#9:

3042 Words
9 TYPO AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!! ºººDRAKE POV:ººº Kumatok ako pero wala akong sagot na narinig sa loob kaya naman sinubukan kong pihitin ang seradura ng pintuan niya. Hindi iyon nakalock kaya naman pumasok na lang ako. Tahimik na lang akong humakbang papasok hanggang sa marating ko kung saan siya ngayong mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko ito. Hindi ko mapigilan ang hindi mangiti sa ayos ng tulog nito. Nakabaluktot ang isa sa paa niya habang ang isa ay nakanat at magkalayo ang mga iyon. Ang kamay naman niya ay nakadipa ang isa at ang isa ay nasa ibabaw ng tiyan niya. Doon napako ang tingin ko dahil bahagyang nakalihis ang damit niya kung saan nakapatong ang isang kamay niya. Lumapit ako at maingat na umupo sa gilid ng kama niya. Inalis ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng tiyan niya at inayos ang damit niya. Saka ko naman ipinatong doon ang kamay ko. "Sana lumaki ka diyan ng malusog. Naghihintay na kami ng mommy sa paglabas mo. Ikaw ang bubuo ng pamilya natin." Kausap ko dito kahit na alam kong kabubuo pa lang niya. "Hmmm." Hindi naman ako magugulatin pero mabilis ang ginawa kong pag alis ng kamay ko sa ibabaw ng tiyan niya at tumayo sa pag aakalang magigising siya pero hindi naman dahil gumalaw lang siya at tumagilid patalikod sa akin. "Hindi ko gustong maging mahigpit sayo pero anak ko ang dadalhin mo kaya hindi mo ako masisisi." Kausap ko naman sa mahimbing na si Mr. Castillo na para bang naririnig lamang nito. "Ipagpapasalamat ko ng marami ang pagdadala mo sa anak namin ng asawa ko." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at ilang sigundo ko din itong pinagmasdan mula sa likod bago ako nagpasyang lumabas matapos kong ayusin ang kumot nito at kinumutan. Magiging madali lang ang lahat kung makikisama ito. Walang mahihirapan pareho sa amin basta sumunod lamang ito sa mga gusto kong mangyari at makakabuti sa aming lahat. ○○○ "Gising ka na pala. Halika, nagluto ako ng agahan para sayo." ipinaghila ko pa ito ng upuan kahit na hindi maitago ang pagkagulat na makikita ako nito sa kusina. "A-akala ko nakaalis ka na." Ngumiti ako. "Maaga lang akong gumising para maipagluto ko kayo ng baby. Upo na." sagot ko sabay alok dito ulit sa hinilang upuan. "Zeke." tawag ko sa kanya short of Ezekiel. Naisipan ko kasing bawasan ng kapormalan ang tawag ko dito para hindi ito mailang. "Huh!" "Yes. Zeke. Iyan na ang itatawag ko sayo simula ngayon para hindi ka na mailang sa akin. Tawagin mo na lang din ako sa pangalan kung iyon ang gusto mo." Hindi siya sumagot pero halatang hindi makapaniwala. Mas nailang pa yata siya ngayon tinawag ko siyang Zeke. "Kumain ka na. Kailangan mong kumain ng mga masusustansya para sa dinadala mo." Pagtango lamang ang naging sagot niya. Ipinagpatuloy ko ang paghahain ng pagkain niya ng mapansin ko ang pagkunot ng nuo niya na tila may hindi nagustuhan. Napalingon pa siya sa paligid hanggang sa madako ang tingin sa hawak kong maliit na kawali. Umiling siya pagkatapos at tutop ang bibig. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang dumuwal kahit na gusto sigurong tumayo at pumunta ng banyo. "Hey! Are you okay?" agad kong ibinalik ang kawali sa kalan at saka ko siya dinaluhan. "S-sorry?" hinging paumanhin niya matapos niyang kumuha ng tissue at pinunasan mismo ang laway na idinuwal niya sa lamesa. "H-hindi ko sinasadya." patuloy sa paghingi niya ng paumanhin na may namumuo ng luha sa mga mata. Ilang sandali pa ay tinakpan na naman niya ang bibig saka tumayo na sa kinauupuan. Hindi na nagsalita at deretso na mismo sa lababo mismo dito sa kusina. Sumunod ako sa kanya. Naglagay ako ng tubig sa baso saka ko ibinigay sa kanya na agad naman niyang tinanggap iyon. "Isa na siguro iyan sa morning sickness na mararamdaman mo dahil sa buntis ka. Kaya natural lamang iyan. Hindi mo lang siguro nagustuhan ang amoy ng niluto ko. Magluluto na lang ako ng iba." sagot ko sa paghiningi niya ng tawad para hindi nito isiping mali ang ginawa niya sa harapan ng hapagkainan. Magaan ko ding tinatapik ang likod niya na may kasamang paghugod para makaramdam siya ng kaginhawaan kahit papaano. "Sabihin mo sa akin kung ano anbg ayaw mo sa naamoy mo. Para sa susunod hindi ko na iyon lalagyan." Umiling siya. "H-Hindi ko alam." mahinang sagot niya na bahagya pang napasinok. "Basta ayaw ko ng amoy." dagdag sagot niya. "Okay then. Here. Come here. Umupo ka na lang ulit. Ipagtitimpla na lang muna kita ng gatas." Umalalay pa ako dito ulit paupo na hindi maitatago ang biglang panghihina niya dahil sa pagduduwal niya kahit na wala namang nailabas kundi malagkit na laway lamang. Hindi siya umimik basta nagpatangay na lang siya sa pag alalay ko sa kanya paupo. Agad naman akong nagtimpla ng gatas para sa kanya. "K-Kaya k-ko namang magtimpla." sabi niya ng mailapag ko ang baso ng gatas sa harapan niya. "I know. Pero ginagawa ko ito para sa baby kaya hayaan mo lang ako, Zeke." Napatitig siya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang nasaisip niya sa mga sandaling ito sa mga nasabi ko. Hindi ko makitaan ng kahit na anong emosyon sa mga mata. Hindi na ulit siya nagsalita pa. Kinuha ang gatas at ininum iyon. Hindi naman iyon masyadong mainit kaya deretso at hindi niya tinigilan hanggang sa hindi iyon naubos. "S-salamat." kuway pasasalamat niya ng maubos ang gatas. "Very good. Just wait for a while, magluluto ulit ako ng agahan para sayo. Gusto mo ba ng ham? bacon?" tanong ko para hindi siya magduwal pa kung sakaling magluto ako at maamoy iyon. Tumango siya. "K-kahit ano. Basta ayaw ko ng ginisa." "Ohh! I get it. Siguro ayaw mo ng amoy ng bawang na nagisa at iyon ang dahilan kaya ka nagduwal." Nagkibit balikat siya. Siguro nga. Wala din naman akong alam sa mga iyon dahil ito ang unang beses. Magbabasa na lang ako patungkol sa mga bagay patungkol sa paglilihi para maiwasan ang nangyari kanina. "Heto na po ang mga ipinabili niyo, sir Drake." Si Wilma na kadarating lang dahil inutusan kong bumili ng mga prutas at iba pang pwede niyang makain. "Good Morning sir." Baling naman nito sa kanya. "Magandang umaga, ate Wilma." may bahagyang ngiti na tugon niya pero agad na nadako ang tingin sa dala ni Wilma. "Ilagay mo muna sa ibabaw ng lamesa ang mga iyan Wilma." utos ko na lang dito dahil hindi maitatago na parang may gusto siya sa mga nabili nito. Agad naman na tumalima at inilagay lahat ng hawak sa lamesa. Lihim akong napangiti dahil hindi pa man halos naibaba ni Wilma ang mga iyon at agad niyang binuksan ang ilan sa mga plastic bag at tinignan ang laman. "Gusto ko to." may ngiti sa mga labing inilabas sa plastic bag ang sampalok. "Pangsigang iyan sa ulam, Zeke." sabi ko ng makitang inilabas lahat ng sampalok sa plastic bag. "Huh!" tila nagulat naman siya ng magsalita ako. "S-sorry." nahimigan ko na biglang nagbago ang tuno ng boses niya. Halatang hindi nagustuhan ang paninita ko sa kanya. Ibinalik ang sampaloc sa plastic bag. "Sir Drake." napatingin naman ako kay Wilma na bahagyang umiling. Doon ko napagtanto na mali ang pagsita ko. Pero hindi ba sasakit ang tiyan niya kapag kakain siya agad ng maasim kung wala pang ibang kinain maliban sa gatas na ininum? "It's okay. You can have it." kuway pagbibigay ko na lang sa kanya pero hindi na niya iyon kinuha pa bagkus tumayo at walang lingon likod na lumabas ng kusina. "Natural lang iyon, sir Drake." "Hindi ba sasakit ang tiyan niya kapagkumain siya agad ng maasim sa umaga?" "Hindi naman sir Drake. Natural lang iyon ngayon kasi naglilihi na siya. At iwasan niyo po sanang pigilan siya sa mga gusto niyang kainin o gwain dahil pwedeng makasama iyon sa kanya at sa dinadala niya. Pwede niyang ikastress iyon." Napatango na lang ako ng wala sa oras. "Okay, I got it. Ayaw nga pala niya ng ginisa lalo na may bawang. Nagduwal siya kanina." pagbibigay ko ng impormasyon para alam na nito ang gagawin sa susunod. "Sige sir Drake." Sumunod ako kay Ezekiel matapos kong makausap si Wilma. "Hindi ko sinadya na pigilan ka kanina." sabi ko ng maabutan ko siya mismo sa harapan ng silid niya papasok. "Halika ka na. Kung gusto mong kumain ng sampalok, pwede mong kainin ang binili ni Wilma kanina." "Ayaw ko na iyon. Nawalan na ako ng gana. Gusto ko ulit magpahinga." sagot niya na hindi maitago ang katamlayan ng boses. "Sorry. Kasalanan ko. Nag aalala lang kasi ako kasi wala pang lamang kanin ang tiyan mo baka mas lalong mangasim ang sikmura mo at sumakit ang tiyan mo. Sa susunod hindi na kita pipigilan sa gusto mong kainin." Pagpapaliwanag ko para bumalik ang dati niyang sigla pero hindi niya iyon pinansin at deretso paring pumasok sa loob. Sinaraduhan ako ng pinto kaya wala na akong nagawa kundi ang magpakawala na lang ng isang buntong hininga. Hindi na ako nagpumilit pang makausap pa siya at hinayaan na lang. Papalampasin ko na lang ang araw na ito at sa susunod ay alam ko na ang gagawin ko para di na maulit ang pagtatampo niya. Kailangan kong maging mahinahon para hindi siya mastress sabi nga ni Wilma. Para sa magiging anak namin ng asawa ko ay gagawin ko ang lahat para maging maayos ang pagbubuntis niya at hindi iyon makasama sa kanya. ºººEZEKIEL POV:ººº Tahimik akong lumabas ng silid ko makalipas ang dalawang oras. Iniwasan ko si Mr. Parker dahil narin sa paninita nito sa pagkain ko sana ng smapaloc sa kanya. Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot dahil hindi napagbigyan ang gusto ko. Hindi ko man sigurado ang dahilan ko ay talagang hindi ko nagustuhan iyon. Basta may kung anong nagtulak sa akin na magback out na lang kanina na hindi ko dapat ginawa. Pero may bahagi din ng utak ko na nag aalala na baka kung ano na lang ang sabihin nito na baka ginagamit kong dahilan ang pagbubuntis ko kaya pwede ko ng gawin ang gusto ko. Wala naman akong balak na ganun. Wala akong balak suwayin ang mga gusto ni Mr. Parker para sa kontrata namin. Hindi ako gagawa ng ikakalabag ng nakalagda doon. Iyon nga lang.. Pakiramdam ko ay mahihirapan ako sa pagbubuntis ko. Tulad na lang kanina. Hindi ako umaarte lang dahil totoong hindi ko nagustuhan ang amoy ng niluto nito para sa akin. Nahiya nga ako kanina dahil para ko na ring binastos ang niluto nito pero pasalamat parin ako dahil naintindihan naman nito. Iyon na ba ang simula ng paghihirap ko sa paglilihi ko dahil sa dinadala ko. Sana naman at umaasa na sana hindi ako masyadong mahirapan at makisama ang paglilihi ko. "EZ." "Ate Wilma." hindi naman ako nagulat pero naging malikot ang paningin ko. "Umalis na si Sir Drake, EZ kaya huwag ka ng mag alala." sabi nito na parang nahulaan ang nasa isip ko. "Gutom ka na ba? may niluto akong sinigang na karne ng baboy, baka gusto mong tikman. Nilagyan ko ng maraming sampalok." kuway alok nito. Pagkarinig ko ng sampalok ay talaga namang naglaway ako. Hindi naman sa asim ng sampaloc kundi sa sapar nun kahit hindi ko pa man iyon natitikman. "Sige po ate Wilma." agad kong sagot na sumunod na dito hanggang sa kusina. Kumalam agad ang sikmura ko ng maamoy ang ulam. Ipinaghanda ako ni Ate Wilmang sabay ng nilito nitong sininigang. Agad ko iyong tinikman at hindi nga ako nagkamali. Ang sarap ng pagkakatimpla nito. Naayon sa panlasa ko. "Nagustuhan mo ba?" hindi na ako nakasagot kaya tumango na lamang ako ng sunod-sunod. Nawala na ng tuluyan ang kaninang pagsama ng pakiramdam ko dahil sa ginanahan akong kumain ng sabaw ng niluto ni Ate Wilma. Hindi man purong sampalok ang kinain ko ay lasang lasa ang asim sa sabay na hinihigop ko. "Salamat ate Wilma." "Wala yon. Basta kung ano ang gusto mong kainin ay sabihan mo lang ako at ipagluluto kita o di kaya naman bibili ako kung wala dito sa bahay." Muli akong tumango. "Sige ate Wilma." ipinagpatuloy ko ang pagkain at hindi ako tumigil hanggang sa hindi ako nakontento. Ang lagay ay halos naubos ko ang sabaw ng ulam na niluto niya dahil iyon ang nilantakan kong kainin. ººº Habang nanunuod ako ng TV ay kumakain ako ng sampaloc na isinawsaw sa bagoong na may sili..  Nagpabili ako kay Ate Wilma dahil isinahog niya lahat ng sampalok kaninang umaga. Napagbigyan ang gusto kong kumain ng sariwang sampalok. "Gusto mo ate Wilma?" alok ko pa dito pero tinanggihan lang nito. Maasim daw iyon at hindi sanay sa maasim na pagkain. Pero para sa akin ay hindi naman maasim. Kulang pa nga ang asim nun at parang walang asim talaga. "Ikaw ang bahala. Uubusin ko na ito." "Sige lang EZ, kumain ka lang. Basta kung may gusto ka pang kainin ay sabihin mo na lang." "Uhm.. Okay Ate Wilma." pinagtuunan ko na lang kainin ang sampalok at hindi na muling inalok si Ate Wilma. Tahimik lang itong nakamasid sa akin at nakabantay. Kasamang nanunuod ng TV. "Ate Wilma, may nakita pala akong ube sa likuran ng bahay." Sabi ko ng maalala ko ang nakita kong ube sa likod bahay. "Bakit?" "Gusto ko iyon. Pwede mo bang ipahukay kay Sir Drake?" "Huh! Bakit kay Sir Drake pa kung pwede ko namang hukayin." Napasimangot ako. Hindi ko din alam kung bakit kay Sir Drake ko gustong ipahukay iyon. Basta iyon ang gusto ng pakiramdam ko. "Huhukayin ko para sayo." tumayo na ito. "Hindi. Ayaw ko. G-gusto ko si Sir Drake ang huhukay." pigil ko dito. Para man akong bata sa paningin nito ngayon ay may kung anong nagtutulak sa akin na si Sir Drake talaga ang gusto kong maghukay nun. "Pero..." "Hmmmp. Huwag na lang." hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagtatampo. Binitawan ko ang kinakain kong sampalok na sinabayan ng pagtayo. Hindi na ako nagsalita pa at agad na umakyat ng silid ko at nagkulong na lang duon. Kinatok man ako ni Ate Wilma ay hindi ko iyon pinansin. Masama ang loob kong ayaw pagbigyan ang gusto ko. ººº Mga katok sa labas ang nakapagpagising sa akin. Nakatulog ako sa sama ng loob na ayaw ipahukay ang ube sa likod bahay. "Zeke, it's me." boses iyon ni Sir Drake. Gusto ko man agad bumangon at pagbuksan ito ay hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ng sinubukan kong bumangon kaya nahiga ako ulit. "B-bukas yan." nilakasan ko ang sagot ko para marinig nito. Ilang sandali pa ay pumasok na nga ng tuluyan si Sir Drake na agad akong nilapitan. "Nahihilo ako." totoong sagot ko. Mabilis na umalalay ito sa akin at tinulungan pa akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. "Masama ba ang pakiramdam mo? Bukod sa nahihilo? may iba ka pa bang nararamdaman?" may kung anong pag aalala na tanong nito. Umiling ako. Napatingin pa ako kay ate Wilma na kasunod lang ni sir Drake. "Dala iyan ng pagdadalangtao niya sir. Kaya siya nahihilo." si ate Wilma ang sumagot. "Sige. Sabi sa akin ni Wilma na gusto mo ng ube sa likod bahay." Mabilis ang naging pagtugon ko. "And you want me to dig it up for you." muli akong tumango. Hindi ko man sigurado kung pagbibigyan nito ang gusto ko ay nabuhayan ako ng loob at umasa na huhukayin niya ang ube para sa akin. "Okay then. Tumayo ka na diyan at huhukayin ko ang ube para sayo. Para hindi ka magtampo. Lets go." sabi nito. Tumayo at nilahadan ako ng kamay. Napatitig ako sa kamay niyang inalok sa akin. Hindi ko man gustong tanggapin iyon dahil kaya ko namang tumayong mag isa ay parang may isip ang kamay ko at kusong umangat para tanggapin ang kamay nitong nakalahad sa akin. "Magdala ka ng panghukay, Wilma." utos nito kay Ate Wilma ng makalabas kami ng silid ko. Deretso kami sa likod bahay kung saan ko nakita ang malaking nitong ugat na pwedeng lutuin. Gusto kong lutuin iyon at ibenta. Pero malabo ng mangyari ang iniisip ko. Kung sa pagluluto siguro ay pwede opa pero kung ibebenta.. Hindi ako papayagan ni sir Drake na gawin iyon dahil nga sa kontrata namin. "Heto ba?" tanong ni sir Drake sabay turo ng umusling malaking ugat nito. Tumango ako bilang sagot. Totoong na excite ako kaya nakangiti akong tumugon dito. "Sige, wait lang at huhukayin ko iyan para sayo." sabi nito. Kinuha na kay ate Wilma ang may kalakihang itak na panghukay. Hindi na ako umimik. Pinanuod ko lang siya sa paghuhukay na halatang nahirapan. Higit sa lahat ay nakasuot pa ito ng suit dahil kararating lang yata mula sa trabaho. "Ganyan nga.. Wow." hindi ko na pinansin ang pagsisikap nitong mahukay ang malaking ube. Malaki talaga iyon at inabot pa ng halos kalahating oras para mahukay iyon ng tuluyan. Kung hindi ako magkakamali sa tantya ko ay nasa apat na kilo o lima sa laki. "Huu," hindi nakaligtas sa akin ang pagpapakawala nito ng malakas na paghinga na hindi maitatago ang pagod sa ginawa. "Salamat." sa tuwa ko ay hindi ko napigilan ang hindi mayakap ito na pareho din naming ikinabigla. Hindi ko tuloy alam kung ano ang susunod na gagawin dahil sa pagkakamali kong iyon. "Anong gagawin mo sa ubeng iyan?" tanong niya na binalewala na lang ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Saglit lamang akong napayuko saka ko hinarap ang ube. "Gusto ko lutuin. Tapos ibebenta ko." nakangiti ko ng sagot dahil sa sinabi kong iyon ay may katutuhanan na nakakapagpagaan naman ng loob ko kahit na alam kong hindi niya iyon mapagbibigyan. "Hindi mo ba gustong si Wilma ang magluto niyan sayo?" "Gusto kong ako mismo ang magluto. Hindi naman iyon mahirap, magpapatulong na lang ako kay Ate Wilma." pagpupumilit ko sa gusto ko. "Sige, pero yong sinabi mong ibebenta. Alam mong hindi ka pwedeng lumabas." "Alam ko. Kaya ikaw ang magbebenta nito sa akin." "Huh!" tila mas nagulat pa ulit sa sinabi ko. "Ate Wilma, ipasok na natin." "Sige, sir." Hindi ko na ito hinintay na nakasagot at makabawi sa kabiglaan sa sinabi ko. Basta iyon ang gusto ko. Kung hindi ako ang magbebenta, siya mismo ang magbebenta nun para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD