“GANDA naman, Maam!” ngingisi-ngising bungad sa akin ni Jude kina-Lunes-an maaga pa nang papasok ako sa classroom nila. Tamang-tama kasing nasa may hamba siya ng pintuan ng classroom nila at doon kasalukuyang nakatambay kasama ng kanyang isa sa mga kaklase. “Naks! Ako o yung hair clip?” sabay ko naman sa kanya. Sa hair clip na suot ko kasi siya nakatingin, eh. “Yung hair clip.” Marahang natawa ako saka tumango. “Totoo ‘yan.” “Siyempre, lalo na yung nagsusuot,” hirit naman ng kaklase niya. “Naman!” makulit na sang-ayon ko rito saka nakipag-high five. Nang pumasok ako, napatingin kaagad ako sa may bandang likuran partikular na sa gawi ni Stanley. He was just sitting there and gently staring at me with a hint of soft smile on his lips. I just smiled back. Matapos ng klase ko sa kanil