Serenity POV* President? Hmmm... Gwapo din naman siya. Tinulungan kong tumayo si Jade at inayos ang damit niya na gusot gusot. "Para kayong mga asong kalye sa pinaggagawa niyo." malamig na sabi nito. Nakita kong nakayuko silang lahat parang pinagalitan ng kanilang magulang dahil sa Student President nila? "Sorry po." sabay sabi ng mga Class A students. "Umalis kayo sa harapan ko." agad naman silang nagtakbuhan. Napatingin ako sa lalaking kakadating lang. "Pasensya na kayo dahil sa inasal ng mga kasamahan ko sa Class A." ramdam ko na tagos sa puso siyang humihingi ng tawad pero naiilang ako sa tingin niya. "A-ayos lang iyon." sabi ko nalang. Si Jade naman tahimik lang. Teka may pagtingin ba siya sa lalaking ito? "Ako nga pala si Gabby ako ang presidente ng Student Council." s