Lumipas ang ilang araw at sa hindi malamang dahilan, may kakaibang nararamdaman si Mel. Hindi iyong komportable. Hindi niya sigurado kung ano iyon. Para bang mayroon siyang bagay na nalimutan at hindi niya maalala. Nakatambay lang siya sa kanyang silid, nang magpasya siyang subukang buksan ang luma niyang email. Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula noong huli niya iyong buksan. Gumawa siya ng bago noong nagsimula siyang maghanap ng trabaho, iyong mas propesyonal ang dating. Inabandona rin niya ang kaniyang lumang phone number at iba na ang ginagamit. Anyway, mayroon pa ring social media kung saan nananatili siyang nakikipag-ugnayan sa mga dati niyang kaklase. Bihira nga lamang siyang magbukas noon at magbasa ng mga mensahe. Cringe din iyong username niya doon at hindi pa rin niya alam