Hindi ko alam kung ano na nga ba ang label namin ni Vad ngayon. Pareho kaming may gusto sa isa't isa pero hindi pa namin napag-uusapan kung ano na nga ba kami. If we're still faking it o kung totoo na ba ang pinapakita namin maski sa publiko. But all I know is that I'm happy. Kung ano man kami ngayon ay sapat na sa akin. Mula sa kabilang kalsada ay nakatanaw ako sa kanya. Sa labas ng pastry shop ay may dala itong cake. Kumunot ang noo ko. We're supposedly going to burnham and stroll around. Bakit naman may dala itong malaking cake? A little girl is crying beside him. Pilit itong pinapatahan ng nanay niya. And then slowly, Vad held the little girl's hand and sat in front of her. Napangiti ako nang mahulaan ang susunod nitong aksyon at tama nga ako. Ibinigay niya sa batang babae ang cake