Nanginginig ang buong kalamnan ko nang mamataan sa hindi kalayuan sa akin ang babaeng ilang araw ko ng hindi nakikita. The lady who I regarded as friend but is actually a fake one. Kung pretender ako, ano pa siya? Hindi ko napigilan ang pag-alab ng galit sa dibdib ko at nagmamadaling tinungo ang pwesto kung saan siya nakatayo. Lumingon ito sa akin at pinalipad ko ang kamay patungo sa pisngi niya. I slapped her. Hard. Inulit ko iyon sa kabilang pisngi niya gamit ang kabilang kamay ko. Nanlalaki ang mga mata nito saka ako tiningnan ng masama. Her cheeks are red but I don't care. Kinuyom ko ang dalawang kamao ko at matapang siyang tiningnan. "Fvck you!" malutong na mura ko habang nanginginig ang labi. I am so mad. I am mad because I literally trusted her more than I trust Vad. Like... well