Kabanata 16 – Paghahanda

1788 Words
Ayun, inabot si Melissa ng ilang araw para tingnan ang mga kompanya sa isang lugar. Hindi naman siya yung tipo na magpapasa na lang ng resume kahit saan. Syempre, pinipili din niya yung medyo gusto niyang pasukan. Melissa realized it’s kind of fun, pero kung wala siyang pera ay marahil labis siyang mag-aalala. Makakakuha kaya siya ng trabaho o hindi? She’s not exactly pressured at this point, pero nakikiramay siya sa ibang mga aplikante na nakakasabay niya. Mahirap pala talaga ang ordinaryong buhay. Makalipas ang ilang araw, sa wakas ay nakatanggap siya ng tawag at pinapapunta siya para sa isang interview. Medyo madaling makita na kakaiba siya sa ibang mga aplikante. She has this air of confidence that didn’t stem from an actual confidence in her skills or knowledge. Kalmado lang siya dahil hindi naman siya maaapektuhan kahit bumagsak siya sa interview. Mula sa isang propesyonal na pananaw, she carries herself well. Diretsahan siyang sumagot sa mga tanong. Walang paliguy-ligoy o mabubulaklak na mga salita. Hindi niya nautal dahil sa kaba. In fact, hindi siya kinakabahan. Her replies seem very honest. It was all good pero pagdating sa karanasan niya sa pagtatrabaho, iyon ang kakulangan niya. Wala siyang maibahagi patungkol doon. Ranking-wise, kahanay niya iyong mga bagong graduate. It’s a real pity. Siya mismo ay hindi umaasa nang kung anuman. Ang mga posisyon na inaplyan niya ay mga simple lamang. Napakarami ng kaniyang kakumpetensya. Bagaman wari niya ay sapat na ang kaniyang resume, hindi niya inaasahan na napakaraming tao ang nakikipagsapalaran sa parehong mga position. Iilang posisyon, maraming aplikante. Sa dami nilang iyon, tingin niya ay marami ang mas magaling sa kaniya. Ugh. She’s beginning to understand the frustration, kung bakit napakahirap makakuha ng trabaho. Baka abutin pa siya ng ilang buwan bago makapasok. Tuwing makalawa, nagpapasa siya ng kanyang resume sa iba’t ibang lugar. In between those days, umaattend siya ng interviews. Sinabihan siya ni Lily na huwag panghinaan ng loob. "Tyagaan lang yan. Makakakuha ka rin ng trabaho. Speaking of job vacancies, nagpost yung company na pinapasukan ko na hiring ito. Tiningnan ko, may mga posisyon doon na pwedeng bumagay sayo. Gusto mo bang subukan?” Natuwa si Melissa sa puntong ito, "Oh, talaga? Okay lang ba sa ‘yo na maging katrabaho ako?" "Oo naman. Malaki yung kompanya namin. Maraming departments. Maliit ang posibilidad na sa department namin ka mapunta. Isa lang yata ang kulang sa amin. Anyway, pwede tayong sabay kumain tuwing lunch break at magkwentuhan saglit.” “Okay. Sige. Saan ba ako mag-apply?” Ibinigay ni Lily ang mga impormasyon patungkol doon at itinuloy nila ang pagkukwentuhan. Sinabi niya sa kaibigan ang ilang mga bagay na dapat nitong malaman tungkol sa kompanya at kung ano ang kadalasang ginagawa nila sa opisina. “Makakatulong sayo kung ipapakita mo sa interviewer na may alam ka tungkol sa company namin. Iisipin nila na interesado ka talaga. Silipin mo yung website at pag-aralan mo rin.” Ngumuso si Melissa. Hindi talaga siya mahilig magbasa pero sinisikap niya. Mas gusto niyang manood ng mga video para mag-aral. Okay, wait. Plan. She needed to make a plan. Magandang opportunity ito. Siguradong matutulungan pa siya ni Lily kapag nakapasok na siya doon. Pinaghandaan niya iyon at sinunod ang mga bilin ng kaibigan. Tutal marami naman ang bilang na iha-hire nila, siguro naman ay mas malaki na ang posibilidad na makuha siya. At kapag nakapasok nga siya, kahiya-hiya pa rin kapag bagsak ang performance niya. Baka kutyain lang siya doon. Kailangan niyang ipakita na may alam siya at kaya niyang magtrabaho nang maayos. Wala naman siyang pakialam kung magugustuhan siya ng ibang tao o hindi, pero syempre mas mabuti na rin kung maayos ang pakikisama niya sa mga makakatrabaho niya, di ba? Nagplano siya nang mabuti. Madalas niyang tawagan si Lily para magtanong dito. Alam ng kanyang kaibigan kung ano ang mga kahinaan nya kaya hindi siya nito pinagtatawanan kahit pa simple lang ang ilan sa mga tanong niya. The following weekend, binisita niya rin si Lily para makapag-usap sila nang maayos at nagpractice din sila para sa interview. This is the most serious she got for a possible job. Lily was patient with her and even found videos online to show some of the things she couldn’t explain. “I mean, marunong ka namang gumamit ng mga office equipment, di ba? Paggamit ng computer, printer, photocopy… paano sumagot ng telepono…” “Pero bakit may gumagamit pa rin ng fax machine? Di ba may email naman na mas convenient?” Isa ito sa mga katanungan sa isip niya. Karamihan sa mga company websites na nakikita niya ay may nakalista pa ring fax number. “Hmm, actually mas convenient ang fax machine. It does the scanning and printing on its own.” Pagdadahilan ni Lily. Kahit siya, tingin niya ay mas madaling gamitin ang fax machine to transfer documents. “Hindi ko gets. Explain mo nga.” Pag-uudyok pa ni Melissa. Naghanap ng online video si Lily para ipakita sa kanya. “Nakita mo? Pagkatanggap ng tawag, may pipindutin ka lang na button tapos ipiprint na nya yung dokumento. Kung ikaw naman yung may ipapadalang papel, tatawag ka lang, hihingi ka ng fax tone habang naka-abang na yung papel na iiscan. Mas maganda kung babanggitin mo kung para kanino yung documents bago ka humingi ng fax tone. Kahit ilang pages, pwedeng iscan nyan. Maganda lang ito kapag may hard copy na talaga nung dokumentong ipapadala. Kung soft copy lang yung file, mas angkop ang email. Isipin mo. Hard copy yan. Iscan mo para maging soft copy. Isesend mo sa email. Bubuksan nung recipient. Kapag kailangan nya ng hard copy, ipiprint pa nya yan. Oh, di ba? Mas hassle. So, kung hard copy ang meron ka, at hard copy yung kailangan sa kabilang linya, mas magandang gamitin itong fax machine.” “Oh, okay. Naiintindihan ko na. Mukha kasing makaluma, di ba? Kaya nagtataka lang ako. Salamat sa pagpapaliwanag. Gets ko na. Ano pang ibang ginagamit niyo sa office?” “Well, normally, bibigyan ka naman ng tasks. Huwag kang mag-alala, may training naman yun. Ipapakita sa inyo kung ano yung karaniwan niyong gagawin doon. Kapag may hindi ka maintindihan, pwede mo namang tanungin yung trainer nyo. Maging magalang ka lang. Pwede ka ring magtanong sa co-workers mo. Huwag ka lang mang-iinis ng ibang tao.” “Hoy, friendly naman ako ah.” Pagrereklamo ni Mel. Nginitian siya ni Lily, “Ewan ko sa’yo. Nasanay kasi akong makitang selective ka. Pagdating sa trabaho, hindi pwede ang ganoon. Kahit hindi mo gusto ang ugali ng kasamahan mo sa trabaho, huwag kang mang-aaway. Makisama ka na lang.” “Oo na. Alam ko na yan. Promise.” Mukha kasing ayaw nitong maniwala sa kaniya kaya nangako pa siya. “Saka pala, pag nagpunta ka sa interview at tinanong ka kung paano mo nalaman yung tungkol sa vacancy, huwag mong babanggitin ang pangalan ko, ha? Nagmamakaawa ako sa ‘yo.” Sabi nito sa pabirong tinig, pero sa loob niya ay seryoso ang hiling na iyon. Ngumisi si Melissa sabay kindat sa kaniya. “I can’t promise anything.” Inirapan siya ni Lily. Patuloy pa siyang nagtanong. Lily discussed punctuality and confidentiality among other things. Since walang experience si Melissa, bago sa kaniyang pandinig ang mga iyon. Nung nasa college pa sila, nakita niya na nagka-clock in for work and clock out after work ang mga empleyado doon. “May government identification numbers ka naman na, di ba? Hihingin sa ‘yo yun kapag natanggap ka na, tapos papapirmahin ka ng kontrata. Basahin mong mabuti. Kapag nakapirma ka na, bibigyan ka ng date kung kailan ka pwedeng magsimula. Ireregister ka sa biometric system para sa attendance. Kaya huwag mong kakalimutan na mag-clock in at clock out. Kapag nakalimot ka, baka may makita kang deductions sa sweldo mo. Speaking of deductions…” Lily went on to tell her about payroll and taxes. Then, it shifted to leave credits and leave application. “Hindi pwedeng basta-basta ka na lang aabsent. Kailangan mag-file ka ng leave application. Kung aabsent ka dahil nagkasakit ka, magpaalam ka sa immediate boss mo. Magtext ka o magsend ng email. Pagbalik mo sa trabaho, mag-file ka agad ng sick leave. At kung sakaling hindi mo na gustong magpatuloy sa pagtatrabaho, kailangan mong mag-resign ng maayos. Magsa-submit ka ng resignation letter. May ilang kumpanya, effective immediately ang resignation. Yung iba naman, kailangan ng two-week notice, o di kaya ay 30-day notice. Sa amin, 30 days. Ibig sabihin, kapag magreresign ka ngayong araw, papasok ka pa rin sa susunod na buwan. Palugit iyon sa kumpanya para makakuha sila ng papalit sayo. Nakasimangot na si Melissa sa puntong iyon. “Kapag ayaw ko na, papasok pa rin ako ng isang buwan? Tama ba ang pagkaunawa ko?” “Oo, ganoon nga. Pero nabanggit ko naman kanina, depende sa company. Saka minsan depende din sa position.” Natigilan si Melissa. Kung ganoon ang sitwasyon, tatlo o apat na kumpanya lang ang masusubukan niya sa anim na buwang ibinigay sa kanya ni Klyde. “Employment is a kind of commitment. Kaya nga may kontrata. Bago ka pumirma, siguraduhin mong kakayanin mong magtrabaho. Isa ‘to sa mga dahilan kung bakit importanteng iresearch din ng applicants ang tungkol sa isang kumpanya bago mag-apply ng trabaho. Kung may tanong sila regarding the culture and management of the company, pwede naman nilang itanong during the interview. Para alam din nila kung anong klaseng environment ang papasukin nila. Hindi lang dun tiningnan kung qualified kang magtrabaho for the company, dapat tiyakin mo rin na gugustuhin mong magtrabaho para sa kumpanyang iyon. Kung sa tingin mo ay hindi mo gusto, huwag ka na lang tumuloy. Yung iba nagtatanong, bakit marami kayong vacancies? Anong dahilan? Toxic ba ang workplace? Or is it something understandable? Work load ba ang problema? Madalas bang mag-overtime? Kulang ang compensation and benefits? Mga ganun.” Medyo natulala si Melissa sa dami nang impormasyong narinig niya. Ang dami namang pasikot-sikot. Napaka-complicated. “Hindi ka ba nakinig noong nasa kolehiyo pa tayo? Tinuro ‘to sa atin, hoy!” Paalala ni Lily. Napangiwi si Melissa, “Well, makakalimutin kasi ako. Baka nakining naman ako, nakalimutan ko lang. Saka baka hindi ako interesado nung mga panahong yun. Di ko maiimagine yang mga ganyang bagay, paano ko maa-appreciate? Wala pa naman tayong trabaho noon, kaya hindi tayo maka-relate.” Huminga ng malalim si Lily. Iba talaga ang focus ni Mel. “Well, at least interesado ka na ngayon. Basta... hindi ka na pwedeng maging ganyan. Kapag nagsimula ka nang magtrabaho, pay more attention. Gustuhin mo man o hindi, obligado kang ayusin ang trabaho mo." "Naiintindihan ko." Saad ni Melissa. Napaawang ang labi ni Lily. Umaasa siyang totoo ang sagot na iyon. /stary/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD