Ang sabi ni Alexa ay wala na si Vad sa condo nila ni Axel pero heto at nagpunta pa rin ako, nagbabaka-sakali na dumating siya, nagbabaka-sakali na biro lang ang sinabi ni Alexa. "Chloe?" Napaayos ako ng tayo nang makita si Axel. Late na, ah? Ngayon lang siya uuwi? It's already seven at kanina pa akong five nandito. Nakasandal ako kanina sa pader sa tabi ng pintuan ng unit nila. "Uhh," I awkwardly faced him. "N-napadaan lang." Tumikhim ako. "Mangangamusta sana." Ang mga nanunuring tingin niya ang naging dahilan kaya dumoble ang hiyang nararamdaman ko. Gusto ko lang naman makita at makausap si Vad. At the same time ay natatakot akong magkita kami. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kapag kaharap ko na siya. Tumango siya at dumiretso sa may pintuan, nilagpasan ako. Sinundan ko siya