Serenity POV* Dito kami pinatuloy ni Jade sa mansion nila at may isa isa din naman kaming kwarto. Maaga akong nagising para magjogging at sa loob ng subdivision lang naman nila ako tumatakbo. Nakita ko na nakasunod pala si Shin sa akin sa pagtatakbo. Nakakahiya naman kung di ako mamamansin noh. "G-Good Morning Shin." nauutal na sabi ko di ko kasi alam kung galit ba siya o hindi eh! Moody kasi parang may dalaw parate. Di ko alam kung bakit siya nag back out kahapon. Gaya ng dati tahimik pa din siya. Nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo. "Teka Serenity?" napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Nanlaki ang mata ko. "Ikaw pala yan Gab." masayang sabi ko. Siya yung Student President. "Dito ka din pala nakatira sa subdivision" nakangiting sabi niya. Agad naman akong tumango. "Ah