Matapos ang meeting na pinuntahan nila Lara at Greg ay nag aya ang binata na kumain muna sila sa labas bago bumalik ng opisina. Pinaubaya na ni Lara kay Greg ang pamimili ng restaurant na kanilang kakainan, tama namang may nadaanan silang Italian restaurant kaya doon nito itinigil ang sasakyan. Pagpasok nila sa loob ay may namataang pamilyar na tao si Greg. Nagulat pa si Lara ng bigla siyang hatakin nito at mabilis na naglakad. "Huh!Bakit ka ba nagmamadali?" nagtatakang tanong niya sa binata. Hindi naman sumagot ito. Naabutan nito ang hinahabol, tinapik nito sa balikat ang nakatalikod na lalaki at agad naman itong napalingon. Dumilim ang mukha nito ng makita si Greg. Nanlaki ang mga mata ni Lara ng mapagsino ang taong kanina pa sinusundan ni Greg. "Kuya, It's nice to see you here, ka

