"Please... stop it, ayoko na!" pilit kumakawala si Draco kay Lara. "Isa na lang, sige na pagbigyan mo na 'ko," pamimilit nito sa kaniya. Piniga ang kaniyang bibig para mapilitan siyang ibuka iyon at isinubo nito sa kaniya ang pagkain na pinaka ayaw niyang kainin. "Ano, masarap naman 'di ba?" tuwang tanong nito. Ipinilig niya ang ulo nang paulit-ulit. Namumula na ang mga mata niya. Gusto na niyang idura ang nasa bibig niya ngunit hindi niya magawa dahil magagalit ang kaniyang asawa. Hindi na naman siya papansinin nito at mahihirapan na naman siyang suyuin ito. Pinipilit niyang intindihin si Lara dahil sa pinagdadaanan nito ngunit hirap siyang sundin ang mga gusto nito. Kagaya na lang ngayon na pinakain siya nito ng nilagang okra na sinasawsaw sa paborito nitong patis na pinisaan pa ng

