Hindi na nag-abala si Melissa na suotin muli ang undies niya. Kung magpapatuloy sila sa kwarto ni Klyde, ano pang silbi na suotin niya ulit, di ba? Basta-basta na lang niya sinuot ang kaniyang blouse at shorts. Sinundan niya ang binata. Tatlong pinto sa kanan ang nadaan nila bago ito pumasok sa isang silid, probably his master bedroom. Mabilis niyang tiningnan ang general aesthetic nito. Tipikal sa isang bachelor.
“Where do you want me?” Tanong niya habang naglalakad papunta sa malaking kama nito. Iniexpect na niya na may demands din ito inside the bedroom, kagaya ng past lovers niya. Balewala naman sa kaniya iyon, hangga’t kaya niyang gawin. Kahit naman siya ay paminsan-minsan ding humiling sa kanila.
Inalis ng lalaki ang damit nito bago humarap sa kanya, kaya naghubad na rin siya habang pinapanood nito. Naupo ito sa kama at tumango sa kaniya.
"Here."
Noon lang niya napansin na mas mataas ang kama kaysa sa nakasanayan niya. Well, matangkad ang lalaki. At siguro... para mas madali niyang bayuhin ang isang babae habang nakatayo siya sa sahig? Sumakit ang puson niya sa naisip at tumayo sa harapan ng lalaki. Pinaupo siya nito sa tabi niya, bago ito tumayo at tumitig sa mga mata niya. Napataas na lang siya ng kilay.
"Can you use your mouth?" Parang hinahamon siya ng tono nito at inikot niya ang mga mata bago idinako ang tingin sa sandata nito. Damn, it’s huge. Hindi na siya nagtataka kung bakit medyo nasaktan siya kanina.
Dinilaan niya ang labi bago hinawakan iyon. Naramdaman ni Melissa ang paghawak nito sa ulo niya at ang bahagyang paghila sa kaniyang buhok.
Ang kanilang pagtatalik ay parehong ligaw at magulo at lubhang kasiya-siya. Tinikman nito ang bawat parte ng kaniyang katawan. Ginalugad ang kaniyang kaibuturan. Binigyang pansin ang bawat sensitibong lugar. Pinagparausan siya mula sa ilang mga anggulo at posisyon. Hindi lamang missionary ang alam nito. Gayunpaman, ginawa lamang nila ang lahat sa kama nito. Sabagay, unang gabi pa lang naman. Alam naman ni Melissa na hindi talaga literal ang nakasulat sa kontrata.
Inaasahan ni Melissa na marami na itong karanasan ngunit lubos pa sa kanyang inaasahan ang ipinakita ng binata. Siya ay lubhang nasiyahan sa resulta ng kanilang unang gabi. Kung mayroon siyang pera, malamang ay aalukin niya ito upang makipagtalik sa kaniya. Ganun ito kagaling.
Sa kabuuan, ang kasunduan sa pagitan nila ay hindi na masama.
Nang magising siya ng madaling-araw, pareho silang nasa ilalim ng kumot. Pero syempre, walang yakapan na nangyari. May sapat na espasyo sa pagitan nila para hindi magkadikit ang kanilang mga katawan. Dahan-dahan niyang inunat ang pagod na katawan bago bumangon. Tapos na sila, di ba? Nagpasya siyang ipagpatuloy ang pagtulog sa sarili niyang silid.
Paggising niya sa umaga, ang una niyang ginawa ay i-check ang kanyang online banking account. Napaawang ang labi ni Melissa habang nakatitig sa maliit na halagang naroon.
Well, to be fair, baka tulog pa si Klyde. Dali-dali siyang naligo at lumabas upang mag-almusal. Dito naman siguro siya kumakain ng almusal, di ba?
Nang makita niya ito, wari niya ay galit ang expresyon sa mukha nito. Nagtaas siya ng isang kilay. Hindi siya magpapaapekto sa lalaking ito.
"Ano?" Medyo pasinghal niyang sabi.
"Sinong nagsabi sayong umalis ka sa kwarto ko?"
Luminga-linga siya sa paligid at nakita niyang walang ibang tao sa kusina. Mabuti naman. Hindi man alam ng mga katulong kung sino siya, marahil ay inaakala ng mga ito na siya ang kasalukuyang babae at laruan ng amo nila. Malay ba niya kung anong iniisip nila kapag may inuuwing babae si Klyde?
“Tapos na tayo, di ba? Nakatulog na tayo pareho.” Umupo siya sa tapat nito at hinarap ang pananakot nito. He looks scary kapag galit ito pero mukhang immune na agad siya.
Napabuntong-hininga si Klyde. Masyadong literal ang interpretasyon ng babaeng ito sa mga bagay-bagay to the point na nakakainis na ito.
“Depending on my mood, sometimes we’ll do it in the morning. Kung wala ka sa kwarto ko, do you expect me to walk into yours and ravage you there?"
Napalunok si Melissa, ngunit napangiti pa rin.
"Well, hindi naman mahirap gawin 'yan, 'no? May mga paa ka naman at malapit lang ang kwarto ko sa kwarto mo."
His lip twitched. He liked her better when her mouth is put to good use kaysa sa ganitong kung anu-anong sinasabi nito na purong pang-iinis lang.
"Ibig sabihin, palagi kang babalik sa iyong silid tuwing gabi?"
"Well, technically madaling araw. Depende rin kung magising ako sa kalagitnaan ng gabi."
Napapikit si Klyde habang umiigting ang kanyang panga. Wala talagang silbi ang seryosong pakikipag-usap sa batang ito. Para siyang isang nakakainis na bata. Kaya nitong pataasin ang presyon ng dugo niya. Is she planning to vex him to death? Hindi malayo sa katotohanan ang ideyang iyon.
Pinandilatan niya ito. She likes to challenge him? Alright. Magkakasubukan tayo. Napangiti siya nang may pumasok na ideya sa isip niya. He’s not one to back down. Competitive siyang tao na dahilan din kung bakit naging matagumpay siya hanggang sa ngayon.
"Hindi mo naman nakakalimutan yung sinabi ko kagabi, di ba? Kailangan ko ang pera sa aking bank account ngayon. Hindi ba binigyan mo lang ako ng isang buwan para makahanap ng trabaho? Kailangan kong lumabas para dun. Saka pala, may driver ka pa ba? Sigurado ako na marami kang kotse. Pahiram naman ng isa. Hindi ako sanay na sumakay ng pampublikong sasakyan, kaya kailangan ko ng maghahatid-sundo sa akin."
Kumunot ang noo ni Klyde. "Wala ka bang sasakyan?"
Napaubo si Melissa. “Hindi ko binili ng cash at hindi ako nakabayad ng installment noong nakaraang buwan. Isinauli ko sa dealership."
Sinabi niya ang lahat ng iyon nang matuwid. At least, alam niya na kung hindi ka makakabayad, kailangan mo iyong ibalik. Actually, ibinalik niya ito kahapon lang din.
Muling umawang ang labi ng binata. Dahil pinagsilbihan siya nito kagabi, dapat lang na bayaran niya ito ngayon. Ayaw niyang isipin kung paano siya nito kukulitin kapag pinatagal pa niya.
"What’s your bank details?" Tanong niya sabay kuha ng phone na nakalapag sa table.
Bahagyang nagulat si Melissa ngunit natuwa rin. Siya ba mismo ang magtatransfer ng pera sa kaniya? Hindi niya ito inaasahan pero mas nakampante siya.
Masaya niyang binuksan ang mobile app sa kanyang phone para makita ang kanyang bank account details. Pagkatapos, ipinasa niya ang mismong phone kay Klyde.
Kumunot ang noo nito nang makita ang screen. Ang kanyang ekspresyon ay lubos na hindi makapaniwala.
Si William ay nagpapadala ng napakaraming pera sa kanyang anak buwan-buwan nang walang palya pero ang batang ito ay may kakaibang kakayahan na sayangin ang lahat ng iyon? Hindi kapani-paniwala.
Dapat ba niyang tanungin kung paano niya iyon nagagawa? What’s the point? Pakiramdam niya ay dapat niya itong bigyan ng lecture.
He keyed in the amount they agreed based on the contract. Malaking halaga na iyon kaya hindi na kailangang bigyan niya pa ito ng allowance. Sapat na ang matatanggap nitong pera mula sa kaniya.
He sighed after transferring the money.
“Siguro naman ngayon, hindi ka na magiging waldasera? Matuto kang mag-ipon. You should save a certain portion of your money. Alam mo na dapat ‘yan. Wag mong ubusin sa mga walang kwentang bagay. Do you even know the difference between wants and needs?” He couldn’t help sounding like her professors in college.
Never nagustuhan ni Melissa ang nilelecturan siya. At napangiti si Klyde nang makita ang naiinis nitong mukha. Have a taste of your own medicine.
“Oo na. Alam ko na ‘yan. Hindi ko na uuliting ubusin ang pera ko. Magtatabi na ‘ko. Magtatabi ako ng malaking halaga. Ayaw kong maulit yung halos magmakaawa na ‘ko sayo.”
“Tingnan natin. Magkano ang itatabi mo mula sa halagang natanggap mo ngayon?” Binalik ni Klyde ang phone nito sa kaniya.
Masayang tiningnan ni Melissa ang balanse sa kanyang account. Hindi niya sigurado kung anong isasagot sa tanong nito.
He smirked at her silence. “Itabi mo ang kalahati man lang. Mas mabuti kung mas malaki pa roon. Mag-open ka ng isa pang account at paghiwalayin mo ang savings mo at ang gagastusin mo. Kapag isa lang ‘yan, matetempt kang ubusin ‘yan lahat.”
She rolled her eyes at him pero hindi na siya sumagot. Dinampot niya ang kutsara at tinidor para simulan ang pagkain. Dahil natanggap na niya ang pera, natigil na siya sa pangungulit rito. Magana siyang kumain. Pakiramdam niya ay solved na lahat ng problema niya dahil may pera na ulit siya.
Ikinatuwa naman ng binata ang pananahimik nito. Maayos itong kasama kapag hindi masyadong nagsasalita.
“Papahiramin kita ng kotse, pero marunong ka namang mag-drive, di ba? Kung ipipilit mong kumuha ng driver, ikaw ang magpasweldo.”
“Tsk. Ang kuripot talaga.” Bulong nito, ngunit kinig din naman ng binata.
“Fine. I’ll drive it myself.”
/stary/