Kinaumagahan, hindi alam ni Melissa kung dapat ba siyang magalit sa sarili niya o sa binata. Hinayaan niya itong magpatuloy kagabi, so that’s on her. Pero kahit na, masyado na siyang pagod para pigilan ito at makipagtalo. She glared at him and began to hit his arm and exposed chest. Masyado siyang mahina kumpara sa lalaki kaya sigurado siyang hindi naman ito masyadong masasaktan. She hit him wherever.
“What the…?” Ikinagulat ni Klyde ang paggising sa ganitong paraan and he rolled off the bed to avoid getting hit.
"Anong problema mo?" He snapped and returned her glare.
“What happened to stopping at three? Dahil lang sa hindi kita pinigilan, kailangan mo ba talagang ituloy? Ikaw! Hindi mo pwedeng gawin palagi ‘yun. Titigil tayo sa tatlo, kahit anong mangyari.”
"Oh, come on. Nagrereklamo ka ngayon? Nag-enjoy ka rin naman." Hindi ito basta basta sumang-ayon sa kanya.
“May mga gabing inaakit mo ‘ko para magpatuloy. Bakit kapag ako ang gumawa, kasalanan ko at hindi pwede?" Dagdag niya agad.
Ah, yes. Ngayon lang niya narealize that he could also be this irritating. Sa inis niya ay pinulot niya ang mga unan at ibinato sa lalaki. Pointless, she knew. It doesn’t hurt the man.
Napaiwas ng tingin si Klyde nang tumayo siya. Pareho silang hubo't hubad at kung gusto niyang angkinin muli ang babae, kailangan niyang maghintay sa pagsapit ng gabi. Umiling siya at mabilis na tinungo ang banyo para maligo. Mel grimaced as she picked up the blanket. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng kanyang damit at naglakad na papunta sa sarili niyang kwarto. Hopefully, may maid na magliligpit noon at ibabalik sa niya pagkatapos labhan.
Pumasok siya sa trabaho na parang walang nangyari.
Pagdating ni Lily sa opisina ay hindi niya agad pinansin ang lalaking inakala niyang matino.
"Magandang umaga." Hindi man pinansin, magalang pa rin ang pagbati sa kanya ng lalaki.
Pero hindi na siya magpapaloko dito. Umakto si Lily na parang walang nakikita, na ipinagtaka naman ng binata.
Hindi siya komportable dahil doon. He thought they were on good terms and amicable to each other. Hindi pa ba sila maituturing na magkaibigan? He may not have asked her out directly, but he thought he already hinted it a few times before. Hindi pa ba siya obvious? Maraming beses na nilang nakasalamuha ang isa’t isa at masasabi niyang mukhang interesado din naman sa kaniya ang babae. Kung kailan may lakas na siya ng loob para yayain itong mag-date ay saka naman naging ganito ang pakikitungo nito sa kaniya. May nagawa ba siyang mali? Galit ba ito sa kaniya? Bakit hindi siya nito pinapansin?
"May problema ba?" Lumapit siya kay Lily at nagtanong sa mahinang boses. Karaniwan siyang nahihiya sa ibang tao, ngunit dahil sa pagtatrabaho niya dito ng ilang buwan ay naging komportable na din siyang makipag-usap sa mga ito. He fidgeted, which she noticed. Tinitigan siya nito ngunit nanatiling tikom ang bibig.
“Lily?” Nakatayo lang siya doon habang sinisimulan na ng babae ang kanyang trabaho. Tumingin siya sa paligid at may ilan na curious na nakatingin sa direksyon nila.
“May nagawa ba akong mali? Galit ka ba?" It’s the vibes he’s getting from her. Hindi naman siya manhid.
“I think mas maganda kung hindi mo na ‘ko lalapitan. Magtrabaho na lang tayo. Kausapin mo lang ako if it’s about work. Kung hindi, huwag na lang nating pansinin ang isa't isa." Lily still had to tell him this. Otherwise, baka isipin nito na unprofessional siya. They’re co-workers. Malamang ay may oras talaga na hindi maiiwasang magtulungan sila sa trabaho.
Kumunot ang noo nito sa kanya. He adjusted non-existent eyeglasses on the bridge of his nose. Nakasanayan niya lang gawin iyon, kahit na naka-contacts na siya ngayon.
“Hindi ko lang maintindihan. Anong nangyari? Bakit bigla na lang naging ganito? Kung may nagawa akong hindi maganda, sabihin mo sana." Hindi niya akalain na magiging pursigido siya. Normally, tatahimik na lang siya kapag napagsabihan.
Umirap si Lily at lumingon sa kanyang kanan upang mag-browse ng mga files. Hindi na niya pinansin si Cedrik. Pero siyempre, hindi rin madali para sa kanya na gawin iyon. Masama sa pakiramdam niya, sa totoo lang.
Pagkaraan ng ilang sandali, napilitan na rin itong umalis para simulan ang sariling trabaho. Kailangan siya ng kanyang grupo sa ilang mga proyekto. He looked dejected and disappointed. Bumagsak ang kumpiyansa niya sa sarili. Alam naman niyang mahirap intindihin ang mga babae. Kung kailan niya inakalang maiintindihan nya ang isa sa kanila, ganito pa nga ang nangyari.
Noong lunch break, hindi natuwa si Melissa na makitang muli itong si Cedric. Binigyan niya ito ng sapat na oras para lubayan siya but he doesn’t seem to get the clue. Sa huli, harapan niya itong pinagsabihan na tigilan na siya.
“Hoy, ikaw, ang playboy mo. Ano? Plano mo bang magkaroon ng babae sa bawat palapag ng gusaling ito? Ganoon ba karami ang bakanteng oras mo? Nandito ka para magtrabaho, hindi para mambabae. Ang kapal mo naman. Kapag nasa trabaho ka, yun lang dapat ang gawin mo. Hindi yang madami kang nilolokong mga babae. Okay lang namang makipagkwentuhan tuwing break time, pero ikaw mukhang madalas kang nakikipag-usap sa iba’t ibang babae. Gaano ka kakapal?”
Kumunot ang noo ng lalaki, tila hindi maintindihan ang kanyang sinabi.
"Really? Venice? Helena?" Sadyang hindi binanggit ni Mel ang pangalan ni Lily.
Napangisi tuloy ang lalaki at mukhang hindi man lang ito nahihiya. Nagkibit balikat ito at umaktong parang wala siyang ginawang masama.
"Ikaw naman, huwag kang masyadong seryoso. Sinusubukan ko lang kayang makipagkaibigan. Hindi naman ako nakikipag-date ng sabay sa dalawa o higit pang tao. Kung may pumayag sa inyo na makipag-date sa akin, hindi ko na papansin ang iba."
His reasoning made her roll her eyes. Napaka baliko ng dahilan nito. Bastard. What a real player!
"Well, hinding-hindi ako makikipag-date sa'yo, so f**k off." Diretsong sagot ni Melissa.
Ang iba pang nakarinig sa pag-uusap nila ay nainis rin sa lalaki. Napaka-walang modo naman nito. Mukhang proud pa ito sa ginawang kalokohan at hindi man lang nahiya na nabisto na siya.
Para bang hindi siya apektado. Nakipagpalitan ng tingin si Mel sa kanyang katrabaho. Maaari bang isumbong ang taong ito sa Human Resource Department? Sigurado siyang nakakaabala sa trabaho ang isang kasuklam-suklam na lalaking kagaya nito.
Si Lily naman ay naglunch kasama ang mga katrabaho niya sa parehong departamento. Malapit siya sa mga ito dahil na rin sa tagal na ng kanilang pinagsamahan. Tinanong ng isa sa mga babae kung ano ang problema niya at inireklamo niya sa mga ito ang natuklasan niya tungkol kay Cedrik.
Ang isa sa mga lalaking nakikinig ay sumali sa kanilang pag-uusap.
“Hindi ko alam kung alam mo, pero may dalawang Cedric na nagtratrabaho dito. Kambal sila. A Cedric that ends with a C. And a Cedrik that ends with a K. Mabait yung isa, while the other one is truly an asshole as you said. Yung Cedrik na madalas pumunta sa department natin, yun yung mabait. Medyo mahiyain at introverted, pero mabuting tao yun."
Nagulat si Lily at ang mga kasamahan niya sa bagong impormasyong ito.
"No… really? Totoo ba? May kakambal siya?" Hindi siya makapaniwala. May kambal nga ang lalaking iyon? Umawang ang labi niya. Nagbibiro lang noon si Melissa, hindi nila inaasahan na ganoon nga ang katotohanan. Hindi nila seryosong isinasaalang-alang ang posibilidad na iyon.
“Oo. Sa pagkakaalam ko Cedric at Cedrik ang gamit nilang pangalan dahil tunog makaluma pareho ang kanilang second names. They stuck with their first names kahit nakakalito sa mga tao.” Mahinahong paliwanag ng lalaki, kaya kumbinsido si Lily na hindi ito nagsisinungaling.
"Isang taon na ako dito, bakit hindi ko alam?" Tanong niya.
Napangiti ang lalaki, "Sa dami nating nagtatrabaho dito, kilala mo ba lahat? Yung mga madalas ko lang makahalubilo ang nakikilala ko. Ang karamihan ay hindi. Si Cedrik, yung mabait, nakatrabaho ko na sa isang project nitong nakalipas na mga buwan. Masipag na bata saka magaling. Yung kakambal niya, hindi ko pa nakakausap, pero nakikita ko minsan na pagala-gala. Narinig ko na dati yang kinuwento mo. Ganoon nga siya. Mahilig makipagkaibigan sa iba’t ibang mga babae.”
“So, yung Cedrik na taga-IT… siya yung mabait?” Paglilinaw ni Lily. Gusto niyang makasigurado.
“Oo. Hindi siya gaanong nagsasalita, maliban na lang kapag may kailangan siyang idiscuss o ipaliwanag na may kaugnayan sa trabaho. Medyo mahiyain. Pero nakita ko nitong mga nakaraang linggo, madalas siyang nakikipag-usap sayo. Iniisip ko nga na may gusto siya sa ‘yo, eh. Hindi naman kasi mahilig magsalita ang isang iyon. Kinakabahan pa rin yata kapag kaharap ka. Akala ko ay nagkakaintindihan na kayo? Hindi pa ba? Ni hindi nyo napapag-usapan ang tungkol sa kapatid nya?”
Napakagat labi si Lily at napabuntong-hininga. Anong gagawin niya ngayon?
Bandang hapon ay pumunta si Cedrik sa kanilang departamento, ngunit hindi siya ang pakay nito. Hindi niya malamn kung tatawagin niya ba ito para makausap o hindi. Nag-iipon pa siya ng lakas ng loob. Nakakahiya naman kasi talaga yung ginawa niya. Hinusgahan niya yung tao tapos maling tao naman pala.
Nag-message siya kay Mel at ipinaliwanag ang sitwasyon. Nagulat din ito na kagaya niya at biglang tumawag sa phone niya upang kumpirmahin ang kaniyang sinabi. Humingi ng tawad si Mel. If she didn’t say anything before, this situation wouldn’t have occurred. Naiintindihan niya ito. Kahit siya man ay gusto ring humingi ng tawad.
Nagpasya siyang hintayin si Cedrik na matapos sa kung anumang tinatalakay nito sa isa nilang katrabaho. Panay ang tingin niya sa direksyon nito, umaasang lalapitan siya nito kapag tapos na siya. Mahigit labinlimang minuto itong naroon habang siya naman ay gumagawa ng ulat na kailangan niyang ipasa. Nang tumingin siya ulit sa direksyon nito ay wala na ang lalaki doon. Luminga-linga pa siya, ngunit hindi na niya ito nakita. Well, s**t. Ngumuso siya at nakaramdam ng lungkot. Kailan kaya ito aakyat ulit?
Madalas siyang tumingin sa orasan. Isang oras pa bago sila matapos sa trabaho ngayong araw. Sinubukan niyang huwag magambala sa kanyang trabaho at kinumpleto pa rin ang mga ulat na dapat niyang ipasa. Malungkot siyang umuwi nang hindi naiaayos ang hindi nila pagkakaunawaan.
Tinawagan siya ni Melissa para humingi ng update.
"Wala. Hindi ko siya nakausap."
“Bummer. Nakausap ko na yung isa, pero makapal ang balat. Ni hindi man lang nahiya. Balak kong ireport sa HR."
"Hindi ko alam kung anong pwede nilang gawin tungkol diyan. Baka paalalahanan lang siya na magfocus sa trabaho kapag oras ng trabaho."
“Okay na yun. Kaysa naman pagala-gala siya para manloko ng iba’t ibang babae. Yun lang naman ang inaalala ko.” Napabuntong-hininga si Mel bago muling nagtanong tungkol kay Cedrik.
"So, what is he like? Hindi ka makapaniwala sa akin kahapon at iniisip mong ibang tao ang sinasabi ko. Tama nga yung kutob mo. Gusto mo siya, no?" Ngayon naman ay tinutukso siya ng kaibigan.
Napabuntong-hininga si Lily. "Gusto ko siya, pero hindi ko alam kung may gusto rin siya sa ‘kin. Tapos nangyari pa ‘to ngayon. Gusto ko lang naman na makahingi na ako ng tawad at magka-ayos na kami."
Sumimangot si Mel, “I would like to apologize, too. Sabihin mo sa kanya na pasensya na. Akala ko lang talaga na siya yung babaerong bwisit."
"Alam ko naman na hindi mo sinasadya. Huwag kang mag-alala, ipapaliwanag ko sa kaniya nang maayos."
“Good luck, girl. Gusto mo bang uminom?"
Natawa si Lily. "Not today, Mel."
“Okay. Update mo na lang ako bukas.”
“Yeah.”
Nang humarap si Mel kay Klyde, hindi niya maiwasang sabihin sa binata ang tungkol doon sa kambal.
“I mean, can you believe it? May kambal na nagtatrabaho sa kumpanya namin. Mabait pala yung isa, tapos manloloko yung kakambal niya. Akala namin nagpapanggap lang yung mabait."
Klyde rolled his eyes at her.
“At saka, gusto ko sanang magpahinga ng maaga ngayong gabi. Isang beses lang natin gawin. Total nakarami ka naman kagabi." Nang-iinis na naman ang tono at mga salita nito at nag-asaran pa sila.
He was looking forward to this night. She’s not going to cut him off like that. He resorted to seducing her until she’s begging to be taken, again and again.
/stary/