TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!
ºººDRAKE POV:ººº
Nakangiti akong nakatingin sa balitang nagkalat na sa ibat ibang peryodiko at mga social media. Naibalita ng buntis ang asawa ko at magkakaroon na din kami ng tagapagmana.
Madaming taong nagbigay ng mga komento sa balitang iyon dahil sa tagal daw na mag asawa kami ni Mateldi ay sa wakas ay nabuntis na din ito. Sinabi ng ilan na isa iyon himala. Magandang panimula iyon para maipamulat sa maraming tao na nakakakilala sa amin.
"Vice Chairman." ang sekretarya ko matapos kumatok ng tatlong beses bago binuksan ang pinto ng opisina ko.
"Ano iyon secretary Castro?" tanong ko dahil hindi ko naman ito ipinatawag. Itinabi ang hawak kong magazine. Umayos ng upo at hinarap ito. Pero hindi na din naman nito kailangang sagutin iyon dahil nasa likuran na nito ang papa. "Papa. Makakalabas ka na secretary Castro." Utos ko sa sekretary. Tumayo at lumapit na kay papa para salubungin ito.
Bihirang bumibisita ang papa sa akin dahil ipinagkatiwala na niyang lahat sa akin ang pangangalaga ng mga negosyo namin. At ngayon ay alam ko kung bakit ito ngayon nandito.
"Totoo ba ang mga laman ng peryodiko?" and like what I expected. Iyon ang pabungad na tanong nito sa akin matapos akong bumati dito ng yakap.
Isang pagtango at may ngiti sa mga labing sumagot ako kay papa. "Totoo lahat ng mga nababasa ngayon sa mga balita, papa."
"Paanong nangyari iyon?" may hinalang tanong pa ng papa.
Hindi muna ako sumagot. May kinuha akong papel sa drawer ko. Kompleto at planado ang lahat kaya hindi ako mag iiwan ng bakas na hindi ang asawa ko ang magdadala ng anak naming dalawa.
"Here." ipinakita ko ang resulta ng unang check up namin kay Mr. Castillo. Totoo naman iyon pero sa record ang nakapangalan ay ang asawa ko. "Hindi nagsisinungaling ang resulta na iyan papa. Walong araw pa lang ang ipinagbubuntis niya sa resultang iyan. Sa ngayon ay ika labing limang araw na niya. Babalik kami sa doctor kapag mag iisang buwan na para mabigyan na siya ng paunang bakuna."
Hindi sumagot ang papa sa mga paliwanag ko dito at kinilatis ang papel na naglalaman ng mga papel patungkol sa pagbubuntis nga ng asawa ko.
Ilang sandali din ang lumipas bago tumingin sa akin ang papa na may ngiti na sa labi.
"Akala ko ay hindi niyo na ako mabibigyan ng apo ng asawa mo. Hindi na pala kailangang may anakan kang iba para mabigyan ako ng apo."
Natigilan ako sa nasabi ng papa. Hindi ko naisip na sasabihin nito iyon. "Hindi mo ako masisising hindi iyon sabihin dahil sa tagal niyong mag asawa ay wala pa kayong anak hanggang ngayon."
"Pero magkakaroon na kami ngayon." Sagot ko dito.
"I know. Nasabi ko lang iyo dahil balak ko iyong isuggest sa iyo noon pero hindi na pala kailangang iyon. Congrats, masaya ako para sa inyo. Sa wakas magkakaapo na ako." Sa boses ng papa ay tuwang tuwa ito habang ako ay bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa mga nasabi nito.
Hindi naman malalaman ng papa kung hindi ako kikilos ng kahina-hinala. At ang dinadala ngayon ni Mr. Castillo ay ang magiging anak naming dalawa ng asawa ko.
"Salamat papa. Masaya din kami ng asawa ko, papa."
ººº
Yumakap ako kay Mateldi mula sa likuran niya. Kararatring ko lang galing ng opisina at naabutan ko siyang nakatayo sa biranda ng bahay.
"I love you, hon." bulong ko ng maibaon ko ang ilong ko sa leeg niya at pinupog duon ng halik. Humaplos naman ang kamay niya sa pisngi ako at lumingon sa akin. Siniil ko siya ng halik na agad niyang tinugon.
Napakasarap ng pakiramdam na halikan ang babaeng mahal ko at ang babaeng iyon ay ang asawa ko mismo. Hindi kailanman nagbago ang pagkasabik ko sa kanya. Hindi nagsasawang halikan siya. At nasasabik akong angkinin siya.
"Uhm."
"I love you too." tugon niya ng pakawalan ko ang labi niya. Humarap na sa akin. "Sana hindi ka magbago ang pagmamahal mo sa akin."
"Hindi mangyayari iyan, hon. I will always love you. Lalo pa ngayon at magkakaanak na tayong dalawa."
"But the child is not mine."
"Yes you are, hon. The child is ours. Tandaan mo iyan. Anak nating dalawa."
Yumakap siya sa akin ng mahigpit. Hindi ko mapigilang humugot ng malalim na paghinga. Hindi ko parin maalis sa isip niya ang pag aalala. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong nag aalala siya na magbago ang pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi iyon mangyayari. Hinding hindi ako magbabago sa kanya.
ººº
Halos araw araw na akong bumibisita kay Mr. Castillo para makasigurado na maayos lang ang kalagayan nito habang dinadala ang magiging anak namin ng asawa ko. Dinadalhan ng mga pagkain at sariwang prutas.
"Hindi ko kailangan ang mga iyan Mr. Parker." pagtanggi niya sa araw araw na pagdadala ko ng mga makakain niya.
"Hindi mo kailangan pero kailangan ng bata na malusog ka para malusog din siya. Tandaan mo na sayo nakasalalay ang kalusugan ng dinadala mo kaya dapat makisama ka." hindi ko mapigilang pagsabihan na naman ito.
Sa sinabi ko ay hindi siya nakaimik at tinanggap na lang ang binalatan kong prutas na inihanda para sa kanya. Kung pwede naman si Wilma ang gumawa ay ako na lang dahil para sa anak ko ang ginagawa kong ito. Ipaparamdam ko ang pagmamahal ko dito kahit nasa sinapupunan pa lang ito.
"S-salamat." iyon ang naging tugon niya matapos tanggapin ang prutas na ibinibigay ko sa kanya at sinimulan ng kainin.
Pinagmasdan ko ito habang kumakain. Napapatingin na din ako sa bandang tiyan niya kung saan nandoon na ang anak ko at nananahan.
Hindi ko mapigilang ngumiti at kahit na paulit ulit na ay hindi ako nagsasawang magpapasalamat dahil sa wakas ay magkakaroon na talaga ako ng anak. Anak namin ng asawa ko kahit na iba ang magdadala.
Masaya ako dahil magkakaroon na ako ng anak na bubuo sa pamilya namin ng asawa ko. Kaunting panahon na lang iyon. Ang siyam na buwan ay mabilis na lang na lilipas.;
"Sa susunod na linggo ay ang unang buwan ng pagbubuntis mo. Magpapacheck up tayo para makitang malakas ang kapit." pagpapaalala ko dito.
"Alam ko. Hindi mo na iyan kailangang ipaalala palagi sa akin." mahina mang sagot niya ay nahimigan ko na parang may pagkairitang sabi nito. Hindi ko na lang iyon pinansin.
"Mabuti na iyong napapalalalahanan ka." sabi ko na muli siyang pinagbalat ng mansanas.
"Busog na ako. Pwede ko namang kainin ang iba mamaya." pagtanggi na niya at hindi na pinansin ang binalatan ko.
"Sige. Uuwi na ako mamaya kaya huwag kang magdadalawang isip na utusan si Wilma kung gutom ka o may gusto kang kainin."
"Oo. Hindi ako magpapagutom para sa baby niyo." may patuyang sagot nito.
Nailing ako. Parang hindi siya ang nagdadalang tao sa salita niya. Pero hindi ko siya masisis din dahil nasa kontrata nga namin na hindi dapat ito maattached sa baby para hindi siya mahirapang maihiwalay dito kapag naisilang na. Dahil hindi niya magiging anak ang batang nasa sinapupunan niya.
At hindi niya dapat iyon makalimutan dahil ang karapatan niya sa dinadala niya ay naibinta na niya matapos niyang permahan ang kontrata.
ºººEZEKIELººº
Tahimik akong nakatingin sa kawalan ng makaalis na si Mr. Parker. Hindi na ito pumapalya ng isang araw na hindi dadalaw dito sa akin para alamin ang kalagayan ng bata sa sinapupunan ko. Dadalhan ng mga pagkaing hindi ko naman halos nakakain at hindi naman nauubos.
Malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Napakurap dahil humapdi na ang mata ko habang nakatingin ako sa malayo. Dinala sa kung saan ang isip ko at hindi alam ang mga gagawin para sa sarili ko na hindi ikakasama ng batang ipinagbubuntis ko.
Ng sumagi sa isip ko ang dinadala ko ay kusang kumilos ang kamay ko at dumama iyon sa tapat ng sinapupunan ko.
Wala akong ibang maramdaman maliban sa kahungkagan. Hindi ko maramdaman ang pagpitik ng puso ko sa dinadala kong bata sa sinapupunan ko.
No! Hindi ko magiging anak ang batang dinadala ko kaya hindi dapat ako makaramdam ng pagmamahal dito. Dahil kong mapapamahal ako sa batang dinadala ko ay siguradong ako din ang mahihirapan sa huli. Kaya kailangan kong patigasin ang puso mo ng hindi ako masaktan kung maisisilang ko na ang bata at kukunin na nila ito sa akin.
"Bilisan mong lumaki at lumaki ka ng malusog para hindi tayo parehong mahirapan." kausap ko dito habang nakahaplos parin ang kamay ko sa tapat ng sinapupunan ko. "At sana habang lumalaki ka ay hindi mo ako pahirapan."
Muli akong nagpakawala ng buntong hininga bago ako nagpasyang pumasok na ng silid ko. Inaantok ako na hindi ko mawari kahit na halos kagigising ko lang ng dumating si Mr. Parker.
Ito na siguro ang isa sa epekto ng pagdadalang tao ko. Ang mabilis akong antokin o laging inaantok kahit na kagigising ko lamang.
Nakakainip. Gusto ko talagang lumabas at gawin ang madalas kong ginagawa nung wala pang kontratang pumipigil sa akin. Gusto kong muling magtinda kahit na medyo mahirap at nakakapagod atleast ang paglabas ko ay hindi ako nababagot.
Namimiss ko na din ang tatay. Kahit na sinasabi sa akin ni Mr. Parker na bumubuti na ang kalagayan ng tatay ay iba din ang pagbisita ko para makita mismo ng mga mata ko na mabuti na nga ang kalagayan ng tatay.
Ngayon hanggang saan ako dadalhin ng pagdadalangtao ko. Hanggang kailan ako ganito na mabigat na halos lagi ang pakiramdam ko?
○○○
Napatingin ako sa orasan sa pader ng magising ako. Pasado dose una na ng madaling araw.
Kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi na ako nakakain kaninang hapunan dahil nabusog ako sa mga prutas na kinain ko.
Sinabihan ko kasi si Ate Wilma kanina na huwag akong gigisingin kung tulog na ako at gigising na lang kapag nagutom ako kaya naman ngayon ay nagising ako sa pagkalam ng sikmura ko.
Bumangin ako at lumabas ng silid. Dahil hating gabi na ay patay na lahat ng ilaw kaya dinala ko ang CP ko para gamitin pang ilaw at tinungo ko ang kusina.
Ang ref ang una kong nilapitan at binuksan kung may pagkain bang pwedeng initin. Inilabas ang ang mga pagkain doon at inisa isa kung ipinainit.
"Are you that hungry? You can't even turn on the light." Kung may sakit lamang ako sa puso ay baka inataki na ako sa gulat.
Muntik ko pang nabitawan ang huling ulam na ipinainit ko.
"Mr. Parker." at talaga namang nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko ito sa mga ganitong oras. At ano ang ginagawa nito dito?
"Yeah! Ako nga. Tulog ka kanina ng dumating ako."
Napaatras ako ng makita kong humakbang ito palapit. Hindi ko tuloy alam ang susunod kung gagawin dahil para akong nakagawa ng malaking kasalanan.
"Naitawag sa akin ni Wilma na hindi ka kumain ng hapunan. Kaya ka ba kakain ngayon dahil nagugutom ka na? Ayaw mo ba ng pinagsisilbihan ka?"
"Pasensya na Mr. Parker. Nahimbing lang ako sa pagkakatulog kanina at sinabihan ko si Ate Wilma na huwag akong gisingin kaya hindi ako nakapaghapunan kanina. Saka busog pa ako dahil sa dami ng prutas na kinain ko kanina at ngayon lang ako nakaramdam ng gutom." Mahabang paliwanag ko dahil iyon naman ang totoo. Maliit na bagay na hindi dapat pagsinungalingan.
"Okay! Sa susunod na gusto mong matulog at hindi naiistorbo ay kumain ka na muna. Saka magsindi ka ng ilaw kapag ganitong madilim at baka madapa ka. Tandaan mo, hindi lang ang sarili mo ang iingatan mo dahil dala mo ang magiging anak ko." tila may galit na nahimigan ko sa tuno ng pananalita nito kahit na hindi naman iyon malakas. Pinagsasabihan na naman ako dahil may pagkakamali na naman akong nagawa sa mga mata nito.
Tumango ako sabay ng pagyuko ko. Parang ayaw ko na tuloy kumain kung hindi lang ulit kumalam ang sikmura ko.
"Sabi ng doctor na may early stage ng paglilihi. Kahit na lalaki ka lang na pwedeng magbuntis ay pwede ka pa ding maglihi tulad ng mga babae. Kaya natural na lang siguro ang antukin ka palagi pero huwag gugutumin ang sarili mo dahil sa antok na iyan." mahaba haba pa nitong paliwanag na may panenermon.
"Oo." tanging naging sagot ko sa mga sinabi niya.
"Good. Sige, Maupo ka na at ako ang maghahanda ng mga kakainin mo."
"Huh! Hindi na kailangan Mr. Parker. Kaya ko." Pagtanggi ko pero wala din akong nagawa dahil kinuha na nito sa akin ang hawak kong ulam na ipinainit ko. Ipinaghila ako ng upuan kaya wala akong nagawa kundi ang maupo na lang ayon sa gusto nito.
Pero may isang tanong na nabuo sa utak ko. Bakit ito nandito ngayon gabi?
"Huwag ako ang tignan mo Mr. Castillo. Hindi ka mabubusog kung titingin ka lang sa akin." Napakurap ako at muling nayuko. "Wala ang asawa ko dahil umuwi siya sa kanila para ipagdiwang ang pagdadalang tao niya sa katauhan mo kaya ako ngayon narito? Nasagot ko na ba ang tanong mo?"
Kahit nagulat man ako dahil nabasa niya ang katanungan sa isip ko ay tumango ako.
"Ibinalita na naming buntis siya at magkakaroon na kami ng sariling anak kaya alam na ng mga taong nakakakilala sa amin na loob ng siyam na buwan ay magsisilang na siya. At mapatutuhanan ang balitang iyon kung makikisama ka sa amin. Dahil anak ko ang nasa sinapupunan mo." Muli na naman niyang paalala.
Hindi na nito kailangang sabihin iyon dahil laman na sila ng balita matapos naming malaman na buntis na nga ako.
"Alam ko. Makakaasa kang iingatan ko ang batang dinadala ko." Sagot ko na lang dito para matapos na ang paninermon at pagpapaalala nito palagi sa akin.
Napatitig naman ito sa akin. Nahimigan ba nito ang boses ko ang pagkairita? Sino ba naman kasi ang hindi maiirita kung palagi iyong ipinapaalala sa akin na para akong ulyaning matanda o parang isang musmos na bata lamang na agad na nakakalimot.
"Kumain ka na." Kuway sabi niya pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan. "Nilagyan niya ng ulam ang pinggan ko." Pinagsilbihan na naman niya ako tulad na lang ng pagbabalat niya ng prutas para sa akin
Ang ginawa ko na lang ay ang kumain at hindi na inabala ang sariling magsandok ng kakainin.
"Sa susunod na mga araw pa uuwi ang asawa ko kaya mananatili ako dito. Tamang sa pag uwi ng asawa ko ay ay ang unang buwan ng ipinagbubuntis mo."
Pagtango na lang ang tanging alam kong isagot dito. Hindi ko naman nais makipagpalitan dito ng salita kaya makikinig na lang ako habang kumakain.
"May gusto ka pa bang kainin?" Tanong nito ng halos maubos ko na ang mga ulam na ipinainit ko.
Umiling ako.
"Babalik na ako sa silid at doon na ako magpapababa ng kinain." Dagdag sagot ko na sinabayan na ng pagtayoat sinimulang iligpit ang kinainan ko.
"Maupo ka na lang. Ako na ang bahala sa mga iyan." Sabi nito na kinuha sa akin ang hawak kong pinggan.
Nakipagtagisan pa ako dito pero kalaunan ay ako din ang sumuko dahil wala itong balak bitawan ang mga iyon kaya naman hinayaan ko na lang.
Muli akong naupo. Wala akong ibang mawaga maliban sa sundan na lang ang bawat galaw niya. Panuurin ang ginagawa niya.
Napaangat ang isang kilay ko dahil ang akala ko ay ilalagay lang niya sa lalabo ang mga iyon pero kinuha nito ang panghugas at sinimulang hugasan ang mga pinagkainan ko.
Akma akong tatayo ng tama namang lumingon ito.
"Just stay still. Mabilis na lang ito Mr. Castillo." Sabi nito.
Awtomatikong bumalik ako sa pagkakaupo at muli na lang itong pinanuod sa paghuhugas. Ilang minuto din ang ginugol nito sa lababo bago ito tuluyang natapos.
"Gusto mo ba ng prutas? Ipagbabalat kita." Tanong niya ng humakbang na ito palapit sa akin habang pinupunasan ang basang kamay.
"Busog na ako." Sagot ko sabay iling. Tumayo na ako dahil wala ng dahilan para manatili akong nakaupo.
"Okay then. Bumalik ka na sa silid mo. Magpababa ka muna ng kinain bago ka mahiga."
Nagulat pa ako ng bigla niyang kapain ang tiyan ko na agad niya ding binawi.
"Sorry." Halos sabay na lumabas iyon sa bibig namin at nagkatinginan.
"Go! Bumalik ka na sa silid mo." Muli ay sabi nito.
Tumango naman ako sabay sagot ng oo. Mabilis ang naging kilos kong humakbang palabas ng kusina. Walang lingon likod akong pumanhik ng silid ko.
Ang lakas ng t***k ng dibdib ko sa gulat ko kanina. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon. Alam ko naman na nais lang nitong damahin ang baby niya sa sinapupunan ko pero masyado pang maaga para doon.Pero... kung darating ba ang araw na malaki na ang tiyan ko kaya ko bang muling madapuhan ng mga kamay niyang iyon?
Nailing ako.
Wala akong makapang sagot sa isipan ko. Sa pag iisip ko ay nakalimutan kong magpababa na ng kinain at agad akong nahiga sa kama. Yakap ang isang unan at ibinalot ang kumot sa katawan ko.