Kabanata 24 – Pahintulot

1852 Words
Well, hindi nakapagbigay sa kanya ng maayos na sagot si Mel. Hindi siya naka-oo. Sinabi niya sa lalaki kung gaano kahigpit ang kanyang guardian sa bahay. Binigyang-diin niya na hindi siya nagbibiro nang makita ang ekspresyon nito na hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Seryoso ako. May curfew ako. Kailangan kong umuwi ng maaga araw-araw." Napaawang ang labi ni Randall. Hindi nito masabi kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Kung ito ang paraan niya ng pagtanggi, talaga namang kakaiba. "Sabi mo guardian mo? Hindi mo magulang? Anong klase ng guardian ang nagbibigay ng curfew sa isang taong nasa tamang edad na, nagtatrabaho at kumikita ng sarili niyang pera?" “Naku, sinabi mo pa. Well, hindi kasi ako naging responsable dati. Unang trabaho ko ‘to. Mahigit isang taon akong walang ambag sa lipunan. Saka nagsasayang ako ng pera noon, bago ako natutuong magtrabaho. I’m still under observation, kung kaya kong mamuhay mag-isa o hindi.” "Ha? Anong klaseng sitwasyon yan?" Tumawa na lamang si Melissa. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo. At dahil nagsisinungaling siya, mas mabuti kung hindi siya masyadong magbibigay ng detalye. "Maybe a quick dinner? O kaya naman, ipapaalam ko sa ‘yo kapag nag-out of town yung guardian ko. Pwede akong mag-stay sa labas kapag wala siya." Gusto na niyang tapusin ang usapan. "Ganoon ba? Sige. Sabihin mo sa akin kung kailan ka pwede.” Ngumiti ang lalaki. Mukhang hindi naman pala talaga siya tinatanggihan ng dalaga. Kakaiba lang yata talaga ang sitwasyon nito. Si Klyde ay binisita ng kaniyang lolo sa opisina. No wonder naging maayos ang pakikitungo nito kay Melissa. Pareho silang madaldal. Kagaya ni Mel ay dinetalye nito ang kanilang pagkikita noong araw na iyon at ang mga bagay na napag-usapan nila. Parehong-pareho sa tinuran ng dalaga. Hindi nga ito nagsisinungaling tungkol sa alok na binigay ng kaniyang lolo. "Look, pops. Sa ngayon, hindi ako interesado na makasal. Bata pa naman ako. Sampu o dalawampung taon mula ngayon, maaari pa rin akong makabuntis ng isang babae kung gusto ko. Hindi pa huli ang lahat sa pagkakataong iyon." Bumuntong-hininga ang matanda. "Dalawampung taon? Baka patay na ako niyan. Paano pa ako makikipaglaro ako sa aking mga apo kung nakabaon na ako sa ilalim ng lupa? Gusto mong bumalik ako bilang isang multo? Baka gusto mong multuhin kita? Walang kwenta kang bata." Bumuntong hininga rin si Klyde at tumingin sa kaniyang lolo. "Tignan mo nga iyang sarili mo, pops. Ang lakas-lakas mo pa. Sigurado akong buhay ka pa sa susunod na tatlumpung taon." Malusog ang matanda. Nakakagala pa rin ito at masiglang kumilos. Bahagyang natahimik si Enrico. “Tatlumpung taon ka diyan? With you stressing me out, baka hindi ako umabot ng sampong taon. Bakit hindi kita bigyan ng ultimatum? Dalawang taon. Bibigyan kita ng dalawang taon. Kung hindi ka pa rin mag-aasawa sa panahon na iyon, piso lang ang iiwan kong mana sa iyo." Kumunot ang noo ni Klyde habang nakatingin sa matanda. Hindi naman problema sa kaniya ang pera. Kahit hindi siya nito pamanahan ay okay lang. Walang bisa ang banta nito sa kaniya. Mukhang narealize din ito ni Enrico dahil nagbago ang ekspresyon nito at napaisip ng malalim. Hinintay ni Klyde ang susunod niyang sasabihin. “At anong uri ng pananakot ang uubra sa iyo? Gagawin ko pa rin iyon. Idagdag mo pa, tatanggihan kitang makita hanggang sa mag-asawa ka. Kahit malapit na akong mamatay, huwag kang magpapakita sa akin kung wala kang asawa at anak. Naiintindihan mo ba?" Napaawang ang kanyang labi nang makita ang mayabang na pagmumukha ng kanyang lolo. Sa pagitan nilang dalawa, ang kanyang lolo ang mas madalas na bumisita sa kanya. Sa isang taon, dalawang beses o tatlong beses lang siyang bumibisita rito. Kapag pasko, sa kaarawan ng kaniyang lolo o kaya naman ay sa sarili niyang kaarawan. “May babae ka na sa bahay mo. Gaano kahirap para sa ‘yo na mabuntis siya? Kahit na hindi siya pumayag sa alok ko, hindi rin niya ito tinanggihan. Baka may pag-asa ka pa." Napailing na lamang si Klyde habang nakangiwi. Mukhang desidido ang matandang ito na ipartner siya kay Melissa. "Not gonna happen." "Bakit hindi? Nakakatuwa siyang tao. Masayahin. Magalang at masayang kausap. Nagsisiping na rin lang kayo, asawahin mo na.” Malulutas niyon ang problem nito at ang kaniyang kahilingan. "She’s too young for me." Enrico rolled his eyes at him. “Pagdating sa mga babae, mas bata, mas maganda. Iyon ang pinakamagandang panahon para magbuntis sila at manganak nang maayos. It’s their prime. Hindi masyadong mapanganib ang panganganak." Hindi na dapat siya nagsalita. Mukhang mas naparami pa ang sasabihin ng matanda dahil sa sinagot niya rito. “Hmm, maaaring hindi ka interesado sa ngayon, pero subukan mo lang. Huwag mong balewalain ang mga banta ko. Wala kang mamanahin at huwag ka nang mag-abala na puntahan ako." Napabuntong hininga na lamang si Klyde. Hindi naman kasi matatawag na banta ang mga sinabi nito. Pero dahil ito na lamang ang natitirang kapamilya niya at may katandaan na rin ito, hindi siya mapapakali kapag namatay nga ito nang hindi man lang niya nabibigay ang mga hiling nito. May puso pa rin naman siya. Nagpasya si Klyde na magpatuloy sa pagtatrabaho habang diretso lang sa pagkukwento ang lolo niya patungkol sa kagandahan ng pagkakaroon ng mga anak sa isang tahanan. Kasalukuyan itong nangangarap nang gising. Isang gabi, nagpasya si Mel na tanungin siya mismo. "Hoy, alam kong dapat na eksklusibo akong sisiping sa ‘yo sa loob ng ilang buwan, pero pwede ba akong makipag-date sa ibang tao? Ipinapangako ko namang hindi ako m************k sa ibang lalaki hangga't hindi pa tapos ang kontrata natin." Kahit na kanina pa niya ito hindi pinapansin, ang biglaang mga salita nito ay nakaagaw ng kaniyang atensyon. Sinamaan niya ito ng tingin. Anong kalokohan na naman ang naisip ng babaeng ito? "Hindi pwede." Agad niyang tugon dito. Napanguso si Melissa sa bilis nitong sumagot. She rolled her eyes at him. “Bummer. Nangangalahati na tayo, baka naman pwede na. Pumayag ka na, please?" Napangiti siya nang sinubukan nitong hindi siya muling pansinin. She twittered close to him, inulit ng ilang beses ang parehong mga salita, sa iba’t ibang tono at boses. Hindi siya nananakit ng mga babae, ngunit talagang sinusubok ng isang ito ang kanyang pasensya. Hinawakan niya ang pulso nito nang patuloy nitong kinukublit ang kaniyang braso. “What part of no did you not understand? Hindi pwede. This is non-negotiable. Maaari kang makipag-date sa sinumang gusto mo kapag tapos na ang kontrata natin. Maaari ka lamang maghintay until then. Kung seryoso ang isang lalaki na makipag-date sa iyo, sigurado akong makakapaghintay siya ng ilang buwan." Ngumiwi si Mel at huminto sandali. Well, he’s not wrong… kaso… “Marunong pa bang maghintay ang mga lalaki ngayon? Maghahanap agad iyon ng ibang babae kapag pinaghintay ko siya nang matagal. Pagkakataon na ‘to para makilala namin ang isa’t isa. Yun naman nag purpose ng pakikipag-date, hindi ba? Timing is important. Baka siya na ang lalaking para sa ‘kin? Hahayaan ko lang bang lampasan ako ng pagkakataon?" Kumibot ang labi ng binata. "Naniniwala ka rin ba sa kalokohang yan? Lalaking para sa ‘yo? Malalaman mong hindi siya seryoso sayo kung maghahanap agad siya ng iba. Is that the kind of man you want? Yan na mismo ang sagot sa tanong mo. Hindi kayo para sa isa't isa kung hindi niya magagawang maghintay na maging available ka." "Ano bang alam mo? Ni wala ka yatang karanasan sa mga bagay na ganito." “Sinong nagsabing wala? I’ve dated plenty of women when I was younger." “Sus, masyado nang matagal iyon. Ilang dekada na ang lumipas? Nagbago ang panahon. Iba na ngayon." Klyde grunted. “Pagdating sa mga seryosong bagay, walang nagbabago. Maybe the way things are done has changed, but the bottom line hasn’t. Ngayon, tigilan mo na ang panggugulo sa akin. A no is a no." Mel clicked her tongue as she sat back on the couch. “Sayang kasi. Malay natin, di ba? Mabait naman si Randall, gwapo, matulungin, masiyahin… There are a few embarassing things, but I can overlook them. Bihira lang na may natatagpuan akong lalaki na nagugustuhan ko talaga. Syempre, kailangan naming mag-date para mas makilala ko pa siya.” Her ramblings continued to irritate him. Nakakainis na talaga ang bunganga nito. May gusto ba talaga siya sa lalaking iyon? Yun ang dahilan niya kaya gusto niyang makipag-date doon? Saglit niyang inimagine iyon ngunit sa kaniyang isipan ay hindi iyon magandang makita. He gritted his teeth as he reached for his phone. Binigyan niya ng gawain ang kaniyang assistant. He wants to see the information on this Randall guy. Kumunot ang noo niya nang bumaling ang kaniyang tingin kay Mel. Siguro naman ay hindi gugustuhin ni William na makasal ito sa isang taong pagsasamantalahan lamang ang kaniyang yaman? Hindi naman siguro ito ganoon katanga, right? He almost forgot that people in love can be very stupid. "Look here." Panimula niya at mukhang nabuhayan ito ng pag-asa. "Pinapayagan mo na ba akong makipag-date?" Tanong nito at umiling agad siya. She pouted again at tumalikod sa kanya. This brat… "May kailangan tayong pag-usapan." Nilingon siya ni Mel para makita siya. Nagtaas ito ng kilay, "Tungkol saan?" “If you’re planning to date after our contract, you need to be sensible of a man’s intentions. How much of your background ang alam nila? O iyong sinasabi mo sa kanila? Alam ba nila ang tungkol sa mana mo? Hindi mo maaaring alisin ang posibilidad na pera lang ang habol nila sa ‘yo. Hayaan mong sila ang gumastos para sa ‘yo. Huwag kang basta-basta gumagastos sa harap nila. Don’t gift them anything extravagant. Seriously, huwag mong hahayaan na malaman nila kung magkano ang mayroon ka.” "Alam ko naman yan. Hindi naman ako tanga para hayaan ang sarili kong pagsamantalahan ng ibang tao." Napatigil siya saglit sa pagsasalita. Heck, kung may nananamantala sa kaniya, hindi ba ikaw iyon? Gusto niyang itanong kay Klyde, pero obvious naman ang sagot. In a way, pumayag naman siya at hindi siya pinilit nito. Maaari siyang tumanggi noon pero hindi niya ginawa. Inakit lang naman niya ito, at inakit din siya nito. Whatever. Ibang bagay pa rin iyon. "Alam mo ba ang tungkol sa mga pre-nup agreement?" Hindi nakasisigurado si Klyde kung anong alam ng dalaga kaya tinanong niya pa rin para matiyak iyon. "Oo naman. My money before marriage, still mine after divorce.” She wiggled her eyebrows at him. The way she put it shows her personality. Nakahinga siya ng maluwag dahil alam nito iyon. “Mabuti kung ganoon. May kailangan pa akong tapusin. Huwag mo muna akong kulitan para makapagtrabaho ako nang maayos.” “Ugh. Gusto ko lang naman makipag-date. Baka sakaling may makilala akong matinong lalaki." Humiga siya sa sofa at tumitig sa kisame. "Ang tagal na mula noong huli akong pumunta sa isang restaurant na may kasamang lalaki. To have a fun night together. Maybe some dancing. Namimiss kong maging abala sa pagpili ng susuoting damit. Siguraduhing maganda ang make-up ko.” Mel muttered about these things without leaving him in peace. /stary/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD