Kabanata 33 – Pagpipilit

1645 Words
Sa pagkakataong ito, maingat na pinag-isipan ni Mel ang bagay na iyon. Hindi iyon biro. Halos maghapon na iyon lang ang iniisip niya. She rolled her eyes at how silly she seemed. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Dalawang bilyon. Pero mapera ka na, Melissa. Hindi mo na kailangan iyon. She talked herself out of it. Hindi niya kailangan ng pera. Nakakatukso man ang dalawang bilyon, saan niya naman iyon gagamitin? Anong gagawin niya doon? Halos hindi na nga siya gumagastos sa ngayon. Sapat na ang mayroon siya para mamuhay ng simple for the rest of her life. Huwag lang siyang babalik sa pagiging waldasera. Kailangan niyang limitahan ang pagpunta sa shopping malls at ang paglabas para mamili ng kung anu-ano. She doesn’t need a complication in life just for money. Masaya na siya sa kung anong meron siya sa ngayon, sa sitwasyon na kinalalagyan niya. Thank you very much. Umaasa siya na iyon na ang kanyang final decision. Klyde isn’t easy to deal with. Marahil sa maikling panahon ay kaya niya itong pakisamahan, but she’s not sure in the long-term. Isa pa, ni minsan ay hindi naman niya talaga naisip na pakasalan ang lalaki. She doesn’t love him. She might like him, but not exactly like a crush. Bagama’t hindi pa niya natatagpuan ang kaniyang ideal man, she wants to keep options open when she meets him. Hindi niya iyon magagawa kung itatali niya ang sarili kay Klyde. And given that man’s personality, hindi iyon papayag na may kahati habang may kasunduan pa sila. He doesn’t even allow her to date anyone at the moment. Sadyang matigas lang ang ulo niya. From what she experienced with her father, gusto niya sana ng lalaking hihigit pa sa kaniyang ama. Minahal nga nito ang kaniyang ina, pero pinabayaan naman siya nang mamatay ito. He’s a loving husband, but a negligent father. Ayaw ni Melissa na maranasan din iyon ng magiging anak niya. The guy has to be a loving husband and a great father. Pero mukhang mahirap nang makahanap ng ganoon sa panahon ngayon. Hindi niya kailangan ng lalaking mamahalin siya ng sobra. Sapat lang ay okay na. Hindi niya kailangan ng isang duwag. Hindi niya rin kailangan ng isang gold digger. At lalong hindi niya kailangan ng lalaking katawan niya lang ang habol at puro pakikipagtalik ang laman ng utak. Mas malala pa roon ay iyong maghahanap pa ng ibang babaeng matitikman. Nakakaloka ang mga lalaki ngayon. Kukunti na lang ang matino. Mas gugustuhin pa niyang manatiling single na lang kung hindi siya makakahanap ng maayos na lalaki. Hindi niya ibababa ang kaniyang standards. She’s got big dreams. Pero aaminin niya, minsan ay binabalewala niya rin ang sariling pamantayan. Kapag natapos na ang kasunduan nila ni Klyde, balak niyang umalis na sa poder nito. Siguro ay dapat na siyang magsimulang maghanap ng maayos na matitirahan. Bibili kaya siya ng bahay o magre-rent na lang? Her lip twitched. Isang katotohanan na sa pagtira niya sa bahay ni Klyde ay wala siyang masyadong gastos. Libreng bahay. Libreng pagkain. Kukunti lang ang nagagastos niya sa bihira niyang paglabas-labas. Hmm… magrerenta na lang siguro siya. Kapag naisipan niyang lumipat ay hindi masyadong hassle. Naiimagine niya ang sarili na nagtatravel sa iba’t ibang lugar. Oh, look. Mukhang may ideya na siya kung anong gusto niyang gawin sa buhay. Or a direction for it. Sa mga sumunod na araw, muli siyang tumutok sa trabaho. Hindi naman iyon masyadong nakakapagod, at minsan lang may mga problemang sumusulpot. Para sa kaniya, okay lang naman makinig sa tsismisan sa loob ng kanilang opisina, maliban na lang kung ikaw mismo ay direktang kasangkot doon. She doesn’t exactly enjoy it. Nakokonsensya siya sa hindi malamang dahilan kapag may pinag-uusapan ang kaniyang mga katrabaho na iba pa nilang katrabaho din without them knowing or behind their backs. Pakiramdam niya ay ginagawa nila iyon kaninuman. Marahil ay kapag siya naman ang nakatalikod o wala sa harap ng mga ito ay pinag-uusapan rin siya. Anyway, nagsimula na naman siyang maging carefree. Sinubukan niyang i-enjoy ang mga araw niya sa opisina. Mayroong ilang mga cute na lalaki sa paligid. Ang kumpanya ni Klyde ay maraming empleyado at imposibleng makasalamuha niya lahat. Gayunpaman, may pailan-ilan siyang nakikilala tuwing breaks nila. Maganda naman si Melissa, mahubog ang katawan, kaya hindi rin nagtagal ay nakaakit siya ng atensyon. After a while, may mga naglakas-loob rin na makipag-usap sa kanya. One eventually asked her out at pumayag rin naman siya makalipas ang isang linggo. Mas matanda ang lalaki ng dalawang taon at halos limang taon na ito sa kumpanya. Isang engineer, kindi niya sigurado kung anong klaseng engineer. Mukha naman itong mabait at isang gentleman. Nang ipaalam niya kay Klyde na lalabas siya upang makipag-date, nagdilim ang mukha ng lalaki. "Anong sinabi ko sayo? Bawal kang makipag-date." Bakas sa tono nito ang pagkainis. She simply rolled her eyes at him. "Sino ka para pigilan ako? Sinuri ko ang kontrata. Walang nakasulat doon na bawal akong makipagdate. Gawa-gawa mo lang yata yang pagbabawal mo." Kumibot ang labi ng binata. Sinong mag-aakalang susuriin talaga nito ang kontrata? " Have you forgotten an important clause? Other matters? Malinaw na sinabi doon na ang ibang mga bagay na hindi saklaw o nabanggit ng direkta ay ako ang magpapasya." Karamihan sa mga kontrata ay naglalaman ng maliit na talatang iyon bilang isang safety net para sa mga bagay na hindi napag-usapan. She huffed, such a swindler. “Oh, ikaw lang ang magdedesisyon? Sigurado akong hindi naman unilateral ang kasunduan natin. Kailangan pareho nating sang-ayunan. Sa ayaw at sa gusto mo, makikipag-date pa rin ako." Mel lifted her chin and stared him down. Nang makita siyang ganoon ni Klyde ay hindi naging maganda ang pakiramdam nito. “Nakalimutan mo na ba yung nangyari noon? You came home with your tail between your legs.” Pagpapaalala niya dito. She swiped her arm in front of her, as if warding off something. “Hindi ko nakakalimutan. Malinaw na malinaw sa alaala ko. Kaya nga hindi ako pupunta kahit saan mang pribado kasama siya. Maging hotel man o bahay niya. Lalabas lang kami for dinner, baka mag-clubbing din. At pagkatapos noon, babalik din ako agad dito. I’ll prioritize my safety this time. Sisiguraduhin kong may mga tao sa paligid kahit saan kami magpunta. Kung walang ibang tao, tatakas ako agad." Pasimpleng tumingin sa kanya si Klyde na may di makapaniwalang ekspresyon sa mukha. Wala siyang masabi, bagaman. Alam niya kung gaano katigas ang ulo ng dalaga. Kahit na makipagtalo siya ngayon, makikipagtalo lang ito pabalik. Hindi iyon magtatapos sa pag-atras ng babae. Pipilitin at pipilitin siya nito. Gayunpaman, naiinis talaga siya na gusto pa rin nitong makipag-date sa ibang tao. Seeing him fuming in silence, ngumisi si Mel. Panalo na naman siya. Ha! Lumapit siya para tapikin ang pisngi nito bago umalis. "Uuwi ako bago mag hatinggabi. Magdadala ako ng sarili kong sasakyan. See, I learned from that shit.” He gritted his teeth as he turned around and watched her go. Hindi siya nasisiyahan sa pinaggagagawa nito. He dialed someone to tail her. Matigas ang ulo nito pero kailangan pa rin niyang siguraduhin ang kaligtasan nito. Siya mismo ay nag-aalala. Bigla siyang nakaramdam ng bahagyang pananakit ng ulo. That brat… Makalipas ang ilang oras, naisipan niyang maghintay sa kwarto ng dalaga. Naisip niyang baka subukan siyang iwasan nito ngayong gabi. Nang makabalik si Mel ay nabigla ito nang makita siya sa kama nito. Her lip twitched. "Kailangan mo ba talagang hintayin ako dito?" "May balak ka bang pumunta sa kwarto ko?" Nakataas siya ng isang kilay habang mariing nakatitig sa pigura ng babae. Pinagmasdan niyang mabuti ang hitsura nito. Medyo magulo ang buhok niya, pero hindi naman sobra. Ayon sa ulat na natanggap niya, medyo pangkaraniwan lamang ang mga ginawa nito at ng kaniyang ka-date. “Hindi ba ako pwdeng magpahinga ng kaunti pagkatapos ng date ko? Kahit isang oras man lang?" "Tutulugan mo lang ako kapag hinayaan kitang gawin iyon." She rolled her eyes at him, "Napaka-inconsiderate mo naman." Bulong niya habang itinatabi ang kanyang bag at kumuha ng pampalit na damit. Sinundan siya ng tingin nito. Hindi na nagsalita pa si Klyde at naghintay na lamang. Nang makita ni Mel na hindi ito umalis sa pagkakaupo, napagtanto niyang dito nila gagawin ang bagay na iyon. Mabilis siyang nag-shower kaya medyo basa pa ang buhok niya nang lumabas siya ng banyo. "Let me just dry my hair." Saad niya at kinuha ang blower upang simulan iyon. Sinadya niyang paghintayin si Klyde nang matagal. She took her time drying her hair. Napangiti siya nang marinig niya itong bumuntong-hininga. She relaxed at pinaghintay pa rin ito. She only went over to him when he finally demanded it. "Halika dito." Bakas sa tono nito ang pagkainip. Hinila siya nito palapit at itinulak pahiga sa kama. Mapagparusa ang halik na iginawad nito sa kaniya at hindi na siya makahinga. Pinipigilan nito ang paggalaw niya habang hinahaplos nito ang kaniyang katawan. Hindi mawari ni Mel ang kaniyang nararamdaman nang iimagine niyang ito ang ka-date niya. Hindi maganda ang dulot niyon sa kaniyang pakiramdam. Sinubukan niyang pantayan ang enerhiya ni Klyde at tumugon sa bawat galaw nito. Gusto nitong marinig ang kaniyang pag-iyak at pag-ungol ng malakas. She scratched his arms a little. Kumunot ang noo ni Klyde. This vixen didn’t cut her nails. Katulad ng dati ang mga reaksyon nito na medyo nagpakalma sa kanya. Ilang beses nitong tinawag ang pangalan niya na nagpawi ng galit nito. Ayaw niyang may iniisip itong ibang lalaki kapag kasama siya nito. Nanlambot ang buong katawan ni Mel at nasubsob siya sa mga kumot. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang pinupuno ng binhi ng binata ang kaniyang kaloob-looban. Hindi na niya maimulat ang mga mata ngunit ramdam pa rin niya ang mga galaw nito. Niyakap siya nito para matulog, pumapaibabaw ang mga binti nito sa maliit niyang porma. /stary/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD