Hindi ko alam kung anong oras uuwi si Vad o kung makakapag-usap ba kami dahil ang dami niyang kliyente- I mean, kausap. Agad kong sinundan ng tingin ang pamilyar na pigura ng lalaki na lumabas ng venue. Where is he going? Pasimple akong sumunod dahil baka may kasama siya at nakakahiya naman na lumapit. But nah. Mag-isa niyang sumakay sa sasakyan. Ako naman ay nagmamadaling pumunta sa pwesto ng sasakyan ko at kahit pahirapan ay pilit ko pa ring inilabas iyon. Nahirapan akong makita ang sasakyan niya pero nakita ko rin naman dahil nakahinto ito at may kausap na lalaki pero nasa loob siya. After some minutes, his car moved. Sinundan ko ang sasakyan niya. Huminto ito sa isang coffee shop. Huh? Ano namang gagawin niya rito? May kikitain ba siya? I parked the car a few blocks away from the