Ang buong akala ni Draco pagkatapos magsuka ng asawang si Lara ay titigil na ito sa pagkain ng kung ano-ano. Lumabas lang siyang saglit para makipagkita sa kanilang kliyente, pagbalik niya ay masangsang na amoy agad ang sumalubong sa kaniya pagpasok niya sa loob ng opisina. Gustong bumaliktad ng kaniyang sikmura dahil sa hindi kaiga-igayang amoy na iyon. "Ano na naman ba 'yang kinakain mo?" tanong niya sa asawa. "Ice cream, gusto mo?" sagot nito. Ang kutsara na puno ng laman ay inalok nito sa kaniya. "Huh! Anong klaseng ice cream 'yan, bakit ang baho?" reklamo niya. "Strawberry flavor. Ang bango nga eh, ano'ng mabaho ang pinagsasabi mo d'yan?" mataray na sabi ni Lara. "Ha? Kung strawberry 'yan dapat mabango. Teka nga baka expired na 'yang kinakain mo." Lumapit siya rito para sipatin a

