Kinabukasan, inabangan ni Lily si Cedrik. Nang makita niya ito malapit sa elevators, agad niya itong nilapitan. For some reason, nagtataka siya na hindi pa niya nakikita man lang ang kakambal nito. Gayunpaman, sigurado siyang si Cedrik ang kaharap niya ngayon. Hindi iyong manloloko.
Pamilyar na siya sa kilos at ekspresyon ng mukha nito.
“Hi.” Dali-dali niya itong binati.
Bahagya itong nagulat ng makita siya.
“Uh, hi.” Nag-aalangan nitong sagot at halata sa mukha nito na hindi nito inaasahan ang paglapit niya.
Napansin niyang hinawakan nito ang tungki ng ilong at mas nakasigurado siya dahil doon. Nabanggit nito dati na nagsusuot siya ng salamin sa mata kapag nasa bahay lang.
"I'm sorry about yesterday. It was a misunderstanding." Diretso niyang sabi at agad na humingi ng tawad.
Nakakunot ang noo nito nang tuluyang tumingin sa kanya, tila humihingi ng paliwanag.
“Na-encounter ng kaibigan ko yung... uh, kakambal mo at akala niya ay ikaw yun. I mean, duda ako na ikaw yung tinutukoy niya pero nang ipakita ko sa kaniya yung litrato mo, kinumpirma niya na ikaw nga yun. Hindi ko naman alam na may kakambal ka pala. Ano, nambababae daw kasi yung isa pang Cedric, eh magkamukha kasi kayo. Ayun, sorry sa inasta ko kahapon."
Bakit ang dami niyang sinabi? Natatakot lang siya na hindi ito makinig sa kaniya. Or worse, magalit ito sa kaniya.
"I’m sorry." Pag-uulit niya nang hindi ito agad nagsalita.
Maraming tao ang nakapaligid sa kanila, pawang naghihintay makasakay ng elevator papunta sa kani-kanilang mga palapag. Nakapila sila at hindi pa sila ang susunod.
Tumikhim ito bago nagsalita. “Hindi ako malapit sa kakambal ko, dahil na rin sa magkaiba kami. Alam kong dito rin siya nagtatrabaho. Nakikita ko siya minsan pero hindi kami nag-uusap.”
“Ganun ba? Sabi ng kaibigan ko, mabait naman siya noong una, kaso malapit pala siya sa maraming babae. Narinig lang niya na may ilan itong nililigawan at mukhang nabanggit ang pangalan ko na isa sa mga iyon. Akala niya ay ako nga kaya sinabi nya sa akin para mag-ingat din ako.”
Napangiwi si Cedrik, “Yeah, he’s been like that. Hindi mo pa siya nakakasalamuha?”
"Hindi pa. Yung kaibigan ko lang.”
“Mabuti naman. Kapag nakita mo siya, layuan mo agad. Don’t be friendly with him. He can be really charming. Marami na siyang babaeng pinaiyak at sinaktan.” He sounded envious and resentful. May habit ang kakambal niya na agawin ang mga nagiging girlfriend niya. Isa yun sa mga dahilan kung bakit naging malayo sila sa isa’t isa. He doesn’t want to have anything to do with that guy. Mabuti na rin na hindi sila nagkikita sa laki ng building na pinagtatrabahuhan nila. Ngayon, pakiramdam niya ay maaari silang magkita anumang oras.
"Bakit kasi magkapareho kayo ng pangalan na ginagamit? May second name ka naman, di ba? Bakit hindi yun ang gamitin mo?” Curious na tanong ni Lily. Hindi niya iyon makita sa social media accounts nito.
He grimaced before lightly shaking his head.
“Hindi mo ba sasabihin sa akin? Gusto kong malaman. Parang ayaw kitang tawaging Cedrik ngayon.”
“Tatawagin mo ako gamit ang second name ko?”
"Why not? Para hindi rin malito ang mga tao sa inyong dalawa.” Nagsisimula na silang mag-usap tulad ng dati. Ganito nila nagustuhan ang isa't isa. Medyo komportable silang kausapin ang isa't isa.
“Malvar.” Inamin niya rin dito ang bagay na iyon at bahagya siyang natawa sa reaksyon nito.
“Masyadong makaluma, di ba?” Dagdag pa niya, nauunawaan ang nasa isip ng dalaga sa mga sandaling iyon.
"Pwede ba kitang tawagin na Malvar?" Dahan-dahan niyang tanong habang papasakay na sila sa elevator. Buti na lang at sabay silang nakapasok. Hindi siya pamilyar sa ibang kasama nila.
Umiling ulit ang binata. He really doesn’t like it.
"Eh, pet name? Anong pwede kong itawag sayo? Mal?" She thought she’s being brilliant with it, pero umiling muli ang binata.
Tinitigan siya nito habang nakangiti. Natutuwa siya na bumalik na sila sa dati. His feelings yesterday were complicated.
Lily inwardly sighed. So, ano? Cedrik pa rin? In a way, maganda nga naman kasi ang Cedrik. Doon na rin siya nasanay.
“Uhm, can I treat you to a meal? Available ka ba mamaya? After work?"
Hindi inaasahan ni Cedrik ang sunod-sunod niyang mga tanong. Hindi siya agad nakasagot. Naghintay si Lily at nang tumigil ang elevator sa floor na pinatatrabahuhan niya, lumabas din ang binata kasama siya.
“Mamaya? Paglabas natin sa trabaho?”
“Yeah. Treat it as my apology. Hindi dapat kita hinusgahan. Hindi dapat ako nag-isip ng masama, lalo na’t mabait naman ang pakikitungo mo sa ‘kin.” She’s really apologetic, but at the same time, she’s taking the initiative. Kung hihintayin niya ang lalaki na magyayang lumabas kasama siya ay baka abutin pa iyon ng ilang buwan.
"Hindi ako sigurado, baka kasi mamaya ay mag-overtime na naman kami. Depende kasi kung may kailangan kaming ayusin kaagad.” Sagot nito, bagama’t kita niya na nanghihinayang din itong hindi maka-oo.
“Should we exchange numbers, then? Itext mo sa ‘kin mamaya kung matutuloy tayo o hindi.” Biglang naalala ni Lily na wala pa pala siyang number nito.
Kakaibang saya ang nararamdaman ni Cedrik noong mga sandaling iyon. This progression is way too fast to be comfortable. Still, masaya siya sa mga nangyayari. He would have her number. They may be going out later. Mas magiging malapit sila sa isa’t isa dahil dito.
Pagkatapos nilang magpalitan ng numero ay bumaba na si Cedrik gamit ang hagdan.
Nakangiti na si Lily habang tinatahak ang daan patungo sa kaniyang cubicle. May nagtaas ng kilay ng makita siya at kinindatan niya lang ito. Oras na para magtrabaho. Mamaya na lang ang tsismis.
Pagdating ng Sabado, may dumating na hindi inaasahang bisita sa bahay ni Klyde. Nasa isang business trip ang binata at sa kasunod na araw pa ang balik nito. Kusang hinarap ni Melissa ang bisita.
Ipinakilala nito ang sarili bilang lolo ni Klyde, Enrico ang kaniyang pangalan. Nandito siya para bumisita, ngunit hindi niya alam ang schedule ng kanyang apo.
“Ikaw ba ang girlfriend niya?” Sumingkit ang mga mata ng nakatatandang lalaki habang nakaupo sila sa sala. Mukhang sinisipat siya.
Halos masamid si Melissa habang umiinom ng kape. Maaga pa ang araw.
"Naku, hindi po. Ah, magkaibigan lang kami. Sort of." Sagot niya sabay kaway dito. Please, paano nito naisip na girlfriend siya ni Klyde?
“Ano nga ulit ang pangalan mo?”
"Melissa, sir."
Kumunot ang noo ng lalaki. His expression showed disapproval.
"You’re not one of those friends with benefits, are you?"
Sa pagkakataong iyon, talagang napa-ubo siya, halos mabulunan ng husto. The damn liquid went down the other way. Paano niya ito sasagutin?
Tumitig siya dito ng ilang segundo, bago napagdesisyunang maging matapat.
“Well, uh, yeah. Parang ganoon na nga po.” Hindi siya yung tipong mapagpanggap. No way is she gonna pretend to be Klyde's girlfriend. Baka mas lalo siyang malagay sa gulo kung gagawin niya iyon.
Huminga ng malalim si Enrico habang minamasahe ang kanyang sentido. Hindi niya inaasahang aamin ang babae.
"Pero bakit ka nandito? Kilala ko si Klyde. He wouldn’t want anyone in his personal space.” Ito ang dahilan kung bakit siya nag-assume na girlfriend ito ng kaniyang apo. He wouldn’t allow anyone to live in his house.
“Oh, nakikitira lang ako dito pansamantala. Mga ilang buwan lang." Walang balak si Melissa na iwasan ang mga tanong nito. Mahilig siyang makipagkwentuhan, depende sa sa kakwentuhan.
"That’s hard to believe. He let you?" Hindi pa rin ito makapaniwala sa sinabi niya.
“Yes. You’re right, though. I don’t think he likes it. Baka napilitan lang siya.” Sa halip na bigyan siya nito ng perang pang-upa ay pinatira na lang siya nito dito.
Her statement puzzled the old man. Habang nakakunot ang noo, ang tanging naiisip lang nito ay kung paanong iba ang pakikitungo ng kanyang apo sa dalaga. This might be an opportunity.
“Ayaw mo bang maging girlfriend ng apo ko? He’s very eligible. I’ve been convincing him to get married and settle down, pero wala man lang siyang girlfriend. Ikaw ang unang pinayagan niyang tumira dito. That’s something."
Napaawang ang labi ni Mel. "Oh, no. Don’t misunderstand. This setup is just for convenience.”
Muli niyang tinitigan ang dalaga, “Wala ka bang gusto kay Klyde? Alam kong maraming babae ang gustong makasal sa kaniya. Hindi nga lang siya interesado kahit kanino.”
He muttered the last part, which made her lip curve upwards.
“Oh, I’m sure that’s the case. Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya, pero masasabi kong hindi nga siya interesado sa kahit na sinong babae sa ngayon."
Bahagyang lumipat sa gilid ng upuan ang matanda, palapit sa kaniya. Animo’y may sasabihin itong hindi maaaring marinig ng kung sino-sino lamang.
“Sabihin mo, ayaw mo ba sa apo ko? Kung pera ang pag-uusapan, napaka-yaman niya. Kung ugali naman, siguro naman ay tolerable siya. Hindi ko siya pinalaking walang galang sa ibang tao. How about this? Kung magagawa mong makasal sa kaniya, bibigyan kita ng mana. Wait, no. That’s not right. Baka mamaya ay ipagdasal mo nang mamatay na ‘ko. Iba na lang. Bibigyan kita ng malaking halaga oras na makasal kayong dalawa. Mayaman din naman ako at marami akong pera. How about half a billion? Sapat na ba yun?” Actually, kaya niya namang mag-alok ng isang bilyon. Binabaan lang niya para sakaling makipag-negosasyon ang dalaga ay maiitaas pa niya ang kaniyang alok. Anyway, Klyde would most likely require a prenup agreement, kaya hindi magugustuhan ng isang babae na magpakasal dito, lalo na kung pera talaga ang habol nito.
"Uhm..." Natahimik si Melissa sa mga sinabi nito. This man is practically selling his grandson.
"Hindi ka ba mag-iingat sa mga gold digger? Bibigyan mo ako ng ganoon kalaking pera? Hindi ka ba natatakot na hihiwalayan ko rin siya pagkatapos ang ilang buwan o taon? Do you normally ask women this question?" Marami siyang katanungan. Mukhang kakaibang mag-isip ang lolo ni Klyde.
"Ni hindi mo alam kung sino ako." Dagdag niya habang nagmumuni-muni pa rin ang lalaki.
Enrico waved his hand to dismiss her concerns. “Hindi mahalaga kung sino ka. Sigurado akong na-check na ni Klyde ang background mo. Hindi siya makikipag-ugnayan sa sinumang hindi niya mapagkakatiwalaan. Saka mayroon din akong karagdagang mga kondisyon. Kailangan mo akong bigyan ng apo sa tuhod. Yun ang talagang pakay ko. Maaari mo siyang hiwalayan pagkatapos mong manganak, kung talagang ayaw mo sa kaniya."
Well, s**t. Nanlaki ang mga mata ni Mel dahil hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. Is this old man for real? Muli siyang naubo. Wala itong pakialam kahit maghiwalay sila?
“Kung gayon lang din naman, ano pa ang silbi ng pagpapakasal?”
“Hmm, I would like the child to be born knowing his parents were at least married when they had him. Yun lang. Pero syempre, mas gugustuhin ko kung magkakasundo kayo ni Klyde at hindi kayo maghihiwalay.” Nagkibit balikat ang matanda. Ang kanyang mga naiisip ay talagang kakaiba.
When she thinks about it, walang masyadong alam si Melissa tungkol sa mga magulang ni Klyde. Hiwalay ba sila? Buhay pa ba sila? Gusto niya sanang itanong sa matandang kaharap niya.
“Hiwalay ang mga magulang ni Klyde. Iniwan sila ng kaniyang ina at hindi na namin alam kung saan ito nagpunta. I don’t think she’s in contact with anyone we know. Nawala na lang siya, dala ang kalahati ng mga ari-arian ng anak ko. My son died in an accident a few years after that.”
Mel showed a lopsided smile. Walang pre-nup, ha?
“Mayaman ang anak ko kaya kaya niyang ipagpatuloy ang marangyang pamumuhay na nakasanayan niya. Gayunpaman, malaking halaga pa rin ang nakuha ng babaeng iyon. Ni hindi man lang nito inasikaso ang anak niya."
"So, kung hihiwalayan ko ang apo mo, kailangan ko bang tumulad sa kanya? Mawawala na lang na parang bula?"
"Syempre hindi. Wala ka bang puso? Hahayaan mo bang maranasan ng anak niya ang naranasan na niya? Hindi mo ba nanaising aalagaan ang sarili mong anak?" It was his turn to have a disbeliving look, mixed with a little disgust.
"No. Of course not. Hindi ko gagawin iyon." Ano ba, bakit parang napansin niyang may mali sa usapang ito?
/stary/