Mabilis na nakapag-adjust si Melissa sa pagkakataong iyon. Ang kanyang mga bagong katrabaho ay hindi kasing sosyal ng mga dati niyang katrabaho. Hindi rin sila gaanong maingay. Mas seryoso sila sa trabaho. Nag-uusap pa rin sila paminsan-minsan, ngunit malimit lamang iyon. Kapag may trabaho sila, tinututukan nilang tapusin ang mga ito bago maglaan ng oras para magrelax. Gusto niya iyon, pero... medyo nakakatamad. Palagi na lamang ganoon at walang masyadong hamon. Sabagay, hindi naman siya palahanap ng hamon. Medyo boring lang kasi. Pero ito naman ang hanap niya, di ba? Hindi masyadong stress na trabaho. Nakakabagot nga lang.
Makalipas ang ilang linggo, pinag-iisipan niya kung ano ang kaniyang gagawin na nalalapit niyang kaarawan. Natapat iyon sa araw na may trabaho siya, kaya hindi niya alam kung maiimbitahan niya si Lily at ang kasintahan nito. Malamang ay sa weekend na lamang sila magkakikita.
Tinanong niya si Klyde kung gusto nitong makipag-date sa kanya, friendly date lang ba. Sa ngayon ay ayaw niya pang subukang muli dahil sa huli niyang karanasan.
Nakakunot ang noong nagtanong si Klyde, “Gusto mo pa ring nakikipag-date? You should focus on your career, lady. Bata ka pa naman."
“Uh-huh, says the older guy na hindi interesadong makipag-date. Sige na, friendly date lang naman. Birthday ko yun at gusto kong lumabas."
"Pwede ka namang lumabas kung gusto mo." Sagot nito, hindi nauunawaan kung ano talaga ang gusto niya.
"On my own? Ayaw ko nga." Hindi siya makapaniwala sa suggestion nito.
"May kaibigan ka naman, di ba? Bakit hindi mo sila imbitahin?"
“Bukod kay Lily, wala akong ibang kaibigan. Medyo napahiwalay ako sa kanila mula nung naka-graduate kami ng college. Marahil ay napagtanto nila na hindi ko sila matutulungan na makapasok sa mga trabahong gusto nila. Hindi na sila masyadong lumalapit sa ‘kin. Akala siguro nila ay marami akong koneksyon. Meron naman, pero hindi ko ugaling mang-abala ng ibang tao. Saka hindi ko rin gusto iyong ganoong kalakaran. Magrerecommend ako? Ako na walang alam? Baka mapahiya lang ako. Si Melissa Franklin lang naman ako, hindi ako kagaya ni Klyde Henderson. Anyway, may pasok si Lily sa araw na iyon at malamang ay kasama niya ang boyfriend niya. Ayaw ko naman silang abalahin. Siguro sa weekend, pero syempre… hindi na yun yung mismong kaarawan ko."
Napabuntong-hininga si Klyde. Naparami na naman ang mga sinabi nito. Nagkatitigan sila, hinihimok siya nitong sumang-ayon as she wriggled her eyebrows and showed him her hopeful eyes.
“You realize it won’t be good if people see us together, especially those with malicious intentions. They might dig into why we’re together and it would go badly for both of us. I’m supposed to be your legal guardian. And even if that’s not saying much, imagine how people would react if they get a hint that we’re sleeping together.”
Pinanlakihan siya ng mata ni Mel, “Do I care about those things? Wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao."
Kahit papaano ay napangiti ang binata, “You and me both. But the repercussions could involve my company and your dad’s company. If revenues go down, investors would be concerned. Employees would be affected. We may or may not be able to maintain our reputation and image.”
Umawang ang labi ng dalaga. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging epekto niyon sa kanilang negosyo.
“Totoo?”
Ibinaling ni Klyde ang atensyon sa ibang dokumento.
“Wait lang. Are you saying hindi mo man lang makokontrol ang media? Kung anong mga artikulo ang kanilang ilalabas na may kinalaman sayo? They would dare to offend you? I thought they normally seek out the people involved in a negative situation to confirm the facts? Maybe contain the situation or something.”
Well, she’s not entirely an idiot. Alam niya ang mga ganoong bagay.
“Tama ka, pero mas gugustuhin kong huwag nang dumaan sa gulo. All of that trouble just for a dinner date on your birthday?” Tinaasan siya nito ng kilay.
Ngumuso si Mel nang marinig ang sagot nito. Well, he’s not wrong. But her birthday plan is turning sadder with every minute.
“Hindi ba pwedeng magcelebrate tayo in private? Pwede mo namang i-book ang buong restaurant, di ba? Kung kuripot ka, kahit booth lang? May mga restaurant naman na ganun." May napuntahan na siyang ganoon. Bagama't hindi talaga garantisado ang privacy sa mga lugar na iyon.
"Mag-aaksaya ka ng maraming pera para lang sa ilang oras? Isa pa, madalas akong busy."
"Uh-huh, pero kahit gaano ka ka-busy, kinakain mo pa rin naman ako gabi-gabi." Medyo nagbago ang tono niya. She's not exactly intimidating him, how could she? Mas angkop na sabihing nanunuya siya. Gusto niya lang naman niyang mag-dinner na may kasama, mahirap ba yun?
Bumuntong hininga ulit si Klyde. "We’ll see."
Not exactly a commitment and she knew he would bail if he can. She pouted. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan. Dahilan para mas lalo niyang gustuhin na magkaroon ng boyfriend. Kung may sapat na oras lang siya, baka naghanap siya ng ibang taong papayag na lumabas kasama siya.
Sa kabila ng kaniyang trabaho, nagawa pa rin niyang umorder ng mga bulaklak, lobo, at cake para sa kanyang kaarawan. Pinakiusapan niya ang mga kasambahay ni Klyde na maghanda ng masasarap na mga pagkain para sa hapunan.
Dahil hiwalay ang dining room sa living room, hindi agad makikita ni Klyde ang mga dekorasyon kapag nakauwi na ito. Hindi niya alam kung maiinis ba ito kapag nakita iyon. Well, ikatutuwa niya kapag nainis ang lalaki sa araw na ito. Dahil tumanggi itong lumabas sila, dito na lamang sa bahay nito sila magdiriwang. Okay na iyon kaysa sa wala.
Nagmamadali siyang umuwi pagkatapos ng trabaho, dahil alam niyang darating din ng maagap si Klyde. Sinuhulan na niya ang mga kasambahay kahapon para ilagay ang mga dekorasyon niya sa dining room. Kailangan lang niyang suriin kung na-set up ang mga iyon ayon sa kagustuhan niya.
She felt a little giddy when she saw the results. Perfect! Pumalakpak pa siya at nagpasalamat sa kanila. Magiliw silang bumati sa kaniya ng maligayang kaarawan at labis niya iyong ikinatuwa. Buti pa sila… Nagpasalamat siya sa kanilang kooperasyon at pinauna na niyang kumain ang mga ito. She let them have one of the cakes she bought.
Noong umaga, natawagan na siya ni Lily upang bumati. Napagkasunduan rin nilang magkita sa darating na Sabado para mag-celebrate. Partikular nitong binanggit na hindi niya isasama ang kanyang kasintahan. Thank you for that.
She changed into a nice red dress and slipped into his study. Alam niyang malapit na itong dumating.
Hindi siya naghintay ng matagal. Dumating rin agad ito pagkaraan ng labinlimang minuto. Hinubad nito ang suot na kurbata at inihagis iyon sa sofa bago pumwesto sa likod ng kanyang mesa.
It was when she made a disgruntled sound that he noticed her presence. His startled look made her roll her eyes.
"Ano ba naman yan. Huwag mong sabihing hindi mo ako nakita?"
"Hindi nga." Masyado lang siyang pre-occupied.
She huffed, “Well, anyway... let’s have dinner now. Nagluto sila ng maraming ulam."
Hinawakan niya ang braso nito at hinila ito palayo sa trabaho niya.
Kumunot ang noo ni Klyde at kumontra, “I have a few documents to review. They’re urgent."
Mel pouted at nagsumiksik sa tabi niya. “Birthday ko ngayon. Ang tanging magagawa mo lang ay ang maghapunan kasama ako. Nagtanong ka pa noon pero kinalimutan mo na agad. Ganun na ba ako kawalang halaga?"
She really didn’t mean to guilt him, at hindi niya ugaling magmakaawa pero ginawa niya pa rin. Kapag tumanggi ito ay talagang iiyak siya.
Natigilan ang binata sa paalala nito at medyo nakonsensya siya. Napabuntong-hininga siya at pumayag na rin sa hiling nito. Masaya siya nitong dinala patungo sa hapag-kainan.
She chuckled at his stunned expression nang makita ang mga dekorasyon.
“Mukhang birthday party, di ba?” Kumpleto ito ang mga paraphernalia niya. May birthday banner, mga lobo bawat kanto at mga bulaklak rin. Kumuha pa siya ng isang bouquet of roses para sa sarili.
"Happy birthday, Mel."
Natuwa ang dalaga nang batiin siya nito nang maayos. Hindi man naalala ni Klyde na ngayon mismo ang birthday ng dalaga, sigurado siyang inutusan niya ang kanyang assistant na bumili ng regalo para rito. Hindi nga lang niya matandaan kung saan niya iyon inilagay. Maliit na kahon iyon, na naglalaman ng mamahaling kwintas. Umaasa siyang nasa bag lamang iyon na karaniwan niyang dala.
“Salamat.” Ngumisi ito sa kanya, umupo at sinenyasan siyang maupo na rin.
Nagsimula silang kumain at sinabi ni Mel sa kanya na may lakad siya sa Sabado kasama ang kaibigan. Pagkatapos, nagkuwento ito tungkol sa mga mumunting tsismis na naririnig niya sa opisina.
“I mean, pwede mo akong gawing espiya. Apparently, there are plenty of assholes in your company.”
He grunted, " The problem with employment is you can’t easily terminate it. Lalo na sa mga regular na empleyado. The due process is quite tedious. At bakit ba natin pinag-uusapan ang tungkol sa kumpanya? Birthday mo, hindi ba? Anong mga plano mo ngayong twenty-four ka na?"
“Oh, wow. Alam mo pala kung ilang taon na ako? Ang sweet mo naman. Hindi ba madalas naman nating pinag-uusapan ang mga plano ko? Which is usually me not knowing what it is.”
“May anim na taon ka pa bago ko maibigay sa iyo ang iyong buong mana. Baka magbago pa ang isip mo tungkol sa pamamahala sa kumpanya ng iyong ama. Nagsisimula ka nang magkaroon ng karanasan. May mga natututunan ka habang nagtatrabaho. I mean, it’s not much and you can do better, but it’s a start.”
Napaawang ang labi niya, "Bakit parang minamaliit mo ako?"
Pinandilatan niya ito.
“Alam mo ang ibig kong sabihin. Sa ngayon, kulang ka pa sa experience."
Ugh. This bastard…
“Fine. Oo na. Whatever. Kumain ka na lang. Ito pala ang mga paborito kong pagkain. Gusto mo rin ba sila?” Tinuro pa niya ang isang ulam at pinakain iyon sa lalaki.
Oh, boy. Ngayon lang niya natuklasan na hindi pala ito mahilig sa maanghang na pagkain. Hindi rin naman niya iyon madalas kainin, ngunit kapag available ang mga iyon ay kinakain niya talaga.
"Hoy, hindi naman iyan masyadong maanghang. Just a little."
Ininom ni Klyde ang isang buong baso ng tubig.
"Eto, kumain ka ng saging." Pumili siya ng isa sa gitna ng mesa at ibinigay sa binata. Tinanggap naman nito iyon. Seems like he knows it’s good to soothe the spiciness.
"Sorry..." Medyo nahihiya niyang paghingi ng tawad.
“Pwede mong tikman yung iba. Ito, hindi ‘to maanghang. Saka iyon." Tinuro niya kung aling pagkain ang pwede niyang subukan. Yung malalapit sa kaniya ay sinandok niya na rin at inilagay sa pinggan nito.
Kinain naman ni Klyde ang mga iyon. Masarap naman. Tumango ito para ipakitang aprubado sa panlasa niya.
Nakahinga ng maluwag si Melissa. Gusto lang naman niya itong inisin, hindi ipadala sa ospital.
Pagkaraan ng ilang sandali, tinanong niya ang binata, "Nakatanggap ka na ba ng mga bulaklak dati?"
"Hindi." Nakakunot ang noo nito nang sulyapan siya.
"Kahit iyong kwintas ng mga bulaklak na ibinibigay sa mga bisita? Marami kang dinadaluhang events, di ba?"
"Maybe once." Naalala ni Klyde na may nangyari ngang ganoon noon.
"Gusto mo ba ng mga bulaklak?" Parang proud na proud siya sa bouquet na hawak.
"Sino ang nagbigay niyan sayo?" Curious na tanong niya. Baka padala ng kaibigan nito?
Mel pouted again. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya ito itinuturing na grown-up. Mahilig itong ngumuso na parang bata. At madalas niya iyong gawin kaysa sa nararapat.
“Binili ko ‘to para sa sarili ko. Bakit ba? Hindi ba pwede?”
She was being defensive at alam niya iyon. Medyo nakaramdam ng guilt si Klyde dahil sa ekspresyon nito. Kita niya ang bahagyang kalungkutan sa mukha ng dalaga.
“Pwede naman. You like them?" Pagsang-ayon niya sa tinuran nito.
“Oo naman. Mahilig ang mga babae sa bulaklak, no? Alam mo naman siguro iyon."
They do look pretty. It’s her birthday so he tried to be accommodating and not antagonize her. Just for today.
Pagkatapos nilang kumain, kinuha ni Mel ang cake. Sisindihan na sana niya ang kandila ngunit inagaw iyon mula sa kaniya ng lalaki. Hindi niya inaasahan iyon.
"Happy birthday." Binati siyang muli nito at napangiti siya. Kahit papaano ay may puso naman pala ito.
"Hindi mo ba ako kakantahan ng happy birthday?" Hindi niya maiwasang asarin ito at humiling ng ganoon. Naging awkward ang hitsura nito kaya’t natawa siya. Pinag-iisipan ba nito kung gagawin niya iyon? It felt nice.
"Salamat." With that, hinipan na niya ang kandila. Kinuha niya ang kutsilyo at kumuha ng dalawang hiwa.
"Try it. It's classic milk chocolate, pero sinigurado kong hindi iyan masyadong matamis."
Tahimik nilang in-enjoy ang dessert.
“May hiniling ka ba? Anong hiniling mo?” He asked just to make small talk. Alam niya na may mga taong naniniwala na hindi dapat ipagsabi sa iba ang kanilang hiling dahil maaaring hindi iyon magkatotoo kapag nalaman ng iba.
/stary/