"HAPPY NEW YEAR!" Nagtaas kaming apat ng wine glass at pinagtama-tama ang mga iyon sa ere. Saktong pagpatak ng unang segundo ng bagong taon. "Mabuti at pinayagan kang dito mag-celebrate ng bagong taon, hijo?" Dad asked. "Akala namin ay hindi ka na makakarating." Awtomatiko akong napalingon kay dad. "In-invite niyo siya?" Lumingon ako kay Vad. Tumikhim si dad at bumalik ang tingin ko sa kanya. "Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin?" "Dapat nga ikaw ang nag-imbita sa boyfriend mo, Chloe. Unang new year niyo ito na magkasama," sabi pa ni mommy. Vad faked a cough. "Oo nga po. Hinihintay ko nga na i-invite niya ako pero ayos na rin dahil mukhang na-surprise siya na nandito ako." Halos masamid ako sa sinabi niya lalo na nang pasimple itong kumindat sa gawi ko. Uminit ang pisngi ko nan