at dadalhin ko ang mga iyan doon."
"Oh! maalala ko. Sa kompanya sanang pinagbebentahan ko ng mga paninda ko nuon. Siguro miss na miss na din nila ang luto ko." I will ask my secretary to sell this for you sa mga suki mo."
"Talaga. Sige, sige. Salamat."
Tumango na lang ako. Matapos kunin ng bodyguard ko ang box at inuna nang ilagay sa sasakyan. Hindi ko na muling nakausap siya dahil tumalikod na din ito at nakipagkwentuhan na kay Wilma.
Kahit papaano ay gumaan na din ang pag aalala ko kanina dahil sa pagkamatamlay niya. Hindi na ako mag aalala na maapektuhan ang anak ko na dinadala niya.
ººº
Nakatingin lamang ako sa malaking box na may lamang halayang ube. Kararating ko lang halos dito sa opisina at ngayon iniisip ko kung paano ko iyon maibebenta ayon sa gusto niya.
"Ugh!" tutop ang nuo ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga iyon. Kaya bago pa man mapako sa kakaisip ay tinawag ko na ang sekretarya ko.
"May kailangan po kayo vice Chairman?"
"Gusto mo ba ng halayang ube?" tanong ko agad dito na ikinagulat sa naging tanong ko.
"Hu. Oo naman vice-chairman. Iyan ang madalas naming meryenda ng mga kasama ko lalo na po kung iyong niluluto ni Ezekiel. Yung pinsan ni Manager Bejarin."
"Ohh, Okay. Then take that box, ipamigay mo sa mga kasama mo."
"Hu." muli na naman itong nagtaka. Hindi naman sa madamot ako nun dahil hindi naman ako basta- basta nanglelebre kung walang magandang nagawa sa mga trabaho nila.
"Narinig mo ang sinabi ko. Ipamigay mo ang mga iyan sa iba. Isipin niyo na lang na luto iyan ng paboritong niyong nagluluto niyan."
"S-sige po vice-chairman. Maraming salamat po dito." nagpaalam na ito ng maayos sa akin dala ang box ng halayang ube na gawa ni Ezekiel. Mula sa screan ng monitor sa cctv ay pinanuod ko ang sekretarya ko na ipinamimigay iyon. Nagtaka man siguro ang ilan sa mga ito ay may ngiti sa labing tinanggap nila iyon isa-isa.
Kahit paano ay hindi masasayang ang niluto niya dahil gusto naman ng dating bumibili sa kanya. Kahit ako na mismo ang magbabayad sa kanya nun ay hindi ko na iyon iisipin pa. Kaunting halaga na makakapagpasaya sa kanya.
Nakaalis na ang sekretarya ko pero wala na sa sestema ko ang magtrabaho. Kaya naman nagpasya na lang akong lumabas at makipagkita na lang sa mga barkada ko.
Matagal na din ng huli kaming nagkita kaya pupuntahan ko sila sa Casino Gem na alam ko doon naman ang tambayan nila sa mga ganitong oras. Pero naniguro parin ako. Tinawagan ko si Garbiel at tinanong kung nandoon ang iba sa casino niya at hindi nga ako nagkamali dahil halos kadarating lang nila Kent at Jeff din daw duon kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at bagtas na ang daan patungo ng Casino Gem.
ººº
"Kumusta ang nakatikim ng iba at ngayon magiging daddy na." si Jeff na may ngisi sa mga labi.
Nailing ako. Kung ibang tao siguro ay mabubulag na sa balitang naipakalat ko pero ang mga ito ay hindi ko maluluko. Ano pa ang silbi ng pagkakaibigan namin kung hindi alam ang lihim ng bawat isa sa amin.
"Kumusta? Ano ang pakiramdam na magiging tatay na?" si Kent din na umakbay sa akin at magkaagapay ng tinungo ang counter table na naghihintay na doon si Gabriel na abalang nagmimix ng alak.
Nagpakawala muna ako ng isang malilim na paghinga bago ako sumagot.
"Happy." matipid kong sagot sa kanila. Wala naman akong ibang masasabi maliban doon dahil talaga namang masaya ako na magkakaroon na kami ng sariling anak ng asawa ko kahit na ang katutuhanan ay hindi ito ang magdadala.
"And who is...?"
"Hindi niyo na kailangang makilala. Mawawala din naman siya sa landas namin kapag naipanganak na niya ang anak namin ng asawa ko."
"Sigurado ka ba na tanggap ng asawa mo ang baby mo?" Hindi maitago ang paghihinala na tanong ni Jeff.
"Napag usapan na namin iyan. Alam kong tatanggapin at ituturing na tunay niyang anak ang anak ko. Siya ang magiging nanay ng isislang nag binayaran ko."
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtinginan nila na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Hindi niya ba pagseselosan ang binayaran mo. Alam mo naman na siguro kung ano ang mga consequences ng plano mo."
"I know. Pinaghandaan ko na ang mga iyan. At makakaasa naman siguro ako sa inyo na hindi na lalabas ang tungkol sa plano ko. At kung may ibang makaalam man.. Alam ko na ang sisisihin ko." seryusong sabi ko sa kanila na kinibitan lang nila ng mga balikat.
"Hindi kami makikiaalam sayo, bud. Nagpapaalala lang kami."
"Oo nga naman. Tungkol sa binayaran mo? Baka naman magbago ang isip at itakbo ang anak niyo ng asawa mo?"
"Hindi iyan mangyayari. Hawak ko siya sa leeg kaya hindi iyon magkakalakas ng loob itakas ang anak ko."
"Sinabi mo.. Sige, maghihintay na lang kami sa paglabas ng tagapagmana mo." si Gabriel habang inilalapag ang alak na hinalo niya sa harapan namin.
Naging maganda naman ang usapan namin apat na nauwi na naman sa laro at pustahan. Hindi na masama. Kahit papaano ay nakapagrelax ako habang kasama ko sila. Sa kanila ko na lang kasi nailalabas ang mga bagay bagay na hindi ko din masabi sa asawa ko. Kaming apat na lang ang nagkakaintindihan sa mga bagay na hindi naiintindihan ng iba.
ººº
"Hon." tinapik ko ito sa balikat dahil iba ang tinging ipinukol niya kay Ezekiel. Hindi niya itinago ang pagkadisgusto dito,
"Hindi ko siya gagawan ng masama hanggang dala niya ang magiging anak natin." Seryusong sagot niya sa akin kahit na hindi ko pa man siya napagsasabihan na huwag niyang tratuhin ng masama si Ezekiel.
"Kahit na hindi niya dala ang magiging anak natin ay hindi ka dapat ganyan. Huwag kang tumingin na pinapababa mo sila at ipinapakita ang agwat ng estado niyo sa buhay." Pagpapaalala ko dito. Naging mainitin ang ulo nito simula nung nagdesesyon na akong walang pasabi sa kanya.
At heto kami ngayon nasa clinic ng doctor na binayaran ko din para maitago ang lahat tungkol sa pagdadalang tao ni Ezekiel. Bawat check up niya ay sa pangalan ng asawa ko iyon maililista para magpapatunay na siya ang nagbubuntis sa anak namin.
Hinihintay namin na matapos ang paunang bakuna niya para sa dinadala. Nagbigay ng mga bitamina at nagpayo sa mga dapat at hindi dapat gawin habang nagbubuntis siya.
"Maganda ang lagay ng baby sa sinapupunan niya. Iwasan lang na madulas o bumagsak siya dahil baka iyon ang ikapahamak ng bata at ikalalaglag nito." bilin ng doctor matapos na niyang i check lahat ang tungkol dito. "Every month na nag check up niya. At sa pangatlong buwan niya ay pwede na natin siya i ultrasound para makita na ng buo ang baby niyo. Pwede naman ngayon pero suggested ko na huwag muna para hindi maexpose agad sa radiation ang baby. Mas mainam ng palakihin na muna natin siya hanggang dalawa o tatlong buwan."
"Sige, doc. Maraming salamat sa pagpapaalala."
"And you.." bumaling ito kayEzekiel. "Magsabi ka kung may hindi ka magandang naramdaman. Sumakit ang tiyan o anu mang tungkol sa dinadala mo. Narinig mo naman ang payo ko. Na kailangang maiwasan ang hindi ka madulas o bumagsak para maiwasan ang problema."
"Sige po doc."
Hindi na kami nagtagal pa at nagpasyang umuwi na lang agad. Hindi nakialam si Matilde pero nakinig naman sa sinabi ng doctor. Sinabihan din siya ng doctor na hindi na muna nito kailangang magsuot ng fakebelly para sa kunwaring pagbubuntis niya.
Inihatid namin si Ezekiel sa bahay na tinitirahan niya bago kami umuwi ni Matilde.
"Sinabi sa akin ng katulong na duon ka daw natulog ng tatlong araw simula ng umalis ako? At ano ang ginawa mo duon kung dito naman ang bahay mo."
"Ayaw kong makipagtalo sayo Matilde kaya nakikiusap ako sayo na sana huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa ko para sa anak natin."
"Pinapaalalahanan lamang kita, Drake. Mabuti na iyong nagkakaliwanagan tayo. Asawa mo ako at dito ang bahay natin kaya hindi mo kailangang manatili sa bahay na iyon."
"Hindi mo kailangang ipaalala sa akin ang mga iyan Matilde. Alam ko kung ano ang ginagawa ko" nagpakawala pa ako ng marahas na paghinga dahil dumadalas na ang pag aaway namin.
Pasalamat na lang talaga ako dahil hindi niya kailangang mainsecure sa mukha ni Ezekiel dahil lalaki nga ito. Dahil kung maganda pa siguro si Ezekiel ay mas mas malala pa siguro ang pagkainsecure nito ngayon.
Pero thinking about Ezekiel look.. he is cute.. indeed.

Lalo na ng magising ito isang araw bago ang araw na ito. Masaya siyang nagising dahil narin sa naibenta ko nga kuno ang niluto niyang Halayang ube.
Pero hindi naman dahilan ang kacutan ni Ezekiel para mainsecure siya. Maganda na siya. As in na maganda dahil maraming naiinggit pa sa akin dahil siya ang asawa ko.
"Mabilis na lang ang mga araw na lilipas, Hon. Matapos niyang manganak ay hindi na muli siyang magpapakita sa atin kaya nakikiusap ako sayo. Pakisamahan mo naman siya kahit papaano." muli kong pakiusap dito na hindi naman pinansin ang pakiusap ko.
"Huwag lang niya gagamitin ang ipinagbubuntis niya para sabihin manatili ka sa bahay na iyon. Kilala mo ako, Drake. Ayaw na ayaw ko ng naagawan."
"Yeah." hinila ko siya ng mahawakan ko ang kamay niya at niyakap. "I know. So calm down."
Nagpakawala din ito ng isang marahas na paghinga bago niya tinugon ang yakap ko. Diin ang labi ko sa ulo niya na ginawaran ng halik duon.
Hinding hindi ko siya masisisi dahil alam kong natatakot lang siya na ang plano ko ay makasira sa relasyon namin. Pero malinaw sa sarili ko ang motibo ko. Ang bata lamang ang kailangan na siyang bubuo ng pamilya namin ni Matilde.