Ngumiti lang si Melissa sa kanya at nagkibit-balikat. It was a silly thing. Most likely, only a naïve person like her would wish for it.
Nasiyahan sila sa mga pagkaing nakahanda, gayundin sa cake. Nang matapos sila, dali-dali siyang pumili ng ilang lobo at tinusok ang mga iyon gamit ang karayom. Oh, boy. Bakas sa mukha ni Klyde ang pagkairita. Ang kanilang pagsabog ay nagdulot ng napakalakas na tunog. Given how he’s used to a quiet working environment, she’s really testing his patience. Binalaan niya ito gamit ang masamang tingin, bago umalis na umiiling.
Gayunpaman, ngumisi pa rin si Melissa. Sapat na ang reaksyon ng lalaki. Iyon talaga ang gusto niyang mangyari. Kumuha pa siya ng ilang lobo para dalhin sa study nito.
Nang mapansin siya nito at nakita kung ano ang mga dala niya, nagbabala siya, “Sinasabi ko sayo, hindi mo gugustuhing paputukin ang mga iyan dito. Subukan mo at hindi ko ibibigay sayo ang regalo mo.”
Nakangiti siya sa binabalak na kalokohan at hindi niya agad naproseso ang sinabi nito. Nanlaki ang mata niya, "Oh, may regalo ka sa akin?"
Bigla siyang natuwa at binitawan ang mga lobo. "Nasaan na? Asan? Ibigay mo na sa ‘kin.”
His lip twitched sa inasal nito. Animo’y batang excited na makatanggap ng regalo. Well, umaasa siyang nasa bag nga niya ang kahon. Bahagya siyang tumikhim bago inabot ang bag. Inwardly, he was relieved to find it there.
“Oh, heto. Happy birthday ulit.” He presented it to her on his hand.
Lalong lumawak ang ngiti ng dalaga at masayang kinuha iyon.
“Ano ‘to?” Nang makita niya ang maliit na kahon, nahulaan na niyang alahas ang laman niyon. Kwintas ba? Bracelet? Earrings?
"Bakit hindi mo buksan nang malaman mo?" Umupo na siya at binuksan ulit ang laptop. May kailangan talaga siyang ireview na mga file. Sa pakiwari niya ay may pagkamahal ang biniling regalo ng kaniyang assistant.
Napasigaw si Mel nang makita ang nasa loob noon. Damn, mayaman talaga ang lalaking ito. Isa itong silver na kuwintas, ngunit ang pendant nito ay lubos na kapansin-pansin. Ang disenyo niyon ay isang bulaklak. Isang malaking brilyante ang nasa gitna at maliliit naman ang nasa paligid nito.
Napangiwi si Klyde nang marinig ang bulalas nito. Napakatinis ng boses na tumagos sa kaniyang eardrums. Binigyan siya nito ng isang side-eye.
“Please tell me these are real diamonds.” She quickly zoomed towards him.
“They are, aren’t they? Hindi ka naman siguro bibili ng peke.” She began a monologue in front of him.
“Tingnan mo, sobrang ganda. Maraming salamat." Isang sigaw pa ang pinakawalan nito bago siya niyakap sa leeg.
He was gritting his teeth in tolerance. Just for today. He’ll only suffer for today.
“Ang bait mo. Salamat. Salamat. Salamat." Matapos halikan sa pisngi ay tinapunan niya pa ito ng flying kiss habang naglalakad paatras.
Umupo siya sa sopa at hinangaan ang alahas, lalo na ang mga diyamanteng naroon. Napakaganda nito. Binilang niya ang maliliit na brilyante. Hindi niya maiwasang mag-isip kung magkano ang halaga nito. Bukod pa roon, hindi niya talaga inaasahan na bibigyan siya ni Klyde ng regalo. Nilingon niya ito, ngunit nakatutok na ito sa kanyang trabaho. Hmm, hindi nito sinagot ang mga tanong niya. Giggling, naisip niya na malamang ay iniutos lang nito ang pagbili sa assistant niya. Okay na yun. Ang mahalaga ay naalala nito ang birthday niya at naghanda ito ng regalo.
She contentedly waited for him. Inilabas niya ang kanyang phone para manood ng mga video habang naghihintay.
Pagkaraan ng ilang sandali, naisip ni Klyde na baka gusto nitong mag-rain check ngayong gabi. Tinanong niya ito pero umiling ang babae.
A thought occurred to her at tinanong niya si Klyde kung pwedeng sa Sabado na lang siya mag-rain check. But then, Lily’s already living with that Cedrik guy. Ugh. Malamang ay hindi siya pwedeng mag-overnight doon.
Kinindatan niya ang lalaki at tumayo. Gamit ang isang kamay, iminuwestra niya ang sariling katawan.
“This is a present. I was hoping you would unwrap it.” Gusto niya ang pulang dress na iyon. It made her feel very sexy.
"Well, if you’re sure." Kung iyon ang gusto ng dalaga, bakit hindi?
Pagsapit ng Sabado, nakipagkita si Mel kay Lily kinahapunan. Dinalhan siya ng kanyang kaibigan ng cake at kinantahan siya ng birthday song. Napatingin ang mga tao sa paligid nila. Medyo nakakahiya, pero ang sweet ng gesture na iyon. Umupo sila sa isang outdoor café kung saan siya nag-order ng inumin. Binigyan siya ni Lily ng gift bag na mabilis niyang binuksan. Sa loob ay may dalawang magagandang damit. Bahagyang tumili si Mel, excited na makita ang mga iyon. Parehong maganda. She’s already in love with them.
Wala silang masyadong pinag-usapan. Tinanong siya ni Lily tungkol sa bago niyang trabaho. Tinanong naman ni Mel ang kanyang kaibigan tungkol sa kasintahan nito. Napag-usapan rin nila si Klyde. Binanggit niya kay Lily ang regalong natanggap mula rito.
"Dala ko." Pagkatapos ay ipinakita niya iyon kay Lily. Ito na ang paborito niyang accessory. Ang kahon na kasama nito ay may pangalan ng isang sikat na kumpanya. At oo, nagbebenta lamang sila ng mga tunay na diamante. They’re more known for their wedding rings, though.
"Wow, that looks very beautiful."
"Sinabi mo pa. Sobra akong namangha dito nang matanggap ko."
"Oh, bakit hindi mo sinusuot?" Bigla iyong napansin ni Lily at tinitigan ang kaibigan.
“Gusto ko, pero hindi sa trabaho. O kapag lumalabas na kagaya nito. Maybe at a social party or something. I’ve been wearing it at home, though.”
Napilitan si Klyde na maging pamilyar dito dahil lagi niyang sinusuot iyon tuwing gabi na nagsisiping sila.
Naging masaya siya kasama si Lily noong araw na iyon. Nanood rin sila ng sine.
“Bakit ayaw mong sumama samin ni Cedrik sa labas? Magkakasundo naman kayo nun. Introverted yung tao. Hindi mo kailangang mag-alala kung paano makikipag-usap sa kaniya.”
Pinanlakihan siya ng mata ni Mel. “Ayokong maging third wheel. As if naman hindi mo siya papansinin para makipagkwentuhan sa ‘kin? Duda ako dun. Ayoko ring makita kung paano kayo maglampungan. Spare me the torture.”
Natawa si Lily sa kanyang madramang pahayag.
"Torture ka diyan. Kung magsalita ka parang hindi ka nakaranas noon. Nakaka-miss rin kaya yung pag nag-oovernight tayo. Inuman at kwentuhan.”
“Hmm, ako rin namimiss ko yun.”
Lumipas ang mga araw. Maayos ang takbo ng mga bagay-bagay. Hindi eksaktong kapana-panabik, pero ayos na rin. Simple at tahimik.
The following weekend, binisita sila ng abogado ng kanyang ama. Buti na lamang at parehong nasa bahay silang dalawa ni Klyde. The man simply asked how they’re managing the situation, getting updates on any developments, how much of the inheritance has been given to Melissa already, how they plan to proceed, and if Klyde’s really going to wait until she’s thirty. Bilang kanyang legal na tagapag-alaga, si Klyde talaga ang magpapasya kung gusto niyang ibigay ito sa kanya nang mas maaga. Umaasa ang abogado na mas bumuti ang kanilang sitwasyon.
“Ilang buwan na siyang nagtatrabaho ngayon. Currently, she’s at my company. Kakailanganin pa rin niya ng mas maraming karanasan.” Panimula ni Klyde.
"Cash lang ang habol ko." Dagdag pa ni Mel, “Yung company at yung investments, siya na lang ang mag-manage. Kung ayaw niya, umaasa ako na makakahanap siya ng ibang gagawa noon.”
"Hindi ko pa rin inaalis ang posibilidad na gugustuhin mong pamahalaan iyon balang araw. May ilang taon pa naman."
Bumuntong-hininga si Mel sabay inikot ang mga mata, “Not interested. Hindi iyon mangyayari. Maaaring nakumbinsi mo akong magtrabaho sa opisina, ngunit sigurado ako na hindi ako mamamahala ng isang malaking kumpanya. Spare me the horror.”
Natuwa naman ang abogado dahil mukhang mas magkasundo na silang dalawa kumpara noong una silang magkita-kita.
“Saka marunong na akong mag-ipon. Marami na akong pera sa bank account ko ngayon.” Buong pagmamalaking pahayag ni Mel, even lifting her chin.
Tumango ang lalaki bilang pagsang-ayon, “Mabuti naman. Dapat mong matutunan kung paano pamahalaan ang iyong sariling pananalapi. Hindi mo dapat lalampas doon ang ginagastos mo araw-araw. Mag-ipon. Mamuhunan. Sana wala kang utang?"
“Ay, wala po. Nabayaran ko na ang mga bayarin ko."
“Mga bayarin sa credit card?”
“Wala rin. Marami akong pera noon, kaya hindi ko nakita ang pangangailangan na magkaroon ng credit card. Sapat na iyong debit card ko. Mas mainam kaysa sa credit.” Sagot ni Mel.
"Well, hindi ka nagkakamali." Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki. Medyo unpredictable ang personalidad ng babaeng ito. Masungit ito at medyo galit magsalita noong mga panahong wala itong pera. Mukhang maayos na nga ang sitwasyon nito ngayon. Mabuti naman.
“Good. I just needed to know so I can write a report and attach it to the documents. You’ve had your birthday recently and I was meant to check up on you every year.”
"Oh, talaga?"
“Yes. May mga tanong ka ba?”
"Kung makakakuha ako ng isang mapagkakatiwalaang tagapamahala ng mana ko, ibibigay mo ba sa akin ang kabuuan nito?" Tinanong niya ito kay Klyde, sa harapan mismo ng abogado.
" Don’t put your eggs in one basket. Naiintindihan mo ba ang kasabihang iyon?"
"Uh, hindi ko dapat ipagkatiwala ang lahat sa isang tao lang?"
“Tama. Hindi sapat ang isang fund manager. Kumuha ka ng dalawampu o higit pa."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang payo nito. “Dalawampu? Niloloko mo ba ako?"
Sumingit ang abogado, “Considering the size of your inheritance, it’s reasonable. Pinapababa ng diversification ang risk na kaakibat ng iyong pera kapag hahayaan mong pamahalaan ito ng iba. Kung ibabahagi mo ang iyong mana sa iba’t ibang mga fund manager, mas maliit ang tyansang mawala ang lahat sayo. Kahit pa sabihing mapagkakatiwalaan sila, hindi mo sigurado kung magbabago ang kanilang pag-uugali. Baka mamaya ay dayain ka lang at itakbo ang pera mo. Isipin mo kung isang tao lang iyon, kumpara sa madami. Twenty is the suggested minimum number for a properly balanced portfolio.”
Umawang ang labi niya. Damn. Saan siya makakahanap ng ganoon karaming fund managers?
“Marami kang koneksyon, di ba? Siguro naman ay may kilala kang mga fund managers. Sa yaman mong yan, sigurado akong pinagkakatiwala mo rin sa iba ang parte ng yaman mo. Don't tell me ikaw mismo ang gumagawa noon?" Tanong niya kay Klyde.
/stary/