Serenity POV* I was watching him habang naglalakad kami papasok sa Academia malaki pa din kasi ang tanong na bumabagabag sa akin kung may gusto na ba siya sa akin o wala. Gusto kong malaman pero nahihiya akong pangunahan siya. Ayokong pagsisihan sa huli kung uunahan ko siya. "Why?" malamig na sabi niya. Agad akong nag iwas ng tingin at umiling. Hihintayin ko ang araw na yun... Ang araw na aamin siya sa akin at ayaw ko siyang pangunahan baka masaktan na naman ako at tuluyan na naman siyang lumayo sa akin. Napahawak ako sa kwintas ko. Tama ang kwintas ko, siya pala ang naglagay nito sa akin. "Ikaw ba ang nakakita sa kwintas ko?" tanong ko sa kanya bigla na kinatingin niya sa akin. "Hmm..." sabi niya. Siya nga pero bakit di niya binigay agad sa akin? "Saan mo nakita? Bakit di mo ibinig