Kaarawan ng tiyahin ni Draco na si Beatriz. May munting salo-salo sa mansyon ng mga Frio. Inimbitahan niya si Lara at Cayden na sumama sa kaniya pagpunta roon. Hindi na nakatanggi si Lara dahil gustong-gusto ni Cayden na makita ang kaniyang lolo kaya pumayag na rin siya. Isinama nila ang tagapag alaga na si Lileth para makita rin nito ang kaniyang mga magulang, sa mga Frio kasi nagtatrabaho ang mga ito. Nang maiparada ni Draco ang sasakyan sa loob ng kanilang bakuran ay agad na bumaba si Cayden, nag tatakbo ito sa loob ng bahay para hanapin ang kaniyang lolo. Simple lang ang handaan, para lamang ang mga iyon sa pamilya. Kumpleto ang mga kapatid ni Draco kasama ang mga girlfriend ng mga ito. Sa laki ng bahay ay hindi mahanap ni Cayden ang kaniyang lolo kaya ang isa sa mga kasambahay sa

