Tuwing araw ng Sabado ay walang pasok sa trabaho si Lara. Ang tagapag alaga naman ni Cayden na si Lileth ay pinayagan niyang umuwi muna sa kaniyang mga magulang at babalik na lamang ito kinabukasan ng hapon. Sinamantala ni Lara na makapag linis ng bahay habang ang anak ay abala sa panunuod ng telebisyon sa sariling kwarto nito. Si Draco naman ng mga sandaling iyon ay naghahanda para sa pag alis. "Farah, nagawa mo na ba ang ipinagagawa ko sa 'yo? Is my private jet ready?" Habang nasa daan at nagmamaneho ay tinawagan niya ang kaniyang assistant. "Yes sir, nasa airport na po ang eroplano ninyo at naghihintay na sa inyo," tugon ng kausap. "Did you tell them that I'm going to Hongkong and I have two companions with me?" tanong muli niya rito. "I already told the incharge regarding your

