Chapter 74- Pag amin*

2236 Words

"Naku po! Diyos ko! Cloud..." malakas na sigaw ng yaya ng bata. Ito ang unang lumabas ng gate at nakita nito ang alaga na nakahandusay sa kalsada malapit sa gulong ng mamahaling sportscar, wala itong katinag-tinag sa pagkakahiga. "Cloud... baby!" bulalas ni Draco, agad nitong dinaluhan ang anak. Si Lara naman ng mga oras na iyon ay hinahanap si Cayden, ang lakas nang kaba niya. Nakita niya ang nangyari kay Cloud kaya na alarma siyang baka may nangyari ring masama sa kaniyang anak. "Si Cayden!" sigaw ni Lileth na umagaw sa atensyon nang lahat. Nakahandusay ang bata sa kabilang kalsada sa gilid ng gutter. May umaagos na dugo sa bandang ulo nito at katulad ni Cloud ay wala rin itong malay. "Cayden... anak ko!" naghihisterikal na si Lara. Nagtatakbo siya para lapitan ang kaawa-awang anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD