Kinabukasan ay kinailangan ko ng pumasok. Hindi pwedeng hanggang matapos ang sem ay magtatago na lang ako dito sa bahay. Isa pa, nakakahiya na um-absent ako kahapon. For sure ay ako ang bida ng mga chismisan kahapon. Hindi ko na binuksan pa ang social media accounts ko sa takot na baka kapag may mabasa ako ay tuluyan na nga akong mag-drop out. "Hindi ka susunduin ni Vad?" tanong ni daddy nang sabihin ko na sasabay ako sa kanila. Malungkot akong ngumiti. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong mapalapit sina mommy at daddy sa kanya. Our relationship is bound to end from the very start. Gusto ko tuloy siyang sisihin sa bagay na ito. "He won't pick me up anymore, dad," malamig na sagot ko at medyo nawalan na ng gana na kumain. Natigil siya sa akmang pagsubo. Nagkatinginan sila ni mom