Tiningnan ko ang orasan. Saktong-sakto ang pagkaka-dismiss sa amin ng last prof ko. Sabay kami ni Alexa na bumaba. "Tara na, Chloe, isabay ka na namin," sabi ni Alexa pero nanatili akong nakatayo. It was as if I'm waiting for someone. My body and soul is silently hoping that this certain someone would come. Ang tanga lang. "Chloe!" tawag muli ni Alexa. Yumuko ako at ngumiti ng mapait. Bakit ko pa hihintayin iyon, eh, tinaboy ko na nga? Isa pa, peke lang naman ang relasyon namin. Bakit naman kasi sinanay ko ang sarili ko sa kanya? s**t! Don't cry here, Chloe Shae! Huminga ako nang malalim at tahimik na lumapit kay Alexa. Mamaya pa ang uwi nila mommy at ayaw ko naman na maiwan dito mag-isa. Buti na lang at hindi namin kasabay si Axel sa sasakyan. Even Axel would remind me of Vad, and I