Ganoon din naman ang naisip ni Mel noong una, kaya naiintindihan niya ang reaksyon ng matanda. Who knows if he’ll change his mind, though? Medyo nakaramdam siya ng pagka-awkward dahil doon. Lover, huh? Well, yes. Ganoon nga ang role niya ngayon sa buhay ni Klyde. Bed partner ang terminong ginamit nila, pero pareho lang iyon.
Noong gabing iyon, wala siya sa mood na sumiping sa lalaki. Hindi siya pumunta sa kwarto nito at nahiga na lamang sa sarili niyang kama. Ngunit hindi siya makatulog. Hindi naman siya masyadong apektado, pero naging mailap pa rin ang pagtulog sa kaniya.
Nang hindi siya makita ni Klyde sa silid nito, hinayaan na lamang niya iyon. Pagod din naman siya. Nagtrabaho siya mula pa kanina, nang makaalis ang kaniyang lolo. Tinapos niya ang karamihan sa kaniyang backlog. May mga natira pa rin para naman bukas.
Nang magkasabay silang mag-almusal, medyo awkward nga ang namagitan sa kanila. Nakahinga ng maluwag si Mel nang hindi nito banggitin ang hindi siya magsulpot sa kwarto nito kagabi.
"So, anong plano?" Tanong niya nang matapos silang kumain.
Nagtaas ito ng kilay bago tumingin sa kanya. “Anong plano?”
“Well, you know…”
"Huwag mo na lang pansinin. Nothing changes." Saad ng binata.
Huminga ng malalim si Mel. Well, wala naman talaga siyang pakialam.
“Okay.” Nagkatitigan lang sila saglit.
Maya-maya, nagsalita ulit ang babae.
"Ibig bang sabihin noon hindi na ako inaalok ng lolo mo ng dalawang bilyon?"
He snorted, "We’re you even considering that offer?”
Nagkibit-balikat si Mel, “Well, you never know. Siguro kung hindi ka masyadong nakakaintimidate. At saka hindi gaanong nakakairita.”
She emphasized the last word, making him frown.
"Sa ating dalawa, mas nakakainis ka." Ganti niya.
Ngumisi ang dalaga. Mukha na naman itong naiinis. Panalo siya sa round na iyon nang walang problema.
Lumipas ang ilang linggo at nagulat si Mel nang bisitahin siya ng lolo ni Klyde. Sa kumpanya pa ng lalaki, habang oras ng trabaho niya. She received enough curious looks when the old man requested to speak with her. Huh, did he time it? Kasalukuyang wala si Klyde doon, may pinuntahan na namang business trip.
Nakagat niya ang labi habang sinusundan ang isa sa mga assistant ni Klyde. Nasa opisina nito ang matanda. Ugh. Ano na lang ang idadahilan niya sa kanyang supervisor mamaya? Should she say she’s a distant relative? Well, no. That’s a bad idea. They’ll think of nepotism with that information. Family friend na lang siguro. Hindi nalalayo sa katotohanan. Kaibigan naman ni Klyde ang ama niya, di ba? That shouldn’t give her any problems, right? Bahala na. Huminga siya ng malalim. Magreresign na lang siya kapag hindi naging maayos ang sitwasyon.
Medyo kinabahan siya sa muli nilang pagkikita. He doesn’t like her now, does he?
Kumatok ang assistant sa pinto at ipinaalam sa matanda ang kanyang presensya.
"Hello po." Matipid niyang pagbati habang nakatayo siya sa may pintuan.
Pinaningkitan ni Enrico ang kanyang pigura bago iminuwestra ang upuan sa tapat niya. "Maupo ka."
Her lip twitched. “Sesermonan niyo po ba ako? Kung oo, babalik na lang ako sa trabaho ko. Marahil ay nagtataka na iyong supervisor ko kung saan ako nagpunta."
The old man huffed, "Maupo ka. Anong karapatan kong pagalitan ka?"
Inayos ni Melissa ang sarili bago lumapit dito. "Hindi po ba kayo shareholder ng kumpanyang ito? Isang hamak na empleyado lang naman ako. Pwede niyo naman akong pagalitan.”
Masyado itong masiyahin for his liking. Gusto niya ang nakakatuwang personalidad nito.
"Wala naman itong kinalaman sa trabaho mo."
"Ay, ganoon po ba? Eh, tungkol po ba saan ang pag-uusapan natin?” Maaari rin kaya siyang humingi ng dalawang bilyon mula rito kung sasabihan siya nitong layuan ang kaniyang apo? That won’t be so bad. Pero alam rin naman niyang unrealistic iyon. She inwardly grinned.
“Nakipagkasundo ka ba talaga kay Klyde? Hindi ka niya pinilit o tinakot para pumayag sa gusto niya?”
“Well, I made the decision on my own, kung iyon po ang itinatanong mo. He can be intimidating pero hindi naman niya ako tinatakot."
"Siya ang kasalukuyang tagapamahala ng iyong mana. Sigurado akong nakaapekto iyon sa iyong desisyon."
Nagkibit balikat si Mel. “Siguro. Pero desisyon ko pa rin naman na akitin siya. My idea was to seduce my inheritance out of his hands. Thankfully, sarili niyang pera ang binibigay niya sa akin bukod sa maliit na kabahagi ng aking mana na tinatanggp ko buwan-buwan. It’s a win-win situation, di po ba?”
“Don’t you feel cheated? Masyado ka pang bata kumpara sa kaniya. Klyde is experienced in making deals, convincing people to agree to his terms.”
Mel pursed her lips. Well, sumasang-ayon siya sa pahayag na iyon. Gayunpaman, nagdesisyon siya at paninindigan niya iyon.
Umiling siya bago sumagot, “Naiintindihan ko naman po iyon, but no… I don’t feel cheated. I find it fair. He does give a low starting amount but there’s always room for negotiation. Madalas naman siyang pumapayag kapag humihingi ako ng mas malaking halaga. He’s not entirely unfair.”
Napataas niyon ang kilay ni Enrico. "Ganoon ba?"
Tumango si Mel at nagkibit balikat. Personally, ayaw niyang malaman ang private affairs ng kanyang apo. Hindi siya interesadong malaman kung anuman ang ginagawa niya sa mga babae niya.
She slowly widened her eyes as they stare at each other with each passing minute.
"Itigil mo nga yan." Nagulat ang matanda sa ekspresyon nito na medyo nakakatakot. Ngumisi si Mel, ngunit hindi naglakas-loob na tumawa.
“So, nandito ka po ba para bawiin ang offer mo? Ayaw mo nang pakasalan ko si Klyde? You want me to f**k off? Kung ganoon, babayaran mo ba ako? Say half a billion. I’m giving you a huge discount.”
His lip twitched. Ano ba ang iniisip ng dalagang ito?
"Sinong nagsabing binabawi ko ang aking alok?" He huffed while reconsidering his thoughts. Nababagay ba talaga ang babaeng ito isang kagaya ni Klyde? Nagdududa siya ngayon.
Nagulat si Mel sa sagot nito. Oh, totoo ba?
"Talaga? You’re still offering it? Gusto mo pa ring pakasalan ko ang apo mo?"
He huffed again, clearly unimpressed. “Pinag-isipan ko itong mabuti. Kung tutuusin, hindi nga naman masama ang sitwasyon ninyo. Hindi pangkaraniwan, pero hindi rin naman ipinagbabawal. Hindi lahat ay tatanggapin ang ginawa niyo, o ituturing iyong tama. May mga mag-aakusa pa rin kay Klyde na namamantala siya sa ‘yo. You’re his legal ward, are you not?”
"Uh huh. A twenty-four years old ward, sure. I’m legally able to make my own decisions, though. Si dad lang naman yung naglagay ng conditions sa Last Will niya dahil alam niyang hindi ako marunong humawak ng pera.”
"Are you really not concerned?" Nakaka-curious ito para sa kanya. Karaniwan, ang mga kababaihan ay napaka-conscious sa kung ano ang opinyon ng ibang tao tungkol sa kanila. Pinoprotektahan nila ang kanilang imahe at reputasyon.
"In a way. Natutunan kong huwag pansinin ang mga negatibong opinyon ng ibang tao tungkol sa akin. They don’t know me."
“That’s a good trait.”
“Yes. It makes them hate me more.” She wiggled her eyebrows while smiling.
He has this feeling that this girl is not as she portrays herself to be. She seems wise, and yet… she’s a little difficult to read.
“Tungkol sa offer ko… I mean, since meron na kayong ganiyang klase ng relasyon, marahil ay pareho kayong hindi tutol sa pagpapakasal.”
"Marahil ay papapirmahin niya ulit ako ng panibagong kasunduan kung sakali mang matuloy yan."
"I don’t doubt that." Pagsang-ayon niya sa tinuran ng dalaga.
“Still, you won’t need to worry about your dad’s company if you marry Klyde. Obligado siya na pamahalaan iyon para sa ‘yo kapag nakasal na kayo.”
“Not if he insists on signing a pre-nup agreement. Tingin ko ay siya yung tipo ng tao na hindi magpapakasal kung wala noon.”
Huh, hindi iyon makontra ng matanda. Parang mas kilala pa ng dalaga ang apo niya kaysa sa kanya. Mabuti na rin at naiintindihan nito ang pagkatao ni Klyde.
“Tama ka. Anyway, the point is, maaari mo rin siyang mapapayag na i-manage iyon nang maayos para sa ‘yo. Pwede mo ring ibenta sa kanya ang kalahati noon upang mapilitan rin siyang pangalagaan iyon."
Mel perked up at this. That’s actually a good idea. Alam niya na hindi niya pwedeng ibenta nang basta-basta ang kumpanya. Kahit papaano ay may parte pa rin doon ang ina niya. Marami itong naisakripisyo para lang lumago iyon, hindi lang ama niya. Tanggap naman ni Melissa na malamang ay hindi siya makakakuha ng maraming pera, dahil kalakihan sa bahagi ng mana niya ay ang halaga ng kumpanyang iyon. Pero kung ibebenta niya ang kalahati kay Klyde… magiging pera iyon. Ngumisi si Mel.
Well, s**t. She almost forgot one important thing. Gusto rin nga pala ng matandang ito na magkaroon ng anak si Klyde. That was the unappealing part for her.
“Gah, you’ll need more to convince me.”
At dahil doon, buong umaga silang nag-usap tungkol sa bagay na iyon. Hindi siya madaling makumbinsi. Hindi niya sigurado na kung sakaling maghiwalay sila ay ibibigay ni Klyde sa kaniya ang custody ng bata. Would he be so unbothered by a child as well?
Sa halip na magdesisyon agad, napagtanto niyang dapat din niya itong kausapin. Papayag kaya ito?
/stary/