Nang bumalik siya sa kanyang silid, malawak na napangiti si Melissa nang makita ang pera sa kanyang account. Makakahinga na siya ng maayos ngayon. Parang naayos na ang karamihan ng kanyang mga problema. Binayaran niya agad ang kaniyang mga bills.
Pagkatapos noon, hinalungkat niya ang isa sa kanyang mga kahon at naghanap ng isang cute na notebook at ballpen. Hindi siya sanay na gumawa ng mga plano, ngunit sa tingin niya ay kailangan niya iyon ngayon. Ayaw man niyang sundin ang suhestiyon ni Klyde ay ginawa niya pa rin ang sinabi nito at itinabi ang kalahati ng kaniyang pera. Dahil may existing account na siya, naging madali lang ang proseso upang makapag-open siya ng isa pang account. Inilista niya ang amount nito sa notebook.
Huminga siya ng malalim. Ito yung part na hindi niya gusto. Maghahanap ba talaga siya ng trabaho? What does she know about working in an office? Wala siyang masyadong karanasan at maging iyong internship niya ay hindi niya na-enjoy. Na-stress lang siya noon.
Iniisip pa lang niya ang mga kailangan niyang gawin ay nanghihina na agad siya. Nahiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Halos kalahating oras din siyang nakatulala at kinukumbinse ang sarili na magsimula nang gumalaw.
Fine. Una, kailangan niyang iupdate ang kaniyang resume. Binuksan niya ang kaniyang laptop at hinanap ang dokumentong iyon. Madali lang niya itong na-edit. Wala naman halos nagbago sa nakalipas na isang taon. Isang page lang ito. Mabuti na lang at iyon ang uso ngayon. Personal information lang at educational background ang makikita roon. Para sa experience, yung internship lang ang inilagay niya.
Pumunta siya sa study ni Klyde para magprint ng maraming kopya. Dahil wala roon ang binata ay malaya siyang nag-ikot at sinuri ang laman ng silid. May bookshelves at ang mga librong naroon ay patungkol sa business, economics at saka management. Mga librong hindi niya nakasanayang basahin. Hindi siya nakakatagal ng limang minuto sa pagbabasa ng mga text book. Madali siyang maboring sa mga iyon.
Ugh, pati ba iyon ay kailangan ding magbago? Kapag nakakuha siya ng trabaho ay hindi pwedeng wala siyang alam. Karamihan sa mga pinag-aralan niya noong college ay limot na niya. Mag-aaral ba ulit siya? Bakit parang dumadami ang kailangan niyang gawin?
Nagsisimula na siyang maramdaman ang bigat ng mga pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay. Naku, ibang-iba kapag may pera ka at hindi mo kailangang magtrabaho para mamuhay ng maayos. Danas na ni Lily kung paano ito para sa mga ordinaryong tao, ngunit ngayon pa lang ito mararanasan ni Melissa. Hindi naman sa minamaliit niya ang ibang tao, kung tutuusin ay hanga siya sa sipag at tiyaga ng mga ito. Hindi niya alam kung kakayanin niya ba ang mga ginagawa nila sa araw-araw.
Kahit pa sabihing madaldal siya at maingay, hindi siya mahilig makihalobilo sa maraming tao. Malapit lamang siya sa kaniyang mga kaibigan. Noong nag-aaral pa siya, malapit siya sa kaniyang mga kaklase. Pero… kung tutuusin, hindi niya masasabing mga kaibigan niya iyon.
Alam ng mga kaklase niya ang tungkol sa kaniyang family situation. In a way, nakinabang rin sila sa kaniya dahil lang sa kaklase niya ang mga ito. Mapagbigay siyang tao. Hindi na nila kailangang utuin siya o lokohin. Humingi ka lang, kahit hindi ka na magpaliwanag, ay nagbibigay si Melissa. May mga nanghingi sa kaniya ng pambayad sa tuition fee. Hindi siya nag-atubili na magbigay para doon. Siya rin mismo ang nagbayad at inabot sa kanila ang mga exam permit. Lahat sila ay mabait ang turing sa kaniya dahil ni minsan ay hindi siya nagdamot. Tutal marami naman siyang pera noon.
Bukod roon, sa tuwing magpupunta sila sa mall at namimili siya ng branded items, inililibre din niya ang mga kasamang kaklase. Iilan lang ang tumatanggi sa alok niya. At di kalaunan nga ay halos lahat sila ay umaasa na sa kaniyang kabutihang loob.
She was generous to a fault. Hindi siya mapili. Basta lumapit sa kaniya ay tinutulungan niya. Isa yun sa mga dahilan kung bakit walang nang-aaway sa kaniya noong college.
Habang inaalala ang mga bagay na ‘yon, napangiwi si Melissa. Kung naitabi niya lang sana yung mga nagastos niya noon… whatever. Tapos na iyon. Huwag na nating isipin pa ang nakalipas na. Nakakapanghinayang man, wala na siyang magagawa roon.
Basta mula ngayon, mag-iipon na siya. Magtatabi ng pera. Hindi niya gusto ang pakiramdam na umaasa sa iba. Gayunpaman, hindi niya iyon naramdaman sa kanyang ama. Iyon ay bagay na inaasahan niya mula rito, dahil responsibilidad naman niya iyon bilang magulang niya.
Anim na buwan ang kontrata niya kay Klyde and he calls the shots. Kahit na mas maaga siyang makaipon ng pera, nilinaw na agad nito na kailangan pa rin niyang igalang ang kontrata. Hindi siya basta-basta pwedeng tumanggi.
Ayos lang naman iyon kay Melissa. Mas marami siyang maiipon, di ba? Muli siyang naligo at nagpalit ng damit. Kaswal lang. Well, maaari itong pumasa bilang semi-pormal. O ito ba ay semi-casual? Hindi pa rin niya alam kung ano ang gusto niyang gawin. Marahil ay lalabas siya ngayon upang magmasid, para malaman niya kung ano bang klase ng trabaho ang makakapukaw ng atensiyon niya.
Nakahanap siya ng isang envelope at inilagay ang mga kopya ng resume doon. Sa garahe, tinanong niya kung aling sasakyan ang pwede niyang gamitin. Hindi siya mapili. Nagkaroon lang siya ng ganitong ugali dahil sa expectations ng mga tao sa kanya. Kung naniniwala silang dapat siyang magkaroon ng pinakabagong modelo ng smartphone, bibilhin niya ito. Kung sinabi nila sa kanya na sa tingin nila ay bagay sa kaniya ang pinakabagong labas na kotse, bibilhin niya iyon. Gusto niyang mapabilib ang mga ito at bigyang-kasiyahan ang sarili niyang kawalang-kabuluhan.
Natawa na lang siya nang maalala iyon. May pagka-uto-uto rin pala talaga siya, ayaw lang niyang aminin. Ang tanga mo, Melissa. Inaasar niya ang sarili.
Well, matagal na rin niyang hindi nakikita ang mga kaklase niya noon. Isang taon na mula ng magtapos sila sa pag-aaral. Kung saan-saan sila napadpad para lang magtrabaho. Iilang lang ang nanatiling malapit sa kanya pagkatapos ng graduation ngunit naging abala rin sila. Dati ay nakakatambay pa sila na magkakasama pero ngayon ay hindi na. Si Lily na lang ang natira niyang malapit na kaibigan.
May group chat pa rin sila pero hindi siya mahilig magbukas noon. Nakikibalita na lang siya kay Lily kapag may bagong chismis.
Nagmaneho muna siya papunta sa bangko, para iconfirm ang bago niyang account at makakuha rin ng bagong ATM card. Kita n'yo naman, talagang sinunod niya si Klyde. She’s being reasonable.
Pagkatapos nito, pumunta siya sa isang mataong lugar kung saan maraming business establishments. Sari-sari, ngunit karamihan ay kainan o kapehan.
Pumasok siya sa isang restaurant at naupo sa isang sulok. Nagsimula siyang mag-usisa at magtanong sa waitress. Nagulat siya nang malamang napakaliit lang ng kinikita nila sa loob ng isang linggo. She can do simple math. Ang isang gabi ng pagtulog kasama si Klyde ay higit sa kikitain ng isang tao sa pagtatrabaho sa lugar na ito. Labis siyang nagulat. Hindi niya akalain na ganoon pala kahirap kitain ang pera. Nahihirapan siyang unawain iyon dahil na rin sa iba ang nakasanayan niya. Nakakaloka.
Kung siya iyon, paano niya pagkakasyahin ang ganoong halaga sa loob ng isang buwan? Knowing that, itutuloy pa ba niya ang paghahanap ng trabaho? It wouldn’t make sense. Tatanungin pa ba niya si Klyde? Ito ang nagsabi sa kaniya na magtrabaho siya. For what? Just to experience it all? Siguro.
Habang kumakain ng tanghalian ay tinawagan niya si Lily upang pag-usapan ang kanyang natuklasan.
"Girl, I know you’re sheltered, pero hindi ko alam na ganito ka ka-clueless. Ngayon mo lang nalaman?"
Napaawang ang labi ni Melissa. "Kung alam mo, bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Kinagat ni Lily ang kanyang labi. “Ah, gusto mo bang magkita tayo sa Sabado? Ipapakita ko sa iyo ang isang buong bagong mundo, kung saan maaari kang mag-survive kahit sampong libo lang ang pera mo sa isang buwan. Ano, game ka?”
“Ngayong darating na Sabado? Sige. Saan mo ba ako dadalhin?"
“Ewan ko sayo. Maglalakad lang tayo sa kalsada at papakainin kita sa tabi-tabi. Nakapunta ka na ba sa isang grocery store? Supermarket? Palengke? Puro ka lang mall at department store noong college tayo eh."
"Sa palengke, hindi. Nag-gogrocery ako sa supermarket, hoy. Pero sa convenience store, isang beses pa lang."
"Oh, naaalala mo ba kung magkano ang halaga ng bawat item?"
"Hindi, pero alam ko mura lang sa mga lugar na yun."
“Tama. Marami ka nang mabibili sa halagang isang libo kung alam mo saan ka makakabili ng pinakamura."
"Okay. Magkita tayo sa Sabado. Kailangan mo pang bumalik sa trabaho ngayon, di ba?"
“Oo, oo. Nagmamadali na nga akong kumain ng tanghalian. Nasa labas ka ba ngayon? Mag-ingat ka diyan, ha? Huwag magdala ng masyadong maraming pera. Don’t talk to strangers, nakikiusap ako sa iyo, Melissa."
Napatawa si Melissa sa tonong ginamit ng kaibigan. Dramatiko itong nagmamakaawa sa kanya. "Alam ko. I’m not that helpless."
“Sige, see you.”
Pagkatapos niyang kumain, umalis siya para tumingin sa ibang mga tindahan. Karamihan sa mga attendant na nakita niya ay palakaibigan. Ang iba ay medyo... snobbish. Hindi siya namili ng marami, yung mga kailangan lang niya, ayon na rin sa paalala ni Klyde.
Bumili siya ng isang pares ng tsinelas na pambahay. Yung malambot. Isang murang bracelet na nagustuhan niya. Okay, marahil hindi niya ito kailangan pero hindi niya maatim na pumasok sa isang tindihan at umalis nang walang binibili. She had to buy something. Nilimitahan niya ang sarili. Nag-withdraw lamang siya ng isang libo para gastusin sa loob ng ilang araw. Magpapa-gasolina pa siya. Natetempt siyang magwithdraw ng ilang libo pa, pero pinigilan niya ang sarili. Mahirap pero kakayanin. Ngayon lang niya napagtanto na karamihan ng taong nasa paligid niya ay ganoon ang kalagayan. She can’t be too different. Nakahanap siya ng isang malaking grocery store at halos isang oras din siya sa loob noon. Kumuha siya ng basket at nilagyan ito ng mga pagkain. Tinapay. Mga biskwit. Mga tsokolate. Potato chips. Mga marshmallow.
Namangha siya sa hilera ng mga canned goods. Sa loob ng mga ito ay may isda, karne ng manok, baboy, at karne ng baka. Ang ilan ay may label na tulad ng mga tunay na pagkain. Napag-alaman niyang handa na ang mga iyon para kainin. Kumuha siya ng isang piraso bawat klase. Gusto niyang subukan lahat. Anyway, mura sila.
“Oh…” Nagulat rin siya nang malamang narito ang halos lahat ng kailangan niya. Ito ang bago niyang paboritong lugar. Toiletries, make-up, sabon, toothpaste at kung ano-ano pa. Hindi niya maalala kung anong ginawa niya noon sa loob ng grocery store. Probably just went for drinks and chips?
Pinuno niya ang kanyang basket at pumunta sa checkout. Natukso siyang bumili ng higit pa ngunit pinaalalahanan niya ang sarili na hindi kayang bitbitin lahat papunta sa kotse.
Pagod na pagod siya nang makabalik sa bahay. Itinago niya ang lahat ng kanyang mga pinamili sa loob ng kanyang silid. She’s treating her room like an apartment, na hiwalay sa iba pang bahagi ng bahay ni Klyde.
Kapag nakita ni Klyde ang kalat niya, ano kayang sasabihin nito? Umawang ang labi niya. Kailangan niya ng mga istante at cabinet.
/stary/