"I’ll be away on a business trip. Kung hindi pa rin maganda ang pakiramdam mo, pumunta ka na sa ospital. Magsama ka ng maid." Napaungol na lang si Mel sa paalala ng lalaki. Buti na lang hindi ito uuwi ng ilang araw. Sana ay makakapag-isip siya ng mas maayos at bago ito bumalik ay may plano na siyang maiisip. Maaga itong umalis at bumangon na din siya mula sa kama. Halos kalahating oras niyang tinitigan ang kaniyang haggard na repleksyon bago naligo. Pakiramdam niya ay mas tinatamad siya kumpara noon. Gusto niya na lang mahiga at matulog. Ayaw niyang magtrabaho pero gusto niyang umalis sa bahay na iyon. Pagsapit ng tanghali ay lumabas siya gamit ang sariling sasakyan. Ugh. Bakit nang malaman niyang buntis siya ay tila iniuugnay niya ang kaniyang bawat kilos at pakiramdam doon? Normal par