Naagaw ng pagsasalita ko ang atensyon ng mga estudyante ko at napatingin din sa may bandang pinto. Samantalang ang mga babaeng outsider naman ay tila gusto nang tumakbo palayo dahil sa pagpuna ko sa mga presensya nila. Anything wrong? "Ah, kasi po, Maam..." parang nahihiya na salita nung babaeng nasa pinakaunahan. Maganda ang babae. Mahaba ang kulot-kulot na kulay itim na buhok at naka-headband ito ng pink. She looks so neat and beautiful. "Kasi, Maam, hinahanap po ni Elizabeth si Stanley Rhys! Crush na crush daw po kasi niya at gusto mo sana niyang magpa-regards daw!" singgit na ng isa nitong kasama na madaldal. "Wendy!" namumula namang saway ng magandang si Elizabeth sa kaibigan. "Yieeh!" nagsimula na rin siyang tuksuhin ng iba pa nilang mga kasama. Napangiti ako't tiningnan ang es