49

1670 Words

Hindi na ako makapag-drive ng maayos kaya nag-offer si Brandon na ihatid ako at ipakuha na lang ang sasakyan ko. Hindi na ako tumanggi pa dahil hindi ko din alam kung paano ako uuwi ng walang maghahatid sa akin. Panay ang sulyap ng kasama ko sa akin pero nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan niya na umaandar. Blanko ang isipan ko, para bang pinapatigil na muna nito ang kung ano mang mga impormasyon na pumasok dahil masyado ng marami. Masyado ng nakakatakot. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay. Walang enerhiya akong bumaba at saka siya tiningnan. "Salamat," malamig na sabi ko. Hindi ako galit sa kanya, hindi ko lang talaga ma-absorb ang lahat ng narinig at nalaman ko kanina. Tumango ito. "Rest for a while, Chloe. Kung gusto mong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD