Napabuntong-hininga si Klyde. “Wala kang matutunan kung ibibigay ko lang sa iyo ang mga solusyon. Bakit hindi mo simulang mag-aral kung ano ang mga prinsipyo at proseso sa pamamahala ng mga asset? Tingnan mo kung alin ang gusto mo. Karamihan sa mga financial institutions ay may ganoong klase ng serbisyo. Do your research. You can look at the big banks and trust fund companies. Kailangan mong malaman kung ano ang gagawin nila sa pera mo, what the guidelines are, how much earnings to expect… Dapat mo ring alamin how trustworthy they are, their track record, would they be responsible for any decrease in valuation… You have to check it all. In that way, you’ll know what questions to ask when the economic situation changes. You should at least know what to expect.”
Ugh. This man is insufferable. Gusto lang yata nito na pahirapan siya. Ganoon ba talaga kadami ang dapat niyang paghandaan?
"Ang pagtatrabaho mo sa opisina ay makakatulong upang maunawaan mo kung paano mag-operate ang isang negosyo. Bagama’t limitado ang makikita mo roon, malamang ay naririnig mo rin ang mga problemang kinakaharap ng ibang departamento. Also, you graduated with a business course. Inaasahan kong kahit papaano ay pamilyar ka sa ma terminong ginagamit sa pamamahala ng negosyo.”
Bumuntong-hininga si Mel at napiliting umayon sa mga sinabi nito. “Oo na. Naiintindihan ko. Susubukan kong aralin ulit lahat yan.”
Sa pag-alis ng abogado ay nakasalubong nito ang lolo ni Klyde. Binati niya ang matanda na kakilala naman niya.
"May problema ba?", nag-aalalang tanong ni Enrico.
"Wala naman. Patungkol lang sa mana ni Ms. Franklin ang ipinunta ko dito. I needed an update mula sa kanilang dalawa. Mukhang maayos na ang pakikitungo nila sa isa’t isa.” Ngumiti ang lalaki at siniguro siya.
"Ms. Franklin? May kaugnayan ba kay William Franklin?"
“Yes, si Melissa ay anak ni William. Klyde was appointed as her legal guardian and administrator of the estate until she’s thirty.”
"I see." Na-distract siya saglit. Si Melissa?
"Uuna na ako sayo, Enrico. May susunod pa akong lalakarin. It’s a pleasure to meet you today.”
“Ah, sige. Ikaw rin. Nagtatrabaho ka kahit weekend, ha?"
“Well, ganoon talaga. Sa muli nating pagkikita."
Nakakunot noo si Enrico nang pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan niyang may pinag-uusapan sina Melissa at Klyde sa sala.
“Oh, tingnan mo. Nandito na ang lolo mo." Si Melissa ang unang nakakita sa matanda at binati niya ito sa pamamagitan ng pagkaway.
She's sensible enough at naisip niyang bigyan ng privacy ang dalawa. Marahil ay may kailangan silang pag-usapan. Tumayo na siya para umalis.
"Anak ka ba ni William?" Hindi niya akalain na ang dalagang ito ay anak ng lalaking iyon. Nakalimutan niyang itanong ang apelyido nito noong nakaraang bumisita siya.
Medyo hindi natuwa si Mel sa tanong nito, na napansin niya.
“Ah, opo.”
"Ilang taon ka na?"
"Twenty-four na po ako ngayon." Ngumiti siya. Mas magiging maayos ang pakiramdam niya kung hindi nila babanggitin ang kaniyang ama.
Napansin naman ni Mel ang pagkunot-noo ng matanda. At parang iba ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Hindi katulad noong nakaraan. Parang hindi ito natutuwang makita siya ulit.
Napasulyap siya kay Klyde na sumenyas sa kaniya. Pinapaalis na siya nito.
“Well, I’ll excuse myself. May assignment pa kasi akong gagawin."
Naghintay si Enrico hanggang sa makaalis ang dalaga bago niya hinarap ang apo at pinangaralan ito.
“Ano na namang naisipan mo? Kinukulang ka na ba talaga sa babae na pati anak mismo ni William ay kinakama mo?” Just the idea itself was so outrageous. Hindi niya akalaing magagawa iyon ni Klyde.
“At napakabata pa niya. Did you coerce her? Blackmailed her or something? Paano ka naging administrator ng kaniyang ari-arian?” Pagpapatuloy pa niya.
Nagsimula nang makaramdam si Klyde ng sakit ng ulo dahil sa dami ng tanong na binabato sa kaniya ng kaniyang lolo. Old-fashioned ito at conservative. Hindi naman niya tinatago si Melissa mula rito. He’s convinced that he has done nothing wrong. The arrangement between them was made by two consenting adults. If anything, si Melissa pa nga ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng kasunduan. Ito ang unang nang-akit sa kaniya.
Nagpalakad-lakad si Enrico sa sala habang dahan-dahan ipinapaliwanag ni Klyde ang mga pangyayari.
“She’s the one who seduced me. That meant she’s willing. Hindi ko naman siya nakita o nakilala noong bata pa siya. Nagkita lang kami noong binabasa na ang Last Will ni William. She’s already of age, then.” Pareho lang ng sinabi niya kay Melissa ang sinasabi niya ngayon sa kaniyang lolo. Sa kaniyang paniniwala ay wala namang mali sa kanilang ginagawa.
Totoo rin naman na ang babae talaga ang unang sumubok na iintimidate siya at iblackmail. Hindi nga lang siya nagtagumpay.
Hindi pa rin makapaniwala si Enrico. Pakiramdam niya ay tumanda agad siya ng ilang taon dahil sa bigat ng kaniyang kalooban. Nababagabag siya sa ginawa ng apo.
"Akala mo ba ay ganiyan din ang iisipin ng iba? Hindi sila maniniwala na ginawa mo iyan nang walang malisya. She’s what? Half your age? Kahit sabihin mo pang inakit ka niya, bakit mo pinatulan? Napakaraming babae ang nagkakandarapa sa ‘yo, bakit siya pa ang pinili mo? May sira ba ang ulo mo?”
“Pops, kalma ka lang. Sit down. Wala akong ginagawang illegal.” His lip twitched, seeing his old man so worked up.
Naupo si Enrico sa sofa, kita sa mukha nito ang pag-aalala at pagkagalit. “Tinanong mo na ba ‘to sa sarili mo? Kung buhay pa si William, nanaisin ba niyang paglaruan mo ang anak niya? Are you out of your mind?”
Malakas ang boses nito at nakikinig talaga si Mel sa kanilang usapan. Hindi niya isinara ang kaniyang pinto dahil gusto niyang mag-eavesdrop. Hindi niya akalain na siya nga ang pag-uusapan ng mga ito. She rolled her eyes at what she heard bago tuluyang isinara ang pinto. Sapat na ang narinig niya. Parang kailan lang ay sinusuhulan siya ng matanda para pakasalan ang apo nito, ngunit ngayon ay nagbago na yata ang isip nito nang malaman kung sino siya. Her lip twitched as she went to her bed. She likes weekends. Mas maraming oras para matulog. Makatulog na nga lang.
Naalala rin ni Klyde ang puntong iyon at pinaalalahanan ang matanda. “Sa narinig ko, inalok mo pa nga siya ng dalawang bilyon. Natutuwa kang malaman na may babaeng nakatira sa bahay ko. Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayong nalaman mong anak siya ni William?”
“Hindi ba’t malapit mong kaibigan si William? Matagal na panahon ang inyong pinagsamahan. Mas nararapat na alagaan mo ang kaniyang anak sa halip na gawing parausan.”
Klyde rolled his eyes at his grandfather. Kung makapagsalita ito ay animo’y labis niyang pinagsasamantalahan ang babae.
To be fair, alam niyang hindi nga sasang-ayon si William sa kaniyang ginagawa kung buhay pa ito ngayon. If he’s still alive, that is. That’s kind of the point. Wala na ito, kaya’t alam niyang hindi mangyayari ang mga komplikasyong naiisip ng kaniyang lolo. If Mel was so much trouble, hindi niya gagawin ang ginawa niya.
“I didn’t realize I raised a bastard. That’s it? Just because he’s already dead?” Mas lalong nagalit si Enrico nang marinig ang baluktot niyang katwiran.
It was at this moment Klyde knew there’s no convincing his grandfather. Yeah, he was an opportunistic bastard.
“Wala siyang ibang kamag-anak, tama ba?” Tanong bigla ni Enrico.
Nagkibit-balikat si Klyde, “Sa pagkakaalam ko ay wala. Nag-iisa na lamang siya.”
“Anong plano mong gawin? Napakabait niyang bata. Masiyahin. You’re not going to ruin her life, are you? Anong plano mo?”
Napatitig siya sa matanda.
“May kasunduan kami. As long as it’s working, we’ll continue with it. Kung hindi, we’ll go our separate ways.”
“Ipagpapatuloy mo pa rin? Boy, I was waiting for you to say you’ll end it here and now.”
Ugh, he should have known.
“Pops, alam ko ang ginagawa ko, okay?” For some reason, ayaw niyang gawin ang gusto ng matanda.
“Kapag nakalabas ‘to sa media, siguradong pagpipiyestahan ka. Kayong dalawa. Naisip mo ba yun?”
Inikot ni Klyde ang kanyang mga mata, “They wouldn’t dare to write false accusations. My logic wasn’t really flawed. It’s not like I’m the first guy to get a lover half my age. There are plenty of older men with very young women.”
“And they’re frowned upon. They’ll think you’re some pedo who groomed a child.” Pagpapaalala ni Enrico.
“Hindi naman ganoon ang sitwasyon namin. Twenty-three na siya nang magkita kami.”
"Sigurado ka bang hindi mo siya nakita noong bata pa siya?"
“I didn’t. And what difference does that make if I saw her once? I didn’t raise her.”
“Ah, basta. Hindi pa rin ako makakapayag. You better let that child go. Itigil mo iyang kahibangan mo.”
“She’s not a child.”
“Compared to you and me, she’s still very much a child, boy. Huwag mo akong bigyan ng sakit ng ulo. Gawin mo na lang ang sinasabi ko."
Hindi sumagot si Klyde. Iginagalang niya ang matanda ngunit hindi siya papayag na diktahan ang kanyang mga kilos. Bahagya niyang hinilot ang sariling sentido habang nakatitig sa kaniyang lolo.
Nang makita nito ang kaniyang reaksyon, nakikinita na ni Enrico kung ano ang iniisip ng kaniyang apo. Lalong tumindi ang nararamdaman niyang galit dito. Bakit ba hindi marunong makinig ang batang ito sa kaniya?
“Sige. Bahala ka. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Ayaw mong mag-asawa. Ngayon naman, pumapatol ka sa sobrang nakakabata sayo. Sana mauntog mo iyang ulo mo kung saan nang matauhan ka. Huwag mo akong kausapin hangga’t hindi mo ginagawa ang mga sinabi ko.” Bumuntong hininga ito bago naglakad patungo sa pinto. On his way out, bahagya niyang hinampas ang ulo ni Klyde. That should teach him. Bagama’t hindi iyon gaanong malakas, kaya’t hindi rin masyadong masakit.
Kumunot ang noo ni Klyde sa direksyon nito habang hinahawakan ang ulo. Did he just hit him? His lip twitched. Umaasa kang mauuntog ako pero ikaw na mismo ang gumawa, pops.
Napabuntong hininga rin siya. Well, he might act on it when he begins to miss the old man.
/stary/