Kabanata 17 – Unang Trabaho

1481 Words
Maraming paghahanda ang ginawa ni Melissa. Nagresearch siya patungkol sa kumpanya. Gayunpaman, hindi niya masisigurado kung anong klaseng mga empleyado ang makakasalamuha niya kapag natanggap siya roon. Kung nagawa ni Lily na magtagal doon sa loob ng mahigit isang taon, marahil ay kakayanin din niya. For some reason, nakaramdam siya ng kaba nang ipasa na niya ang kanyang resume. Sinubukan niyang ibalik ang atensyon sa ibang bagay habang naghihintay ng tawag, ngunit nag-aalala pa rin siya. "What’s gotten into you?" Isang gabi ay tinanong siya ni Klyde. May tinatrabaho siyang dokumento sa kaniyang study nang nagpakita si Melissa roon. Kita niya na parang hindi ito mapakali at mukhang may inaalalang hindi maganda. Sinubukan niyang magbasa na lamang ng libro pero hindi siya makapag-focus. Ilang beses rin siyang bumuntung-hininga, na ikinakunot-noo ni Klyde. "What do you mean?" Tanong niya pabalik. “You look out of it. Mukhang nababalisa ka na ewan." Bagama't hindi pa sila masyadong matagal na magkakilala, masasabi niyang kakaiba ang ikinikilos nito sa pagkakataong iyon. Kinagat ni Mel ang sariling labi, nag-iisip kung sasabihin ba niya kay Klyde o hindi. Well, letting it out helps, right? Mailabas man lang niya ang kaniyang saloobin at alalahanin. “May inapplyan akong kumpanya na gusto kong pagtrabahunan. Nandun kasi yung kaibigan ko, so I think it would be good. I’m waiting for their phone call. Ilang araw na din mula nung nagpasa ako ng resume.” Napataas naman ng kilay ang binata. "At bakit ka naman kinakabahan?" Inirapan niya ito dahil sa tanong na iyon. “Gusto kong makapasok, pero natatakot ako na baka hindi ako matanggap. Marami na akong napuntahang interviews nitong mga nakaraang linggo pero ni isa ay walang nag-hire sa akin. Nag-aalala ako na baka ganoon din ang mangyari dito.” Ngumisi ang lalaki. Natutuwa siyang marinig ang pag-aalala nito. Unang beses na nangyari iyon. Karaniwan ay may pagka-arogante ito kapag nagsasalita. “So, ngayon ay alam mo na kung gaano kahirap para sa mga ordinaryong tao ang maghanap ng ikabubuhay?” Inirapan siya ni Melissa, “Alam ko naman na yan.” “Dapat maging aware ka sa sarili mong kakayahan. Ilang linggo ka na bang naghahanap ng trabaho? In all that time, hindi mo ba naisip na pagbutihin ang sarili mo? You lack experience, so you should get some. You have two companies at your disposal." Nagtaas siya ng kilay this time, “Dalawa? Hindi ko alam na dalawang kumpanya ang iniwan ng tatay ko sa pangangalaga mo?" Kumibot ang labi ni Klyde. This brat. "Kumpanya ko ang tinutukoy ko. Dahil pareho kong pinapatakbo, maaari kang mag-intern kahit alin sa dalawa." Well, wow. "Intern talaga? Kailangan ko ng trabaho, hindi internship." "Pero mababa ang tyansa mo na makakuha ng trabaho kung wala kang masyadong experience. Nag-aaksaya ka ng oras. Kung nag-internship ka at nag-ipon ng karanasan, malamang na mas madali kang matatanggap sa trabaho." Sinamaan siya ng tingin ni Melissa. "Kung hindi ako matatanggap sa kumpanyang ito, makikinig ako sa iyo." Anyway, tiniyak sa kaniya ni Lily na ang kumpanyang iyon ay nagbibigay ng pagkakataon kahit sa mga fresh graduate na walang karanasan. Nangako si Melissa na pagbubutihin niya sa interview. "Kapag natanggap ako roon, magkakaroon na din ako ng work experience doon. Makakatulong na yun kapag naghanap ulit ako ng trabaho in the future.” “If you get hired…” Pag-uulit ni Klyde, mukhang wala itong tiwala na matatanggap nga siya. “Parang gusto mong makipagpustahan ha? Anong gusto mong mangyari kapag hindi ako ma-hire?” Natigil saglit si Klyde sa ginagawa at tinitigan ang dalaga, “Be an intern at my company.” Well, hindi na masama. Bayad din naman ang mga interns sa kumpanyang kagaya ng kay Klyde. Mukhang hindi naman siya niloloko nito. Hindi siya sumagot at tinitigan lang ang lalaki. May kakaiba siyang nararamdaman sa dibdib niya. Napakunot-noo siya ngunit bumalik na sa ginagawa nito ang lalaki. Nang matapos si Klyde sa trabaho ay kinaladkad niya ang babae patungo sa kanyang kwarto upang muling magpasarap sa pamamagitan ng kanilang mga katawan. Dahil sa itinakdang limitasyon ni Melissa, hindi siya masyadong napagod noong gabing iyon. Medyo sanay na rin siya dahil madalas nila itong ginagawa. Nagagawa na niyang gumising ng maaga kinabukasan. For some reason, she’s weirded out by the fact that he’s her longest bed partner. Hindi pa siya nagsasawa rito. Napakagaling naman talaga nito sa kama and he could spice things up when needed. Siguro ay dapat inasahan niya na rin iyon dahil may kontrata naman sila. Kung wala silang kasunduan, marahil ay hindi naman sila magtatagal ng ganito. Napangiwi siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapapayag si Klyde na itatali niya ito sa kama kagaya ng ginawa nito sa kaniya noon. Kinabukasan, napangisi siya matapos sagutin ang isang tawag. She’s scheduled for an interview in the afternoon, if she could make it, sabi nila. Syempre naman! Tiniyak niya sa kanila na makakarating siya para sa interview. Maraming damit si Melissa, kaya marami siyang pagpipilian. Elegante, casual, semi-formal… she has it all. Matapos ang mahaba-habang konsiderasyon ay piniling magsuot ng isang white collared long-sleeved blouse, office skirt at black shoes na mababa lang ang takong. Itinali niya rin ang kaniyang mahabang buhok para hindi ito makalat tingnan. Mas higit pa ang oras na ginugol niya para doon. Inabot siya ng kalahating oras bago masiyahan sa naging resulta. Matapos yun ay nag-apply din siya ng light make-up. Hindi siya naglakas-loob na magmaneho. Kinakabahan siya at medyo nanginginig ang mga kamay niya. Nagpahatid siya sa driver ni Klyde. Ang interview ay halos kapareho lang ng iba pang nadaluhan na niya. Halos pare-pareho ang mga tanong na ibinibigay at dahil nakarami na siya, pulido na ang mga sagot niya. Dahil doon, mas kampante siya na mahusay ang naging performance niya. Sana ay isa siya sa mga mapili. Please, let her in. Muntik na niyang sabihin doon sa nag-iinterview sa kaniya. Gayunpaman, nakita naman nito na seryoso siya at malaki ang kagustuhan niya na magtrabaho para sa kanilang kumpanya. Mabuting katangian iyon. Kakaiba siya sa karamihan ng mga aplikante. She’s eager, but not desperate. She’s nervous, but also excited. She left a good impression in her own unique way. Nang matapos ang interview, nagpadala siya ng maraming text messages kay Lily. Hindi ito nagrereply sa kaniya kaya naman paulit-ulit niyang inisend ang parehong mensahe. "Gaano katagal bago ko malaman kung tanggap ako o hindi?" Iniwan ni Lily ang kanyang phone sa loob ng kanyang bag, na nakatago sa ilalim ng kaniyang office desk. Dahil oras ng trabaho ay hindi niya iyon madalas tingnan. Nagpunta rin siya sa opisina ng kaniyang boss para ikonsulta ang isang report na pinapagawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang cubicle ay saka pa lamang niya tiningnan ang kaniyang phone. Napangiwi siya sa dami ng text messages mula sa kaibigan. Really, Mel? “Hintayin mo sa loob ng isang linggo. Grabe ka naman makapag-text. Tama na yung isa lang. May tinatrabaho ako kanina kaya hindi ko agad nakita. Hoy, ipapaalala ko sa ‘yo. Kapag nagtatrabaho ka na, hindi pwedeng nakababad ka sa phone mo. Itatago mo yan sa bag mo at sisilipin mo lang kapag bakante ka. Magsanay ka na.” Mahabang litanya ni Lily nang tawagan niya ang kaibigan during her short break. “Mamaya na tayo magkwentuhan, may pinapagawa pa sa akin si boss, okay? Tawagan kita ulit mamayang gabi. Bye.” Ibinalik ni Lily ang kanyang phone sa bag bago sinimulang irevise ang kaniyang report. Napaawang ang labi niya sa dami ng pulang notes na naroon. As for Melissa, nasa isang café siya nang sumagot ang kaibigan. Kumunot ang noo niya sa ibinigay nitong payo. Hindi naman siya adik sa paggamit ng kanyang phone. Nagkataong excited lang talaga siya matapos ang kaniyang interview. Karaniwan niya lang iyong ginagamit kapag manonood ng video sa internet. Pero sige, kokontrolin niya ang sarili. Mahirap nang mapagalitan sa trabaho dahil nahuling nakababad sa phone. Sinubukan niyang mag-relax pagkatapos noon. Anyway, may direksyon na siya. Kung hindi siya matatanggap ay mag-iintern siya kay Klyde. Makalipas ang dalawang araw, marahil ay dahil sa mass hiring ang kumpanya, she actually received a call congratulating her for getting a spot and offering her a job. Agad niyang tinanggap iyon at tinanong kung kailan siya maaaring magsimula. Pinapapasok siya mula Lunes. Masaya siyang napasigaw sa kalye at may mga taong napatingin sa kanya, akala siguro’y baliw siya. Napasayaw rin siya ng kunti dahil sa labis na kagalakan. May trabaho na siya! Nagawa niyang makakuha ng trabaho! She’s hired! Labis ang tuwa niya dahil doon. Natukso siyang tawagan si Lily, ngunit naalala niyang nasa trabaho pa rin ang kanyang kaibigan. Hindi magandang i-distract ito para sa ganitong bagay. Nagpadala na lamang siya ng maikling text message at hiniling na tawagan siya kapag bakante na ito. It’s not much of an achievement but she really wants to celebrate. Uy, unang trabaho niya ito, aba! /stary/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD